Chapter 2

239 14 0
                                    

CHAPTER 2

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

*Airport*

Tinignan ko ang relo ko. Alas nwebe na. Hinanap kaagad ng mata ko si Rachel.

"Asan na kaya yun." bulong ko sa sarili ko.

"Rachel!"

Kumaway ako para makita niya ako agad. Naglakad siya papunta sa direksyon ko dala ang maleta niya.

"Ako na." Agad ko namang kinuha ang maletang hawak niya.

"Kamusta?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Bakit hindi sumama si Dad sa pagsundo sa akin?"

Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Lumalala na kasi ang rayuma ni Chairman." sagot ko habang nakangiti.

Nanatali siyang tahimik sa buong byahe. Nagtatampo na naman siguro to kasi hindi sumama si Chairman sa pagsundo sa kanya.

Napansin ko na nagmature na ang itsura niya. Tumangkad rin siya at lalo pa siyang gumanda.

"Kamusta ang buhay sa America?" pambabasag ko sa katahimikan.

"Wala namang bago."

"Talaga? Pero sa tingin ko sayo maraming nagbago."

Napatingin siya sa akin. Tinignan ko rin siya saglit at ibinalik ko na ang tingin ko sa daan.

"Kai.."

"Hmmm?"

"W-wala. Bilisan na natin. Gusto ko ng makauwi."

Nang makarating kami sa mansyon ay agad naman siyang pumasok sa kwarto niya para magpahinga.

Nagpaalam na ako kay Chairman dahil may klase pa ako.

Pagdating ko sa school ay agad naman akong binati ng barkada ko.

"Zap dude?" Si Dave. Ang pinaloko sa amin.

"Naks hanggang tenga ang ngiti ah. Anong meron?" Si Sam naman ang nagtanong. Ang clown ng grupo. Mahilig bumanat ng corny jokes at pick up line.

"Andito na si Rachel."

"Weh di nga?"

"Asus kaya naman pala good vibes ka. Dumating na pala ang iyong pinakakamamahal, ang pinakatatangi at pinaka espesyal na babae sa iyong buhay." sabi ni Sam with matching yakap pa sa sarili. Bugok talaga.

"Sira." Binatukan ko nga. Ang corny eh.

"Kamusta na siya?"

"Ayun okey lang naman. Mas lalo siyang gumanda." sagot ko.

"Oh di mas lalong di na kayo bagay."

Sinamaan ko ng tingin si Sam.

"Joke lang naman dude. Peace."

"Nakakatawa. Grabe." sarkastic kong sabi.

"Sige una na ako mga dudes.May klase pa ako eh." paalam ni Dave.

"Sige."

Naglakad na ako at sumunod naman sakin si Sam. Natural classmate kami eh. Civil Engineering ang course namin

si Dave naman ay architecture. Graduating students na kami. Ewan ko lang kay Sam kung makakagraduate siya. Tamad na nga mag aral, palagi pang tinutulugan ang klase. Tulad ngayon. Wala pa kasi ang prof kaya tulog na naman. Hay nako.

"Good morning class."

"Good Morning Miss Fabro."

Aish. Andito na pala tong masungit na prof namin.

"Uy andyan na si Miss Sungit" bulong ko kay Sam. Paano natutulog na naman eh. Mamaya mapalabas na naman ang isang to sa klase.

"hmmmm asdfgjkl"

Aba ang loko loko nananiginip pa ata. Tinapik ko siya ng mahina para magising siya.

Anak ng! Ayaw gumising. Bahala ka nga diyan.

"Alright. Last time we discuss about.."

Naku po nakatingin na si Prof dito sa katabi ko. Patay kang Sam ka!

Tumigil siya sa pagsasalita at nagsimulang maglakad papunta sa kinauupuan namin sa likod.

Bahagya ko pang tinapik si Sam pero mukhang wala pa rin. Tumigil sa tapat ng upuan namin si Prof na masama ang tingin kay Sam. Naloko na.

"Ehem!"

Lagot na naman si siya hahaha.

"Mr. Aguilar!"

Hindi man lang nagreact ang loko. Ang lakas kaya ng pagkakasigaw sa pangalan nya. Ayan na galit na si Prof.

"MR AGUILAR!!!!!!"

Biglang napabalikwas ang loko.

"Asan ang sunog?" Pupungay pungay pa ang mata niya. Lalong nainis si Prof.

"GET OUT OF MY CLASS!"

"Ma'am bakit?"

"I SAID GET OUT NOW!!!"

"Ma'am naman. Hehe."

"Huwag mo akong dinadaan sa ganyan Mr Aguilar. Your sleeping again in my class. Now get out or ipapakaladkad kita palabas?"

Nagtawanan ang buong klase. Napailing na lang ako ng naglakad palabas si Sam na nagkakamot ng batok. Yan kasi. Buti nga sa kanya.

Pagkatapos ng mga klase ko syempre uwi na. Hindi naman ako yung tipong gala at kung saan saan tumatambay pagkatapos ng klase.Pangarap kong maging one of the best na Engineer sa buong mundo kaya nag aaral akong mabuti.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon