Chapter 3

193 10 0
                                    

CHAPTER 3.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

Pagkauwi ko sa bahay, naabutan ko di mama na busy sa mga teka saan galing ang mga yan.

"Saan naman galing ang mga yan Ma?"

"Kay ganda."

Napakunot naman ako ng noo. "Sinong ganda?"

"Yung bago nating kapitbahay."(^__^)

"Binigay niya lahat yan?"

Tumango naman si Mama. Huh? Grabe. Bakit naman niya binigyan ng mga bagong damit si Mama.

"Regalo niya saakin to Anak. Ang galante niya. Sabi na eh mayaman yun!"

Tinignan ko naman ang mga damit at alam kong mga branded yun. Sino ba kasi yung kapitbahay namin na yun.

"Ay oo nga pala. Ininvite ko siyang magdinner dito mamaya para makilala mo naman siya."

"Uuwi na nga pala si Papa mamaya."

"O sakto para makilala niya rin si Ganda. Ibili mo nga muna ako sa grocery store. Oh eto yung bibilhin mo."

Inabot niya saakin ang listahan ng bibilhin. Aish. Kararating ko lang eh aalis na naman. (-____-)

*grocery store*

"Ano pa ba ang di ko nabili."

"Oo alam kong maganda ako pero please lang ha. Tigilan mo na ako "

(o__O)

"Argh! Isa! I told you ayoko. Capital A-Y-O-K-O."

Sino naman yun?Magskandalo talaga dito sa grocery store. Tsk tsk.

Bigla nalang may kumapit sa braso ko.

"May boyfriend na ako."

What? Tinignan ko naman ang humawak sa akin.

"T-teka sino ka b-"

"Look boyfriend oh. Ayaw akong tigilan ng lalaking yan."

Tinuro niya ang lalaki sa likod ko kaya lumingon ako.

"Ano bang pinagsasa-"

" Boyfriend Sabihin mo nga sa kanya na tigilan na ako. Ang kulit kasi niyang lalaking yan eh."

Abat kanina pa niya pinuputol ang sasabihin ko ah.

"Kuya makisama ka dali na. Idadate na lang kita mamaya." bulong niya sa akin. Nababaliw na ba ang babaeng to?

"See? Di hamak naman na mas gwapo sayo ang new boyfriend ko kaya chupi. Uwi. Break na tayo matagal na kaya uwi. Uwi na."

Anak ng! Anong new boyfriend ang pinagsasabi nito.

"I dont believe you."Sabi naman ng lalaki.Oo tama yan. Wag kang maniwala sa kanya. Sinungaling tong babaeng to. Hindi ko nga siya kilala tapos sasabihin niyang boyfriend niya ako.

Napansin kong marami na ang nakatingin samin. Malamang agaw eksena naman kami eh. (-__-)

"Ehem. Teka nga muna." Inalis ko ang nakakapit na kamay ng babae. Tsk. Makakapit parang linta.

"Una sa lahat, hindi kita kilala miss. Pangalawa, hindi mo ako boyfriend. At pangatlo alis diyan sa dadaanan ko dahil may lakad pa ako. Chupi. Alis."

*****

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

Aish. Hanggang dito ba naman sa grocery store sinusundan ako ng pangit kong ex.

"Oo alam kong maganda ako pero please lang ha. Tigilan mo na ako "

Kainis. 3 weeks na nga kaming break eh nangungulit pa rin.

"Fire please naman. Let's start again."

Nek nek mo. Anong start again. Hindi ako nagrerecycle ng basura.

Lalapit pa sana siya sa akin pero inunahan ko na siya ng sigaw.

"Argh! Isa! I told you ayoko. Capital A-Y-O-K-O."

Paano ko ba matatakasan ang isang to? Ah i know na. Hay ang talino ko talaga. Maganda na, matalino pa! Saan ka pa?

Walk out ang peg ko. Sinundan naman ako ng unggoy. Huh! Humanda ka pag ako nakakita ng gwapo dito.

Ha! Swerte ko. Iba talaga pag maganda!

"May boyfriend na ako." Sabay kapit sa lalaking nakita ko. *Insert ngiting tagumpay*

"Look boyfriend oh. Ayaw akong tigilan ng lalaking yan."

Waah. Makisama pogi. Kailangan kita.

"Ano bang pinagsasa-"

"Sabihin mo nga sa kanya na tigilan na ako boyfriend. Ang kulit kasi niyang lalaking yan eh"

Waah. Mukhang di ako magets ni pogi.

"Kuya makisama ka dali na. Idadate na lang kita mamaya." bulong ko sakanya. Gamitin ang alindog.

"See? Di hamak naman na mas gwapo sayo ang new boyfriend ko kaya chupi. Uwi. Break na tayo matagal na kaya uwi. Uwi na."

Oh pinuri na kita pogi. Makiride ka na.

"I dont believe you." O di wag. Wa ko care. Aish. Kainis kasi tigilan mo na ako please......

Nagulat ako ng biglang tangalin ni pogi ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Una sa lahat, hindi kita kilala miss. Pangalawa, hindi mo ako boyfriend. At pangatlo alis diyan sa dadaanan ko dahil may lakad pa ako. Chupi. Alis."

What? (O_____O)

"Fire.."

"Shut Up!"

That man. How dare he to ignore me like that!

"H-hoy!"

Hindi ko to mapapalampas. Wala pang lalaking tumatanggi sa akin.

Aba at talagang hindi siya huminto. Ni hindi rin ako nilingon.

I am Fire. Beautiful like a goddess, sexy as hell and hot as fire. How dare he!

"Fire please.."

"Bakit ba hindi ka makaintindi ng ayoko? Tigilan mo na ako!"

With that i left. But I'll definetely get my revenge to that guy. Maghintay ka!

****

(

Vote and comment please..)

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon