Chapter 12

87 8 0
                                    

CHAPTER 12.

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

Nasabi ko na ba sa inyo na may kotse ako? Hindi pa? O yan nasabi ko na pero useless na siya ngayon.

"Aish bakit ngayon ka pa nasira!"

Napaka wrong timing naman oh! Paano ako papasok? Kainis kung kelan hindi ako maihahatid ni Bestfriend saka naman nasira to.

"Makapagtaxi na nga lang."

Palabas na ako ng mapansin ko si Kai sa labas ng bahay nila.

"Pssttt. Kai."

"Oh bakit?"

"Papasok ka na ba? Pasabay."

"Ayoko nga."

Aish kahit kelan ang sungit nito. Gusto kong umangkas sa motor niya eh. Cool yun.

"Dali na pasabay ako. Malapit lang naman yung school namin eh. Hatid mo muna ako pretty please.."

"Ayoko nga bahala ka diyan."

"Wey bahala ka. Sasabay ako."

Umangkas na ako sa motor niya. Bwahaha.

"Hoy ano ba. Bumaba ka nga."

"Ayaw!" Tapos niyakap ko siya sa bewang niya. Ayiee may abs ah.

"Bumaba ka sabi eh."

"Ayaw. Bleh."

"Aish bahala ka nga."

*broooomm *

Buti na lang naka pants ako ngayon. Waaaaah ang sarap naman sumakay sa motor niya.

"Ang bagal naman. Bilisan mo pa!"

"Aish! Ewan ko sayo."

"Liko ka sa.kanan tapos dire diretso lang school na namin.

After 15 minutesn nakarating na kami sa school.

"Sige salamat sa paghatid."

"Di kita hinatid."

"Fine whatever. Bye bye boyfriend ingat ka."

"Sabi ngang hindi mo ako boyfriend eh."

Naglakad na ako paalis. Nakabusangot na naman kasi haha.

*****

Pagkatapis ng klase ko dumiretso ako sa mall para bumili ng isusuot kong damit para bukas.

"Kai?"

Nakita ko si Kai kaya sinundan ko siya. Pumasok siya sa jewelry store.

Busy siya sa pagtingin sa mga nakadisplay na jewelries kaya di niya napansin na tumabi ako sa kanya.

"Para kanino?" tanong ko.

Bigla siyang napalingon sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Wala. May binili lang ako tapos nakita kita kaya sinundan kita."

"Sir may napili na po ba kayo?" Tanong noong Sales lady. Epal. Nag uusap pa nga kami eh.

"Can I look at this one?" Tapos tinuro niya yung necklace na may mga diamond.

"I think mas magugustuhan niya yun oh." sabi ko sabay turo sa necklace na may heart pendant.

"Mahilig si Rachel sa mga heart shape."Dagdag ko pa.

Napakunot naman siya ng noo. Oh bakit? Tinutulungan na nga siya eh.

"Paano mo naman nalaman?" tanong niya.

Paano nga ba? Haha.

"Fan niya ako di ba. Ako ang number one fan niya." I said.

"Eh pano mo naman nalaman na para sa kanya ang bibilhin ko?"tanong niya.

"Oh bakit mali ba ako? Hindi ba yan para kay Rachel? Eh para kanino? Para sa akin ba?" Maasar ko nga.

"Ewan ko sayo."

Kita niyo. Ang sungit na naman eh.

"Birthday niya bukas di ba?"

"Miss patingin ako nung may heart na pendant."

Aish. Tignan mo tong lalaki to. Kinakausap eh.

"Sige ito na lang ang kukunin ko."

He said after niyang tinignan yung necklace. Sus.

"Sabay na tayong umuwi." sabi ko.

"Ayoko nga. "

"Sungit mo talaga eh no. Ang swerte mo nga may maganda kang makakasabay pauwi."

"So?" Aba! Bakla yata talaga ang isang to ah. Mas maldita pa saakin.

"Eeehh dali na."

"Bahala ka nga diyan."

"Uwaaahh Kai naman eh."

At talagang inunahan niya pa ako sa paglalakad. Sasabay ako sa kanya kahit pa ayaw niya.

"Ouch!". Huhu bakit ba ang.malas ko. Ngayon pa ako natapilok.Ang sakit ng paa ko.

"O-Oy Kai!" Tawag ko sa kanya pero di niya man lang ako nilingon.

"Aish nakakainis!"

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya. I look pathetic right now. Shetness dinadaanan lang ako ng mga tao. Haller? Wala bang may.gustong tumulong sa akin?

Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Nagulat pa ako ng makita ko kung sino ang bumuhat sa akin.

"Tristan? Anong ginagawa mo dito?"

"Magbestfriend ba talaga tayo? Lagi nalang mali yang sinasabi mong pangalan. Ihulog kaya kita."

"Uwaaahh wag." Kumapit ako sa leeg niya. Para kaming bagong kasal. Pero wala namang malisya bestfriend ko naman to.

"Anong ginagawa mo dito?"

tanong ko.

"Wala may bibilhin lang sana ako tapos nakita kita kanina na nasa sahig. Mukha kang kawawa."

"Ikaw!" Kinurot ko nga. Pero mahina lang naman.

Isinakay na niya ako sa kotse niya.

"Dapat hatid sundo mo ko para may silbi itong kotse mo. "

"Okey lang basta ikaw magbabayad ng gas."

"Kuripot talaga neto."

"Bukas na ang birthday ni Rachel ah.Pupunta ka?"

"Oo pero saglit lang ako." Hindi pa kasi ako nakapagdecide kung pupunta ako.

"Gusto mo samahan kita?"tanong niya.

"Talaga? Sasahan mo ako?"

Tumango naman siya. Ang swerte ko talaga at may bestfriend akong katulad niya.(^___^)

(

Vote and comment are highly appreciated..thanks for reading....)

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon