Chapter 9

115 7 0
                                    

CHAPTER 9.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

"ARF! ARF! ARF! ARF!"

"Hey doggy hello.."

"ARF! ARF! ARF! ARF!"

"Ohh bakit ka tahol ng tahol? Nagagandahan ka sa akin?"

"ARF! ARF! ARF! ARF!"

"Shhhhh ang inggay mo naman."

(-___-)

Sumilip ako sa bintana. Kaya pala kahol ng kahol yung aso. Baliw talaga ang babaeng yun. Pati ba naman aso kinakausap. At bakit nasa harap ng gate namin ang isang yun.

"ARF! ARF! ARF! ARF!"

"Aish. Sabing wag ka mainggay eh."

"ARF! ARF! ARF! ARF!"

"Sit. Aba ang tigas naman ng ulo mong aso ka ah. Sabi sit. Di mo ba ako naiintindihan? Aw aw oh ayan kalausapin kita sa dog language. Aw aw aw "

Baliw na talaga ang babaeng to. Mabuti na lang at walang ibang nakakakita sa kanya.

"Hoy." Tawag ko sa kanya pag bukas ko ng pinto.

"Oy ikaw pala boyfriend."

"Ano bang ginagawa mo dito? Gabi na ah at saka wag mo nga akong tawaging boyfriend. Umuwi ka na nga sa inyo."

"Oy wag kang umalis. Boyfriend tulungan mo ako..pleashhhhh.."

Sa itsura ng babaeng to ay paniguradong nakainom to.

"Bakit ka ba kasi nandito. Sa kabila ang bahay mo."

Bigla naman siyang ngumuso.

"Eh kasi..."

"Ano?"

"Eh kasi naman.."

"Ano nga?"

Pabitin pa eh.

"Hehe."

"Ewan ko sayo umuwi ka na nga."

Tumalikod na ako sa kanya at akmang lalakad na paalis pero nagsalita nanaman siya.

"Oy teka lang. Tu-tulungan mo naman ako oh."

Sa sinabi niyang iyon ay napalingon ako sa kanya.

"Hehe nawawala kasi yung susi ko ng bahay. Nakalimutan ko kung saan ko nilagay. Hindi ako makapasok kaya..."

"Oh eh ano naman?"

"Pwede bang makitulog?"

"Alis na dito."

"Hoy. Hindi mo manlang ako tutulungan? Saan ako matutulog? Alangan naman na dito ako sa kalsada matulog. At saka ang magkapit bahay dapat nagtutu-"

*booogsssshhhhh*

Napatakbo ako agad palapit sa kanya ng bigla nalang siya mawalan ng malay.

"Hoy gising." Tinapik tapik ko pa siya ng konti pero hindi siya magising. Amoy alak. Kababaeng tao lasenggera.

" ARF! ARF! ARF! ARF!"

"Oo alam ko baliw siya. Yun din ang tingin mo sa kanya diba Pechie?"

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon