Chapter 40

98 3 0
                                    

CHAPTER 40.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

Alam kong mali ang desisyon ko na pakawalan siya. Masakit din para sa akin ang ginawa ko pero ginawa ko lang ang tama.

Gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon. Kahit hindi pa ako tuluyang magaling ay nagpabook na ako ng flight pabalik ng Pilipinas.

Alam ko na magiging masaya siya sa pasya niya. At sana ganun din ako.

Sakay ng aking wheelchair ay pinagmasdan ko ang babaeng minsang naging parte ng buhay ko.

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Napakaganda niya sa suot niya wedding gown. Para siyang isang dyosa.

Hinalikan siya ng ngayon ay asawa na niya. Si Ian.

Masaya ako para sa kanila. Ngayon makakapagsimula na siya ng panibagong buhay kasama ng magiging pamilya niya.

Hindi ko maikakaila na minsan inimagine ko rin si Fire na nakasuot ng damit pangkasal. Pero hindi ko nga lang naimagine na sa iba pala siya ikakasal.

Yung mga pangarap na binuo naming dalawa sa iba tutuparin na niya ngayon sa iba. Mahirap tanggapin pero ako ang nagdesisyon nito. Ako ang tumulak sa kanya palayo.

Naiisip ko tuloy kung hindi kaya ako umalis,kung hindi nangyari ang aksidenteng iyon, kami kaya ang ikakasal? Kami kaya ang magkakatuluyan?

Kung naging mas malakas lang sana ang loob ko na harapin siya at sabihin na mahal ko siya, minanamal ko siya at mamahalin ko siya forever, kami kaya ang nasa harap ng altar na nagpapalitan ng vows sa isa't isa?

Pero nangyari na ang dapat mangyari. Nakakatawang isipin na hahantong kami sa ganito.

Naalala ko kung paano kami unang nagkita. Sa loob ng grocery store nang angkinin niya ako bilang boyfriend niya para lang tigilan siya ng isa sa mga ex niya. Hindi ko inaasahan ang pagkikita naming yun.

Tapos naging kapitbahay ko pa. Kapitbahay na puro sakit ng ulo ang dala. Pero ang hindi ko talaga inaasahan ay magigising ako isang araw na inlove na pala ako sa kanya.

At ang araw na pinuntahan niya ako sa ospital. Ang araw na pinagtabuyan ko siya. Ang araw na nagsabi ako ng isang malaking kasinungalingan sa kanya. Ang araw na pinakawalan ko siya.

Napakarami din naming pinagdaan. Pero lahat ng iyon ay magiging memories na lang.

Memories na hinding hindi ko makakalimutan.

Memories of such a beautiful lovestory that was never meant to be...

(a/n: Hehe.May epilogue pa guys. Basahin niyo please. Wag magalit dahil walang happy ending kasi happy lang to walang ending. Char! Pakibasa ang epilogue ^_^ malay niyo....)

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon