Chapter 14

90 7 0
                                    

CHAPTER 14.

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

*Beep beep*

Sumilip ako sa bintana. Ang sundo ko. Hahaha

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na sa bahay.

"Naks kala ko di mo seseryosohin yung hatid sundo deal natin."

"Sakay na baka malate tayo."

Oh ha? San ka pa. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse niya. Sarap ng may ganitong bestfriend eh.

Pagdating namin sa school.syempre pumasok na siya sa klase niya at ganun din ako.

At asusual wala ako sa mood makinig sa teacher kong mataba.

Nagdrawing lang ako ng kung ano ano sa papel.

Half day lang ako kaya after ng klase diretso saan pa ba? Eh di sa kapitbahay haha.

Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako kila tita kaso bumungad agad yung aso nilang gusto akong lapain.

"Tita!"

"Oh ganda pasok ka dali."

Arf! Arf! Arf!

Epal talaga tong asong to.

"Hey good dog."

Arf! arf! Arf!

Bad dog ka. Ipakatay kita eh.

Tinitignan ko ang mga picture na nakadisplay sa sala nila.

"Ilang taon po si Kai dito?"

"11 na siya diyan."

"Mahilig po talaga siya sa motor no."

Tuwang tuwa naman ako habang pinagmamasdan yung picture niya. Nakapose kasi siya ng peace sign tapos sa likod niya may cool at magandang motor.

Bigla na lang nagring ang phone ko.

'bestfriend calling'

"Oh bakit?"

"Asan ka?"

"Ah umuwi na ako. Half day lang kami eh."

"Ganun ba.Pupunta ako diyan mamaya."

"What time?"

"Mamayang gabi na lang may ipapakita ako sa yo."

"O sige."

Inend na niya yung call. So back to business na makuha ang loob ni tita, kailangan magpasipsip.

"Sandali lang Hija ah ireready ko lang yung lulutuin ko."

"Tita gusto niyo tulungan ko na kayo."

"Ah o sige halika."

Pumunta kami sa kusina. Kumuha siya ng mga ingredients sa ref.

"Ano po bang favorite na pagkain ni Kai?"

"Ah yun batang yun chapsuey ang paborito nun."

"Ahhhh.."

Inilagay niya sa mesa ang mga gulay. Kumuha din siya ng sangkalan at kutsilyo.

"Ma nandito na po ako."

Pareho pa kami ni tita na napalingon sa pinto. Andito na pala si Kai.

Napakunot nanaman ang noo niya. Hay naku alam ko na to.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon