Chapter 10

106 8 0
                                    

CHAPTER 10.

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

"May I remind you that Our class will be having a fieldtrip next week." Sabi ng professor kong mataba.

"And we will also visit Baguio City." Dagdag pa niya.

Bakit kaya ang hilig nila magpafieldtrip. Madami kayang madidisgrasya sa mga ganyan.

Tinatamad akong makinig kaya mag mumuni muni na lang ako.

Marami kayang cute guys sa Ilocos?

And after an hour tada! Dismissal na.

Nag uunahan naman sa paglabas ang mga classmates ko. Nakakagutom kaya. Gusto ko na ring maglunch.

Palabas pa lang sana ako sa pinto pero parang ayaw ko ng tumuloy. Ano na naman ang ginagawa niya dito?

"Fire. I'm sorry." he said.

Oh my gosh. Sorry? Sorry? Muntik na niya akong marape. Tapos sorry lang?

"I don't want to talk you. Get out of my way!"

"I know mali yung ginagawa ko. I'm really sorry. Hindi ko sinasadya."

"Please lang Nigel layuan mo na ako. Wag ka ng makikipag usap o lalapit sa akin kahit kelan."

"Fire, Michael. Its Michael not Nigel. "

"Whatever Mr. School President. Papatawarin lang kita kapag nilubayan mo na ako."

"Alright then I won't disturb you again..just...just forgive me please.."

"Oo na layas na diyan at gutom na ako."

Naglakad na ako palayo sa kanya. Nakakainis. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.

*I'm singing radio head at the top our lungs, with that boombox blaring as we falling inlove, Got a bottle of whatever but it's getting us drunk, Saying here's to never growing up*

'Bestfriend calling'

"Oh bakit Kean?"

"Ian not Kean.Naglunch ka na?"

"Di pa. Nawalan nga ako ng gana eh. Pinuntahan ako ng ex bestfriend mo. Nag sorry siya."

"Oh pinatawad mo?"

"Sabi ko kung titigilan niya ako, baka patawarin ko siya"

"Ganun ba. Andito na kami sa canteen kasama ko sila Juvia."

Aba ang loko kasama agad ang mga girlfriends ko.

"Bakit kasama mo sila? Pumapapel ganun?"

"Hindi naman. Hahaha. Hinihintay ka namin dito."

"alright wait me there."

I ended the call. Gotta go to Canteen.

****

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

"Maupo ka Hijo."

Pinatawag ako ngayon ni Chairman sa mansyon nila. Mulhang alam ko na ang pag uusapan namin ah. Ang birthday ni Rachel.

"Malapit na ang birthday ni Rachel."

"Ano pong plano niyo Chairman?"

"Gusto mong magkaroon ng party. Imbitado ang mga business man and partners ko."

Business again? Parang magiging gathering na nanan ng mayayamang business man ang birthday ni Rachel.

"Sana..."

May sinasabi si Chairman pero hindi ko masyadong narinig.

"Ano po yun Chairman?"

"Si Jane."

"Jane? Sino po si Jane?"

*tok tok*

"Pumasok ka na."

Great. Bakit andito na naman ang isang to.

"Gud morning po Chairman."

"Maupo ka Jim."

"Pinag uusapan namin ni Kai ang tungkol sa birthday party ni Rachel."

"Ganun po ba. Sabihin niyo po kung anong maitutulong ko."

Pasikat naman tong Jim na to. Psh.

"Gusto ko sanang imbatahan mo ang mga business partners natin."

"Alright. No problem Sir."

Okey so Out of Place ako ganun?

"Kai.."

"Bakit po Chairman?"

"Samahan mo si Rachel sa pagpili ng mga gagamitin niya for her birthday."

Di ko naman mapigilang ngumiti. Sa wakas magkakausap uli kami ni Rachel. Bihira kasi kami magkita at magkausap sa school.

Pagkatapos ng pag uusap namim ay umuwi na ako.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Papa may kausap sa phone.

"Opo. Hindi ko alam kung pupunta si Jane. Alam niyo naman. Okey sige po."

Jane? Kanina ko pa naririnig ang pangalan na yan ah.

"Oh himala Pa. Di ka yata busy ngayon."

"Ah pinagpahinga lang ako ni Chairman.Maraming dapat asikasuhin sa birthday ni Rachel."

"Ah sino yung kausap niyo? Si Chairman?"

"Yes."

"Oh. Eh sino yung Jane? Kanina kasi nabanggit din ni Chairman yung pangalang yun. Di ko nga lang mainitindihan kanina yung sinasabi niya."

"Magpahinga ka na muna. Wala pa ba ang Mama mo?"

Si Papa talaga. Bakit niya iniiba ang usapan.

"Pumunta pala si Mama sa kaibigan niya. Baka mamaya pa yun umuwi." sabi ko habang paakyat sa kwarto ko.

  (Uwaaah utang na loob hehe..vote at comment  naman jan..hehe..next chapter na!)

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon