Epilogue

202 5 2
                                    

Epilogue.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

After a year, fully recovered na ako. Kaya ko na uli maglakad.

Okey na ang buhay namin dito sa New York. Nakatira kami sa isang simpleng bahay.

Si Dad nagttrabaho na uli kay kay Chairman. Si Mama ganun pa rin. Simple house wife.

Ako? Nagpapagaling pa ng husto pero next month babalik na uli ako sa trabaho.

"How's my baby girl?"

Pagpasok ko sa bahay at sumalubong ang two years old kong kapatid. Tama. Kapatid. Si Jehan. Akalain niyo yun, nakaisa pa sila Mama at Papa. Siya yung nakita ni Fire sa phone ko.

Kikay kasi tong si Jehan kahit bata pa lang kaya madalas kong maalala si Fire sa kanya.

Kamusta na kaya siya?Balita ko naging sikat na model na siya sa Pilipinas.

Naalala ko tuloy ang nasaksihang kong kasal niya at ni Ian.Akala ko talaga totoo yun.

Panaginip ko lang pala yun. Pero panaginip man yun o hindi, hindi pa rin nun mababago ang ang katotohanang hindi ko siya naipaglaban. Na ako ang unang bumitaw sa aming dalawa.

"Kai, pwede mo bang bilhin to sandali? Kailangan ko kasi may bisita tayo mamaya."

Inabot naman sa akin ni Mama ang listahan.

"Sige Ma."

May malapit na convient store dito.kaya maglalakad lang ako. Bisita? Baka sila Harry na naman. Dito na rin kasi sila nakatira sa California kasama nung asawa niya. Lagi sila sa bahay kasi buntis yung asawa niya at pinaglilihian ata si Jehan.

Pagdating ko sa convient store hinanap ko agad yung mga pinapabili ni Mama.

"Oo alam kong maganda ako pero please lang ha. Tigilan mo na ako "

Bigla akong kinabahan. Nilibot ko ng tingin ang paligid ko. Para kasing narinig ko ang boses niya.

Napalingon ako sa pinto. May lumabas doon pero hindi ko nakita kung sino.

Nah. Imposible.

I shook my head. Baka guni guni ko lang.Madalas kasi parang naririnig ko yung boses niya kahit wala naman talaga siya. Siguro namimiss ko na siya.

Binayaran ko na ang pinamili ko at naglakad pauwi.

  

Napatigil naman ako ng mapansin kong bukas ang ilaw sa katabing bahay. Sa pagkakatanda ko walang nakatira doon eh.

May bagong lipat?

Hindi ko na lang iyon pinansin at pumasok na sa loob ng bahay.

"Ma oh eto na po yung pinapabili- kanino naman galing ang mga to ma?"

Naabutan ko kasi na maraming paper bag sa sofa. Tingin ko mga damit ang laman.

"Kay ganda." Tapos biglang ngumiti si Mama.

*Ding Dong*

"Ininvite ko pala yung bago nating kapitbahay na magdinner dito eh. Andiyan na ata. Wait lang ah."

*lubdub. lubdub.*

Nagdadasal ako sa isip ko na sana tama ang kutob ko. Na sana...sana...

*lubdub. lubdub.*

Naglakad siya palapit sa akin.

Parang nananaginip ako. Hindi ko akalaing nandito siya ngayon.

"Oh natulala ka na naman sa ganda ko."

"Asa ka naman."

"Che! Nakakainis ka talaga."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit.

"Fire..."

"Aba marunong ka na magwelcome sa bisita. Hindi katulad noon na nagsusungit ka."

"Bakit nandito ka?"

"Bakit bawal? Pag ikaw pinamigay mo ako uli sa iba. Babatukan kita."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.

"May dalawang bagay akong natutunan Kai. Hindi importante kung tama o mali ang desisyon mo. Ang importante, magiging masaya ka sa pinili mo."

Pareho kaming nakakatitig sa isa't isa.

"Wag mo na ako uli ipagtatabuyan ah. Dahil pinili pa rin kita kahit na ilang beses akong umiyak dahil sayo,alam kong ikaw pa rin ang magpapasaya at kokompleto sa mundo ko."

Hindi ko akalaing maririnig ko ang mga salitang iyon sa kanya. Ako pa rin ang pinili niya sa kabila ng lahat.

Niyakap ko uli siya at hinalikan sa noo.

"Patawarin mo ako Fire. Hindi ako dapat bumitaw. I'm sorry."

"Okey lang. Mahal pa rin naman kita eh."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Paano ang career mo? Di ba.model ka na dun? Iiwan mo lahat para sa akin?" Tanong ko.

Tumango siya at sinabing..

"Nagsasawa na ako sa pagiging model. Feeling ko nababawasan ang ganda ko pag pinipicturan nila ako eh."

Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Kahit kelan talaga.

Ngayong nandito na siya, hinding hindi ko na siya pakakawalan.

"Ehem! Tama na muna yan..Magdinner muna tayo." Pareho kaming napatingin kay Mama. Panira ng moment eh.

"Tara na boyfriend.."

Nginitian ko siya. At hinawakan ko ang kamay niya.

"Oo na. Girlfriend."

The End? No. This is just the beginning. Magsisimula kami at sisiguradahin kong walang ending ang story namin.

~ the end? ~

(a/n: thanks for reading..Ayieee! Eto ang nagawa ko noong summer! Sa wakas natapos din. Thanks for reading uli hehe. MABUHAY!!Again..comment naman jan kung anong tingin nyo sa story na to..sge CHAO!)

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon