Chapter 25

75 6 0
                                    

CHAPTER 25.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

Nagpa alam si Harry na aalis siya saglit. Pagbalik niya may dala dala siyang boquet ng flowers at mga chocolates.

(o.O)

Flowers and chocolate?Para namang manliligaw ang isang to.

Wait. Manliligaw? Sinong liligawan niya? Si Fire ba?

"P-para kanino naman yan?" Hindi ko mapigilang itanong.

"Ah eto ba? Hmmm para sa kapitbahay mong maganda." Sagot niya.

So para kay Fire nga. Akala ko ba hindi na niya liligawan yun? Aish! Nakakainis. Teka bakit ba ako naiinis?

"Oh." Tapos inabot niya sa akin yung mga binili niya.

"Ha?" nagugulahang sabi ko.

"Ibigay mo sa kanya. Hahaha. I'm helping you Insan. Sige na. Puntahan mo na si Fire at ligawan. Sige ikaw rin. Baka magbago ang isip ko at ituloy ko ang pag agaw sa kanya."

Tinignan ko siya ng may halong pagtataka. Noong una hindi ko gets. Bakit niya ako tinutulungan. Pero nung sinabi niya na baka agawin niya si Fire, dali dali kong kinuha ang flower at chocolates at lumabas ng bahay.

(@__@)

Ano ba to? Bakit hindi ako makagalaw. Nandito na ako sa harap ng bahay niya pero hindi ko mapindot ang doorbell.

Wag na lang kaya. Baka galit pa yun sa akin eh.

"Aish bahala na nga."

*Ding Dong*

****

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

*Ding Dong*

Sino naman kaya yun? Teka baka naman yung magaling kong bestfriend. Bakit bumalik? Pinalayas ko na yun ah. Ang kulit talaga.

*Ding Dong*

"Aish. Ang kulit... kahit kelan talaga."

Pero nagulat ako ng makita si Kai pagbukas ko ng pinto. (0____0)

"Uhhhhm.a-ano p-pwede bang pumasok?"

Gusto ko siyang saraduhan ng pinto.Hello? I'm still mad at him pa kaya.

Pero ewan ko ba at pinapasok ko siya. Parang may sariling isip ang katawan ko na kahit iniisip kong wag eh pinagbuksan ko pa rin siya ng pinto at pinatuloy sa loob.

"P-para sayo."

Tapos ay inabot niya sa akin ang isang boquet ng flower at mga chocolates?

"Teka. B-bakit mo ako binibigyan niyan?"

"Ha? Ewan. Teka b-bakit nga ba? Aish. Basta! Oh!"

Aba't nakainis talaga to! Pwede naman niyang sabihin na peace offering niya o kaya nanliligaw siya. Eh? Nanliligaw?

"Nililigawan mo ba ako?" Hehe. Baka makalusot haha.

"Oo?"

(O_____O)

Ano daw? Oo? Oo as in yes? Eh teka bakit parang patanong yung pagkakasabi niya. Parang di sure ah. Nakakainis talaga!

"Bakit parang di ka sure? Ano ba kasi?"

"Oo na..Aish."

(-___-)Oh ngayon naman napilitan ganun?

"Ikaw! Nakakainis ka alam mo yun!"

"Mas nakaka inis ka ah."

Ano daw? Mas nakakainis ako? Ako.pa ang sinisi niya?

"Ano? At bakit naman mas nakakainis ako ha?" Naku isa na lang talaga tatamaan na tong lalaking to sa akin.

"Eh kasi lagi ka na lang nasa isip ko."

Eh?

"Eh bakit mo naman ako iniisip aber?"

"Ewan. Basta nagising na lang ako isang araw...

.

.

.

mahal na pala kita."

mahal na pala kita...

mahal na pala kita....

Mahal niya ako...

MAHAL NIYA AKOOOO???

"Weh?"

Aish. Tange. Bakit ko sinabi yun?

"Anong weh? Bahala ka nga diyan."

Ay walk out?

"Oy saan ka pupunta? Pagkatapos mong magconfess mag w-walk out ka?"

Napatigil siya.

Lumapit ako sa kanya.

"Lagi ka ring nasa isip ko...mahal din kita..." Pero syempre joke lang no. Di ko sinabi yun no. Ano siya sinuswerte?

"Pangit..." Haha. Yan talaga ang ang sinabi ko kaya yun sinimangutan niya ako.

"Hahaha. Joki Joki lang. Kiss ko?"

Adik. Ako pa talaga humingi ng kiss.

Then bigla na lang niya akong hinila palapit at naglapat ang mga labi namin.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon