Chapter 35

90 6 0
                                    

CHAPTER 35.

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

One month na simula nung umalis si Kai.

Sabado ngayon. Walang magawa. Kausap ko ngayon si Kai sa phone. Syempre naman. Tinupad niya yung pagtawag ng 5 times a day.

"Anong ginagawa mo ngayon?"

"Wala naman. Nagpapahinga."

"Baka nambabae ka diyan ah."

"Hindi ah. Baka ikaw diyan ang nakikipagdate ka sa iba."

"Hindi ah. Oy model na ako."

"Weh? Talaga?"

"Oo noh! Ako ang bagong model ng G&B. Haha. May bilboard na ako. Send ko sayo yung mga picture ko."

Tama. Ito ang pinagkaka abalahan ko. Si Daddy kasi. Ako ang ginawang model ng mga cosmetic products namin. Well, okey lang naman. At least may ginagawa ako.

"Miss na kita boyfriend."

"Ako din."

"Si Rachel ikakasal na next month. Kainis kasi hindi ka naman makakapunta."

"Paki bati mo na lang ako sa kanila."

"O sige, magpahinga ka na diyan. Bye."

"Bye. Love you."

"Love you too."

*toot toot.* end of call.

"Oy Jane tara dali. Andito na yung gown!" sigaw ni Rachel.

Ngayon niya isusukat yung wedding gown niya. Kainggit. Sana ako din.

"Tignan mo. Ang ganda di ba?"

Ngumiti naman ako. Maganda yung gown di bale yung nagsusuot pero syempre joke lang yun.

"Bagay sayo pero mas bagay yan sa akin."

"Heh! Inggit ka lang. Dapat kasi nagpakasal muna kayo ni Kai bago siya umalis."

Inirapan ko nga.

Kala naman niya maiingit niya ako?

pwes...tama. Naiingit nga ako bwisit!

Hay...

Isang buwan pa lang pero feeling ko isang taon na siyang wala.

Ano kayang ginagawa niya?

Iniisip niya kaya ako ngayon?

Baka naman busy siya.

Busy sa pambababae?

May lumalandi kaya sa kanya doon?

Subukan niya lang talagang sasakalin ko siya!

Aish. Naman. Stupid mind. Stop thinking too much. Tama. Hindi ko muna siya iisipin.....

(-_____-)

Sumunod kaya ako sa kanya doon?

Pabook din ako ng flight.

Eh paano kung isipin niyang sinasakal ko siya.

Argh! Iniisip ko na naman siya! Ang hirap naman mabaliw sa pag ibig!

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon