Chapter 5

148 9 0
                                    

CHAPTER 5.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

Baliw talaga tong babaeng to. Bakit nagpapacute siya sakin? tsss.

"Oo darling. May bisita pala tayo."

Pagpasok nila Mama ay kitang kita ko ang pagkagulat sa baliw na babae. Oh problema nito?

Pagtingin ko naman kay Papa ay teka bakit pati si Papa gulat na gulat?

Nagpabalik balik ang tingin ko kay Papa at dun kay baliw. Anong meron?

"Pa." Tawag ko kaya naman nabaling ang tingin niya sa akin.

"Kain na tayo."

Umupo si Papa sa tabi ko. Hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa babaeng baliw.

"Oo nga pala Darling, siya si Fire, bago nating neighbor. Kalilipat lang niya nung isang araw."

Tumango naman si Papa Napansin ko ding napaayos ng upo si Baliw.

May mali dito eh. Ano ba talagang nangyayari.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na yung baliw na yun.

****

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

Aish! Grabe mababaliw talaga ako. Bakit sa dinami dami ng pwedeng maging kapitbahay si Tito Romel pa? Anong gagawin ko?

*kagat sa kuko*

Hindi pwede waaaah anong gagawin ko? Kailangan ko siyang makausap.

Tama. Dapat makausap ko siya.

*kuha ng cellphone*

Habang nagriring ay nakacross finger pa ako. Sagutin mo please.

"Hello." After three rings ay sinagot niya ang phone. Yes!

"Mr. Mendoza/ Miss Fire." Sabay naming sabi.

"Ako muna. Okey hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I dont know na dito ka pala nakati-"

"Miss Fire.." Hindi niya man lang pinatapos ang sinasabi ko.

"Nagulat ako dahil hindi ko alam na lumipat uli kayo at dito pa sa katabi naming bahay pero wag kayong mag alala wala naman akong sasabihin."

Wooooh. Nakahinga ako ng maluwag doon.

"Thank you."

Kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakangiti siya. Palagi naman siyang ganyan. Palagi niya akong.pinagtatakpan.

Ibinaba ko na ang phone. Makatulog na nga.

*I'm singing radio head at the top our lungs, with that boombox blaring as we falling inlove, Got a bottle of whatever but it's getting us drunk, Saying here's to never growing up*

Naring ang phone ko. Aish sino naman to.

'Juvia calling..'

Aba ang bruha kong kaibigan.

"Hello."

"Uy tara gimik tayo." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ayos party party na naman.

"Okey saan?"

Pagkasabi niya saakin kung saang bar kami pupunta ay dali dali akong nagbihis.

Pagdating ko naman sa bar ay medyo marami ng tao.

"Asan na ba ang mga yun?"

bulong ko sa sarili ko.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon