Chapter 33

86 8 0
                                    

CHAPTER 33.

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

Ayokong umalis si Kai pero ayoko namang pigilan siya sa gusto niya.

Hayyyyy....

Ang hirap naman ng ganito.

"Oy nakasimangot ka na naman."

Nasa playground kasi kami. Wala lang. Gusto ko kasi ang ambiance ng lugar na to.

"Kasi naman eh..."

Sumandal ako sa balikat niya.

"Anong gagawin mo pag nala alis.na ako? Magtatrabaho ka na rin ba?"

"Hmmm. Ewan. Si Rachel kasi pupunta na sa States kasama si Jim. Wala ng kasama si Dad kaya.baka doon muna ako sa kanya."

"Tama yan. Alagaan mo muna si Chairman."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Wag ka na lang kaya umalis."

"Fire naman akala ko ba nag usap na tayo?"

Psh. Kainis.

Umayos ako ng upo at kinuha ang isang box sa bag ko.

Inabot ko sa kanya.

"Ano to?"

"Buksan mo kaya."

Tapos nun ay binuksan niya yun.

"Akala ko picture mo na naman ang laman."

Cellphone kasi yung binigay ko. Remember sinira ko yung.phone niya.

****

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

Masaya ako dahil okey na kami ni Fire kahit alam kong nagtatampo pa siya ng konti.

Nagulat ako ng iabot niya sa akin ang isang box.

"Ano to?"

"Buksan mo kaya."

Noong una akala ko picture na naman. Haha pero cellphone pala ang laman.

Oo nga pala. Sinira niya yung.phone ko eh.

Pag on ka ng phone..(-___-) okey.sabi ko nga. Hindi ako makakaligtas sa picture niya.

"Ayan ha. Picture ko ang wallpaper mo. May mga selfie na rin ako diyan. Hanapin mo na lang sa gallery." Nakangiti niyang sabi.

Hay sabi ko nga. Tinitigan ko siya. Kahit na immune na ako sa mga pictures niya, hinding hindi ako magsasawa sa mukha niya. Sa kanya.

"Oh tulala ka na naman sa ganda ko?" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Asa ka naman." Tapos pinalo niya ako sa braso.

"Che! Nakakainis ka talaga!"

Asus. Nagtampo na naman.

"Tara picture tayong dalawa para hindi lang puro mukha mo ang makikita ko sa image."

Tapos tinapat ko ang phone sa harap namin. Buti may front camera. Mas madali ang selfie.

"One. Two. Three."

*click*

"Isa pa."

*click*

Sige lang ako sa pag click. Selfie to the max ang trip.

"Last na." sabi ko. Tapos hinalikan ko siya sa pisngi niya sabay pindot ng *click*.

Yun ang pinaka magandang kuha namin. Nakangiti siya sa camera habang ako naman ay nakahalik sa pisngi niya.

Sumandal uli siya sa akin. Pinanood namin ang mga bata na naglalaro.

"Ilan gusto mong anak?"tanong ko.

"Hindi ka pa nga nagpopropose anak agad?"

"E di kunyare pag kinasal na tayo. Pag tayo ang nagkatuluyan."

"Isa lang."

"Bakit isa lang?"

"Kasi..basta isa lang bakit ba. Mahirap manganak no."

"Okey e di isa lang. Eh anong gusto mo, babae lalaki?"

"Babae syempre! Para mamana niya ang kagandahan ko."

"Eh pano ako? Walang junior?"

"E di ikaw ang magbuntis at manganak para may junior ka. Basta isa lang ang gusto kong anak. At babae ang gusto ko."

Okey sabi ko nga. Di ako mananalo sa kanya.

"Ako magdedesign ng magiging bahay natin ah. Gusto ko yung simple lang pero maganda. May malaking pool tapos may garden din.Tapos sa garden dapat may fountain, may swing, maraming flowers, tapos dapat may mini pond at mini playground din."

"Okey. Eh saan naman itatayo ang bahay? Dito sa Pilipinas o sa abroad?"

"Kahit saan. Pwedeng dito. Pwede ding sa ibang bansa. Kahit saan."

"Fire..."

"Hmmmm?"

"Tutuparin natin lahat yun ah. Yung kasal, yung anak na babae, yung bahay."

"Basta ba babalik ka."

Hinawakan ang kamay niya. Naman. Tutuparin namin ang mga binuo naming pangarap.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon