Chapter 38

79 5 0
                                    

CHAPTER 38.

Sinunod ko ang payo ni Dad sa akin. Pinili ko ang magpapasaya sa akin at alam niyo ba kung ano yun?

Ang ipagpatuloy ang buhay ko. Ayokong matrap sa past. Maraming dahilan para mag move on ako. Maraming dahilan para maging masaya.

"Honey halika na mahuhuli na tayo eh."

"Oo wait lang. Tapos na ako."

Nilagyan ko ng pink lipstick ang labi ko. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin.

"Beautiful as always." i said to my self.

Pagbukas ko ng pinto, a gorgeous man smiled at me.

"Tara na?"

And he hold my hand as we walk palabas ng bahay.

Sumakay na kami sa kotse niya.

"I'm so excited." he mouthed.

"Ako din."

Bukas. Bukas may mababago sa akin.

Ang apelyedo ko.

Yes. I'm marrying Ian. At masayang masaya ako.

He was always there for me. Katulad ng sinabi niya noon na hindi niya ako iiwan. Tinupad niya iyon. Mas naging madali ang pag move on ko.

Hindi siya mahirap mahalin. Sabi ko nga noon diba? Sobrang bait niya at maasahan. Napakaswerte ko sa kanya.

Gaano katagal na ba ang lumipas? Weeks? Months?

Year. A year passed by. Isang taon ang lumipas. After nung nagyari sa ospital nagsimula siyang ligawan ako. Nahirapan ako noong una. Syempre awkward eh. Pero noong tumagal unti-unti ring nahulog ang loob ko sa kanya.

Nalarating na kami sa hotel. Hinatid niya ako sa room ko. I'll be staying here tonight at syempre bukas, ikakasal na ako sa kanya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. You'll be my wife tomorrow. Thank you Fire. Thank you for making me happy."

Pinunasan ko ang pisngi niya..

May tumulo kasing luha.

"No Ian. I should be the one thanking you. You fix me. You complete me."

And then i kissed him.

****

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

"Ayan mas lalo pa kayong gumanda madam! Bongga!"

"Bagay na bagay talaga kayo ni Sir Ian."

"Siguradong matutulala sila sa inyo mamaya."

"Naman. For sure matutulala ang groom mamaya."

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi ng mga nag ayos sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ikakasal na ako. Ikakasal na ako mamaya.

Alam ko na hindi niya ako pababayaan. Lagi siyang andyan para sa akin. Lalo na noong mga panahon na kailangan ko ng masasandalan.

"Ay naku sir b-bkit po kayo nandito?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko siya na pinipigilan nilang pumasok. Eh? Bakit siya nandito.

"Sige na. Okey lang papasukin niyo siya.Iwan niyo muna kami."

Lumabas na sila at lumapit naman siya sa akin ng nakangiti.

"Bakit? Hindi ka na ba makapag antay na makita ako sa simbahan? Bakit nandito ka?"

Hindi siya sumagot bagkus ay niyakap niya ako.

"Ikaw ang pinaka magandang bride na nakita ko."

Natawa naman ako bigla.

"Natatakot ka siguro na hindi kita siputin sa simbahan no? Ano ka ba naman."

Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya.

"Mamamaya magiging mag asawa na tayo." Nakangiti kong sabi. Gusto kong naramdaman niya na masaya ako ngayon.

"Fire...."

"Hmmm?"

"I love you. Mahal na mahal kita kaya pero gusto kong maging masaya ka."

Napakalas ako sa yakap namin. Ano namang ibig niyang sabihin.

"Gusto kong maging fair sayo Fire. Ayoko pagsisihan mo to bandang huli."

"A-ano bayang sinasabi mo? I-kakasal na tayo. B-bakit mo sinasabi yan?" Hindi ko napigilan ang luhang pumatak galing sa mga mata ko.

"Si Kai, alam ko na kung nasaan siya. Nasa New York siya. Alamin mo ang totoo."

"Fire...Alam kong mahal mo ako pero alam kong mahal mo pa rin siya. Isa lang sa amin ang pwede mong piliin Fire."

Hindi ko na napigilang humagulgol ng iyak.

"Sssshhh. Wag kang umiyak please. Nakaready na ang gamit mo. Pati ang passport mo okey na. Nakaayos na ang lahat sa kotse mo sa ibaba. Mamayang 10 ang flight mo. Gusto kong puntahan mo siya. 9 na. Umalis ka na para maabutan mo pa ang flight mo."

"Puntahan mo siya at siguraduhin mong magiging masaya kayo forever. Kuha mo ba?"

"P-pano kung hindi niya na talaga ako m-mahal?"

Nginitian niya ako at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo

"E di bumalik ka sa akin. Andito lang naman ako eh. Pero pag nangyari yun, wag mo ng asahan na bibigyan uli kita ng chance na mamili dahil hinding- hindi na kita bibitawan kahit kelan..."

Hindi ko alam ang sasabihin ko.Halos hindi rin makagalaw ang katawan ko sa kinatatayuan ko.

Ayoko.Ayokong umalis. Gusto kong magpakasal sa kanya. Alam ko na magiging mabuti siyang asawa.

Pero merong parte ng sarili ko ang nagsasabing umalis ako at hanapin ang tunay na mahal ko.

" Umalis ka na bago pa...bago pa magbago ang isip ko."

And with what he said, Atomatikong tumakbo ang paa ko paalis sa silid na iyon.

Pagbaba ko sa lobby ay nakita ko si Juvia na nag aabang.

"Juvia."

"Oh eto. Sana pagbalik mo okey na ang lahat ah."

Inabot niya sa akin ang susi ng kotse.

"Nandoon na sa parking lot yung kotse mo. Inggat sa byahe."

And the next thing I knew, nagddrive na ako papuntang airport ng naka wedding gown.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon