Chapter 27

87 7 0
                                    

CHAPTER 27.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

*Mendoza's Residence *

"Hey tita Good eve po." She greeted my mom with her angelic voice.

"Good evening din Hija. Come on pasok ka." Pumasok na silang dalawa at iniwan ako. Great. Mas mahal talaga ni Mama ang babaeng yun.

"Hija, nagluto ako marami para sayo. Sana magustuhan mo tong lahat." sabi ni mama habang pinapakita ang mga nakahaing pagkain sa lamesa.

Magkatabi kaming umupo ni Fire at sa harap naman namin si mama.

"Oh eto bilis tikman mo." Hindi magkanda ugaga sa paglagay ng pagkain si mama sa plato nya.

"Ah thank you po." Bakit kapag kaharap nya si mama ang bait nya.

Wala naman akong masyadong naintindihan sa pagkkwentuhan nila dahil hindi naman ako nakikinig.

"Diba Kai?"

"Ha?" Nagulat ako ng marinig kong tinawag ni mama ang pangalan ko.

"Ang sabi ko ang swerte mo kasi itong si Fire ang girlfriend mo" Pag uulit nya. Ako swerte? Baka malas Ma. Gusto ko sanang sabihin yun.

"Kayo talaga tita. Kaya love na love ko kayo eh."

Patuloy lang sila sa pagkkwentuhan tungkol sa mga brand ata ng damit, sapatos ay ewan. Mga babae talaga.

"Sige po tita uuwi na po ako. Gabi na eh. Happy birthday po uli."

"Thank you Hija ah. Sige na ihatid mo na siya Kai."

******

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

Pagkagaling ko sa school ay nag grocery ako. Psh. Palagi niya akong inuutusan na mamili ng mga kailangan niya.

"Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa kita hinhintay ah. Asan na yung pinapabili ko?"

Pag dating ko sa bahay niya ganyan ang bungad niya.Kung makatalak talaga ang babaeng to.

"Oh." Inabot ko sa kanya ang grocery bag na hawak ko. Umupo ako sa sofa."Wala man lang ba akong juice?"

"May paa ka naman. Kumuha ka doon sa kitchen."

Tignan mo tong babaeng to. Kung makautos wagas. Napaka demanding tapos pag ako ang may kailangan ganyan siya.

"Hoy Fire kahit kelan talaga. Napagod akong bumili niyan kaya kuhanan mo ako ng juice."

Pinamili ko na nga siya ng mga lalamunin niya tapos siya pa ang ganyan.

"Uy feel at home ka dito ah. Alisin mo nga yang shoes mo. Madudumihan yang sofa!"

Grabe. Ibang klase talaga. Batuhin ko nga ng unan.

"Ouch ano ba! Bakit ka nangbato ng unan?"

Inirapan niya lang ako at pumunta na siya ng kusina.

Pumunta rin ako sa kusina. Alam kong walang balak ang babaeng yun na bigyan ako ng maiinom.Ako na nga lang ang kukuha.

Busy siyang nag aayos ng pinamili ko. Napasimangot na lang ako. Ikaw ba naman magka girlfriend ma katulad niya. Napaka demanding. Matigas ang ulo. Aish. Paano nga ba ako nainlove sa babaeng to?

*Ding Dong*

"Ako na magbubukas." Pagpiprisinta ko.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad naman ang lalaking kinaiinisan ko.

"Si Fire?"

Tanong niya. Great. Nandito na naman tong magaling niyang bestfriend. Naiinis ako kasi masyado silang close. Buti sana kung pareho silang babae eh kaso hindi eh. At ang mas malala pa, may past sila.

"Nasa loob bakit ba?" sabi ko.

"Wala naman. Binibisita ko lang siya."

Binibisita..Psh. Feel ko may iba ka pang agenda eh.

"Bestfriend!"

Sigaw ni Fire na masa likod ko na pala.

"Oy papasukin mo nga siya."

Papasukin? Oh tapos mag uusap kayo. Magkukulitan tapos out of place na naman ako ganun?

Nanood lang kami ng movie. Syempre kasama ako. Alangan namang iwan ko sila na dadalawa lang. Gabi na no. Mahirap na.

At tulad ng inaasahan ayun talagang out of place ako. Ano ba kasi yung pinapanood nila. Hindi ako makarelate. Anime? Ano sila bata?

Pagkatapos manood sa wakas nakaisip ding umalis yung bestfriend niya

"Oh ikaw wala ka pang balak umuwi?"tanong niya.

Umiling ako. Tinatamad pa akong umuwi. Psh. Para namang ang layo ng bahay namin no. Eh diyan lang naman kami sa kabila.

Umupo siya sa tabi ko. Tapos bigla niya akong niyakap.

"Dito ka na matulog."

Baliw din tong babaeng to eh. Kanina pinapauwi ako tapos ngayon dito ako patutugin.

"Hmmm?"

"Tabi tayo."

"Baliw ka talaga. Paano kung marape kita."

"Hindi mo naman gagawin yun eh."

Magkayakap kami sa sofa. Ang laki talaga ng tiwala ng babaeng to sa akin. Sa bagay hindi ko naman gagawin yun. Nirerespeto ko siya bilang babae at bilang girlfriend ko.

"Inaantok ka na ba?" Tanong ko.

Tumango naman siya kaya nagpunta na kami sa kwarto niya at gaya ng sabi niya tabi kami.

Pareho kaming nakatingin sa kisame.

"Malapit na graduation. Anong plano mo?" tanong niya.

"Hindi ko pa alam." May inoffer na trabaho sa akin si Chairman sa Amerika pero hindi ko pa alam. Hindi pa ako nakapagdecide.

"Eh ikaw?" tanong ko naman sa kanya.

"Dati gusto kong pumunta sa Japan after graduation. Kaso parang ayaw ko na."

"Bakit naman?"

"Kasi ayoko ng umalis. Ayokong iwan ka."

Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

Kahit demanding, sakit sa ulo at maharot siya alam kong mahal niya ako. Nararamdaman ko yun kahit di niya ipakita.

"Tulog na tayo." Tapos bigla siyang nagtalukbong ng kumot. Binalot niya ang sarili niya. Natawa tuloy ako. Nahihiya kasi siya kapag nagiging sweet siya.

"Good night."

At pagkatapos noon natulog na kami.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon