Chapter 39

85 5 0
                                    

CHAPTER 39.

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

Sabi nila, walang permanente sa mundong ito, lahat nagbabago, kahit pa ang nararamdaman ng tao.

And sad to say maybe, nagbago na talaga ang feelings niya para sa akin.

Pumunta akong New York just like what Ian told me.He hired an investigator just to find Kai. After all, ako pa rin ang iniisip niya. All he wanted is to make me happy kahit pa alam niyang sa iba ko mararanasan yun.

He even sacrifies our wedding to be. Pero ang masakit, nabalewala lahat ng iyon.

I went there hoping to know the truth from Kai, but what what I've got is a painful heartache.

*flash back*

Una kong pinuntahan ang Hospital kung saan nakaconfine si Kai.

Sobra talaga akong naiiyak ng malaman ko ang nangyari sa kanya.

Naaksidente siya sa construction site habang ginagawa nila ang hotel sa California. Aksidenye siyang nalalaglag mula sa 7th floor.

Nabali ang spinal chord niya and the worst, naparalyze ang mga paa niya.

"M-miss can I ask where's the room of Mr.Kai Mendoza please.."

I asked. The nurse checked some papers and then told me the room number where Kai is.

Takot at kaba ang nararamdaman ko habang naglalakad sa pasilyo ng Ospital.

Tumigil ako sa tapat ng pinto at pinunasan muna ang mga luha ko. Whatever happens, kaya ko. Kakayanin ko to.

Binuksan ko ang pintuan but I see nobody in there. Nasaan siya?

Pumasok ako sa loob to make sure kung meron ba talagang nag oocupy ng room na to. May mga gamit akong nakita.

Sa ibabaw ng lamesa I saw a phone. Yung phone yun na binigay ko kay Kai.

Napangiti ako. At least alam ko na na dito ang room niya. But where is he?

Kinuha ko ang phone at inopen. Pero sana hindi ko na lang ginawa yun.

Picture ng isang baby. Yun ang wallpaper niya.

Anak niya?May asawa naba siya? Kaya niya ba sinabi na may iba na siya.

Naiiyak na naman ako. Pero ayoko munang mag isip ng kung ano. I need to hear his explanation. I need to hear his reasons.

Hinitay ko siya sa loob. A couple of minutes bumukas ang pintuan.

Bumungad sa akin ang isang blonde na nurse at isang pasyenteng nakaupo sa wheelchair.

"Kai.."

Napatakip ako ng bibig. Hindi ko kayang makita siya sa ganitong kalagayan.

"Please leave us. We need to talk." he said to the nurse.

Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit pero hindi makagalaw ang mga paa ko mula sa kinatatayuan ko.

"Paano mo nalaman?" he asked.

"Bakit hindi mo sinabi? Alam mo ba na alalang alala ako sayo? Halos nabaliw na ako sa kaiisip kung nasaan ka. Bakit hindi ka tumatawag? Nakakainis ka alam mo yun? Tapos isang araw tatawag ka at sasabihing kalimutan na kita. Na may iba ka na. F*ck Kai. Pwede mo namang sabihin sa akin ang totoo. You should have told me!"

Kung hindi lang dahil sa kalagayan niya malamang binato ko na sa kanya ang mga gamit dito.

"Alam mo ba na muntik na akong magpakasal kay Ian? Dahil sa ginawa mong pag iwan sa akin Kai, muntik na akong makagawa ng bagay na pagsisihan ko."

I don't want him to see me crying but hell I can't help but to cry. Taon ang hinitay ko para lang masabi ang mga gusto kong sabihin.

"Magsalita ka naman diyan. Explain. Pumunta ako dito para marinig lahat ng paliwanag mo kung bakit sinekreto mo ang lahat ng ito!"

"Wala ka namang magagawa. Kapag sinabi ko ba magagawan mo ng paraan? Mapapagaling mo ba ako? Mapapalakad mo ba ako? Hindi naman diba?"

"Kai naman eh. Kung sinabi mo e di sana pinutahan kita agad. E di sana...sana nakasama mo ako sa mga oras na kailangan mo ng makakasama. Muntik na Kai. Muntik na akong ikasal sa iba kung hindi ko pa nalaman ang totoo!"

"E di sana tinuloy mo. You should have marry him. I told you before, forget about me cause I'm not coming back."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Pinagtatabuyan niya ba ako? Pinamimigay?

"Tell me. Do you still love me Kai?"

"No. Not anymore."

Pinikit ko ang mga mata ko. Ang sakit pala marinig ang mga salitang yun pag galing sa taong mahal mo. Sanay ako na ako ang nagtataboy sa mga stalker at ex ko noon. Ganito pala ang pakiramdam ng pinagtatabuyan. Ang sakit. Sobra.

"Yung bata sa wallpaper ng phone mo. Anak mo?" Ayoko sanang itanong ang bagay na iyon dahil natatakot akong marinig ang isasagot niya.

"Yes."

* end of flasback*

After that day bumalik rin ako ng Pilipinas. Aayusin ko ang buhay ko.

Kailangan kong bumalik para kay Dad, para sa sarili ko, para sa mga pangarap ko, para kay Ian.

(a/n: Hello there. One last chapter then epilogue na. Basahin hanggang dulo ah.^_~)

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon