Chapter 30

83 8 0
                                    

CHAPTER 30.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

Finals na. Argh. Grabe ang pagpupuyat ko sa pagrereview. Ang laki ng eyebags ko.

"Pssttt."

Tumingin naman ako sa katabi ko.

"Bakit?" Nangugulit na naman tong Sam na to.

"Ang hirap naman Dude. Pakshet sana pala nag review ako."

(-____-) Hay bahala nga siya. Ewan ko ba kung makakapasa ang isang to.

Pagkatapos ng mga exam ko syempre makakahinga na ako ng maluwag. Nagkayayaan na lumabas ang barkada.

"Treat ko." Sabi ni Sam.

"Sige ah. Sabi mo yan."

Nasa rooftop kami nakatambay.

Nagvibrate naman ang phone ko.

1 message from Ganda.

(^__^) Shhh lang kayo ah. Ganda kasi ang name ni Fire sa phone ko.

'Where na you ba? Kanina pa tapos ang klase mo ah. Sunduin mo na ako. Nasa mall ako'

Alam niya ang schedule ko. Psh. Para daw hindi ako mambabae.

Pinabayaan ko lang muna. Tinatamad pa ako eh.

Maya maya nagtext na naman siya.

'Pag di ka pa pumunta dito with in five minutes, makikipagdate ako sa unang lalaking makikita ko dito!"

Aish. Naman oh. Tumayo na ako at naglakad paalis.

"Oh Kai saan ka pupunta?" sigaw ni Sam.

"May susunduin."

"Sinong susunduin mo?"

Tumigil ako sa paglalakad at sinabing...

"Ang syota kong harot."

At nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Five minutes? Ang layo kaya ng mall dito. Kailangan kong magmadali dahil alam kong tototohanin niya yung sinabi niya.

****

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

Ang bilis ng panahon. Imagine tumagal kami ni Kai ng two months, two weeks, 16 hours, 17 minutes and 29 seconds. Pero syempre joke lang yung sa seconds. Hanggang minutes lang talaga ang nacompute ko.

Anyways, nandito ako sa mall at hinihintay siya para sunduin ako. Demanding ba? Well okey lang yun. Maganda naman ako eh.

Ngayon ko sasabihin sa kanya yung about sa amin ni Jim. Well after kasi nung nangyari.sa parking lot sani niya magpaliwanag daw ako samga nakita at narinig niya pero hindi pa ako handang sabihin sa kanya. He respect my descision naman. Hindi niya ako pinilit. Sinabi niya na magexplain na lang ako pag ready na akong sabihin sa kanya.

And now I'm ready to tell him ang.past ko with Jim.

After 5 minutes dumating na siya. See? Mahal na mahal ako ng boyfriend ko. Haha

"Tara." Kakadating niya pa lang eh hinila ko na agad siya.

"Teka saan tayo pupunta?"Tanong niya.

"Maglalakad. May nakita akong playground malapit dito eh tara puntahan natin."

Hindi ko na pinansin ang reklamo niya. Basta hinila ko na lang siya papunta sa playground.

"Bakit ba tayo nandito?"

"Wala "

"Aish. Minadali mo akong papuntahin dito tapos dadalhin mo lang ako sa playground? Ano ako bata?" Reklamo niya.

Nakaupo kami sa isang bench at nasa harap namin ang mga naglalarong bata sa playground.

"Yung tungkol kay Jim. Gusto kong sabihin sayo na naging kami nung first year high school ako."

"Continue." he said.

"Naalala mo ba yung sinabi ko noon about sa first love ni Rachel?Si Jim yun. Hiniling niya sa akin na makipagbreak daw ako kay Jim. Hindi ko kaya. Ayokong gawin yun pero dahil mahala sa akin ang kapatid ko, hiniwalayan ko si Jim."

"Umalis ako noon sa amin. Iniwan ko si Jim ng walang dahilan. At after 6 years ngayon lang uli kami nagkita."

"Akala ko nga maiiyak ako sa pagkikita namin. Hindi ko kasi alam kung paano siya hararapin after I left him pero, nagawa ko. Nagawa kong ngumiti para sa kanya. Nagawa kong harapin uli.siya."

Naramdaman ko ang pag akbay niya sa akin habang magkkwento ako.

"So may gusto ka pa rin sa kanya?" tanong niya.

"Wala na.Siguro matagal ng wala hindi ko lang napapansin kasi dati wala naman akong paki alam."

"Sure ka?"

Loko tong boyfriend ko ah. Pinag dududahan ako?

"Sabi nila, masasabi mo lang na nakamove on ka na kung kaya mo ng ikwento sa iba ang tungkol sa past niyo ng hindi umiiyak. Kapag kaya mo na siyang harapin ng hindi ka nasasaktan. Kapag kaya mo ng ngumiti sa harap niya at tanggapin ang lahat.Nagawa ko naman lahat ng yun di ba? So meaning nakamove on na ako

."

Nakatingin ako sa kanya habang sinasabi ko iyon at ganoon din siya sa akin.

"Ang dami mo talagang sekreto. Sabihin mo na kaya sakin lahat para naman hindi na ako magulat."Sabi niya.

"May isa pa akong sekreto Kai."

"Ano?"

Huminga muna ako ng malalim at saka sinabi ang sekreto ko.

"Isa akong....

.

.

.

isa akong Dyosa! Dyosa ng kagandahan ...Oh ha! "(^___^)

"Corny ng joke tara na nga kain na lang tayo."

"Hoy hindi kaya joke yun. Totoo yun."

Hinila na niya ako patayo. Ewan kung saan kami pupunta. Kakain daw eh.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon