Chapter 36

75 6 0
                                    

CHAPTER 36.

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

'The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call later'

'The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call later'

*sigh*

Ganito na lang parati. Hindi ko na siya macontact. Hindi na rn kami nagsskype. Bigla na lang kaming nawalan ng communication. Dati okey naman ah. Pero after a couple of months ganito na ang sitwasyon namin. Gusto ko na ngang magpabook ng flight papuntang California para sakalin siya. Langya siya. Bakit hindi siya nagpaparamdam?

Di ko tuloy alam kung anong nangyayari sa kanya. Di kaya may bago na siya? Pinagpalit na niya ako? Aish. Dapat kasi nagpabuntis na ako sa kanya eh!

"Nakakainis ka talaga!"

*Boogshhhh*

Walang kwentang cellphone! Di naman matawagan si Kai.

"Pang ilang cellphone na ba yang sinira mo?"

"Che! Tahimik. Bakit ba andito ka na naman?"

Paano kasi. Andito na naman ang makulit kong bestfriend.

Di ko na mapigilang umiyak. Kasi naman eh. Ikaw ba naman ang hindi macontact ang boyfriend ng limang buwan.

Tapos nalaman kong hindi lumipat na daw ng bahay si Kai at pati trabaho.

Pati sila Tita Emery umalis na.Pumunta na rin daw siyang California.

Ngayon wala akong ideya kung nasaan na siya. Si Tito Romel naman hindi ko rin alam kung nasaan.

Bigla na lang silang nawala. Si Dad naman nasa ospital. Mahina na siya dahil sa sakit niya kaya hindi niya rin ako matulungan.

"Nakakainis ka Kai. Nakakainis ka!"

Patuloy lang ako sa pag iyak. Araw araw na lang ganito. Paano kung may asawa na pala siya doon? Paano kung ayaw na pala niya sa akin kaya hindi na niya ako.kinocontact. Paano kung may masama palang nagyari sa kanya? Pakiramdam ko mababaliw na ako.

Si Bestfriend lang ang palagi kong kasama. Araw araw niya akong pinupuntuhan dito sa bahay dahil baka daw magbigti ako. Baliw ba siya? Bakit ko gagawin yun. Siya rin ang kasama ko sa pag alaga kay Dad. Tambay kasi ang loko. Hindi.pa nagtatrabaho.

Nagulat ako ng bigla na lang siyang kumanta.

'Umiiyak ka na naman..

Langya talaga wala ka bang ibang alam..

Namumugtong mga mata

Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

Sa problema na iyong pinapasan

Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan

May kwento kang pangdrama na naman..

Parang pang TV na walang katapusan

Hanggang kailan ka ba ganyan

Hindi mo ba alam na walang pupuntahan

Ang pagtiyaga mo diyan sa boyfriend mong tanga

Na wala ng ginawa kundi ang paluhain ka

Sa libo libong pagkakataon

Na tayo'y nagkasama

Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya

Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya

Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong tunay na halaga'

Nakatingin lang ako sa kanya. Nakakainis naman yung kanta niya eh.

"Nakakainis ka."

Tapos bigla na lang niya ako niyakap.

"Naalala mo noon yung tinanong mo ako kung bakit wala pa akong nililigawan? Sabi ko hindi na kasi pwede. Alam mo kung bakit? Kasi may mahal na siyang iba kaya tinanggap ko yun. Pero nagbago na ang isip ko lalo na ngayon na nakikita ko siyang nasasaktan at palagi na lang umiiyak. Ngayon gusto ko na siyang agawin sa taong mahal niya."

Bigla akong kinabahan sa mga pinagsasabi nitong bestfriend ko kaya bumitaw ako sa pagkakayakap niya.

"Fire..."

Yung mga mata niya prang nagsasabi ng please....

Wag mong sabihing..oh no. Hindi. Hindi naman siguro ako ang tinutukoy niya di ba?

"S-sino ba k-kasi y-yun?" Nauutal kong sabi.

Nanatili siyang nakatingin sa mga mata ko. Feeling ko malulunod ako sa mga titig niya.

"I-ian..." Oh? Nasasabi ko na ng tama ang pangalan niya. Pero teka balik sa eksena.

"Tama na Fire. Hindi ko na kayang makita kang ganyan. Noong una tinaggap ko ang lalaking yun dahil alam kong mahal mo siya at mahal ka niya pero ibang usapan na ngayon. Limang buwan Fire. Limang buwan ka ng umiiyak ng dahil sa kanya.Hindi ko na rin kaya Fire. Hindi ko na kayang makita kang ganyan."

"Hahaha. I-ikaw talaga. Palagi mo akong pinapatawa."

Tumawa ako ng pilit. Please sabihin mong joke lang yung mga sinabi mo Ian.

"Pinili ko ang course na Tourism kahit ayaw ko at ng parents ko. Alam mo kung bakit? Kasi katabi yun ng building niyo. Gusto kong mapalapit sayo. Hanggang sa isang araw, napansin mo nga ako. Nakipag date ka sa akin for two days tapos naging tayo. Alam mo ba sobrang saya ko noon. Kasi naman biruin mo yun naging girlfriend kita. Kahit alam kong hindi ka naman seryoso sa akin noon, wala akong paki alam. Basta ang importante naging tayo."

"Pero two weeks lang. Pagkatapos noon nakipagbreak ka na sa akin at nakipagdate sa iba. Sobrang sakit noon para sa akin. Pero pinilit ko pa ring mapalapit sayo. Hindi kita tinigilan remember? Hanggang sa isang araw tinuring mo akong bestfriend. Sobrang saya ko noon kahit bestfriend lang."

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi makapaniwala sa mga narinig ko.

"Nakontento ako sa pagiging besfriend dahil nagkaroon ako ng chance para makasama ka lagi. Tapos nakilala mo si Kai. Hindi ko akalaing magugustuhan mo siya ng ganun. Masaya ako para sa inyo Fire. Pero noon yun. Dahil ngayon naiinis na ako. Naiinis ako dahil ginaganyan ka niya."

Hinawakan niya ang kamay ko inilagay sa dibdib niya. Sa tapat ng puso niya. Nararamdaman ko ang mslakas na pintig ng puso niya.

"Feel that? Ang lakas di ba? Ngayon ko lang nasabi to. Ngayon lang ako nagkalakas loob para sabihing mahal kita simula noong una kitang nakita at hanggang ngayon."

I bit my lower lip. Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Mahal ko.si Kai, sigurado ako doon. Pero si Ian, palagi siyang nasa tabi ko. Para pasayahin ako, iligtas ako, asarin ako, tulungan ako, icomfort ako, at para mahalin ako.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon