Chapter 6

162 9 0
                                    

CHAPTER 6.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

*Quince University *

Kararating ko lang sa school at nasa parking lot pa lang ako ng may makita akong pamilyar na sasakyan.

Bumaba ang sakay ng sasakyang iyon at di nga ako nagkamali. Sabi na nga ba sasakyan yun nila Chairman.

"Rachel!"

Agad naman siyang napatingin sa direksyon. Lumapit ako sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Dito na ako mag aaral."

"T-talaga?"Bigla na lang akong natuwa sa sinabi niya. Dito na siya mag aaral. Ibig sabihin palagi ko na siyang makikita.

"Anong course ang kinuha mo? Yung dati pa rin ba?"

"Yeah. Itutuloy ko yung course na nakuha ko noon sa America."

Kung ganun ipapagpatutuloy niya ang Business Ad niyang course. Syempre nga naman eh siya ang magmamana ng business nila eh.

"Ganun ba ahh gusto mo ihatid kita sa building niyo?"

"No okey lang kaya ko ng mag isa."

Bakit parang iniiwasan ako ni Rachel? Dati noong nasa forth year highschool kami ayaw niyang pumasok pag di ko siya hinahatid sa classroom nila.

"Sige mauna ako."

"S-sige."

Pumunta na ako sa classroom. Wala pa pala ang instructor namin kaya ang inggay.

"Uy bakit para kang nalugi diyan?"

"Wala."

"Bakit nga?"

Aish kahit kelan talaga ang kulit nitong si Sam. Ang inggay nitong katabi ko.

"Bakla ka ba?" tanong ko.

"Ha? A-ako bakla? Grabe ka naman dude. Ang sakit mong magsalita. Para tinatanong lang kita kung anong problema mo tapos sasabihan mo akong bakla. Dude naman 4 years na tayong magkaibigan. Gagradute na tayo tapos ngayon mo pa ako sasabihan ng ganyan? Nakakasakit ka dude ah."

(-_____-) Ang dami niyang sinabi ah.

"Tch. Eh ang tsismoso mo eh. Para kang babae."

"Hoy Kai iba ang tsismiso sa concern!."

"Ah so concern ka pala sa akin."

"Uh huh!" sabi niya with matching tango tango.

"Bakit ka concern saakin. Bakit may gusto ka ba sa akin? Bakla ka yata eh!"

"Pano kung sabihin kung oo anong gagawin mo?"

Bigla na kang akong kinilabutan.Tapos nakakatitig pa siya ng diretso sa akin.

"Y-yuck kadiri ka!"

"Bwahahaha joke lang dude. Bwahahaha epic naman yang itsura mo grabe! Bwahahaha."

Binatukan ko nga. Kainis eh.

"Tigilan mo nga yang pagjojoke mo. Hindi ka nakakatuwa."

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon