Chapter 17

111 7 0
                                    

CHAPTER 17.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

Wala na akong ibang choice kundi lapitan si Fire. Mas madali kasi kung siya na lang ang pakikiusapan kong magpanggap kaso mukhang mas mahihirapan pala ako.Wala si Papa dahil nasa Japan na naman siya. Isang buwang mawawala si Mama dahil umuwi siya sa probinsya nila pero naiwan naman tong mayabang kong pinsan dito sa bahay at isang buwan kaming magkakasama sa iisang bubong.

Pag gising ko ay naabutan ko siya sa kusina na nagluluto.

"Gising ka na pala Insan. Nagluto ako ng breakfast natin."

Tch. E di siya na ang magaling magluto.

"So kwentuhan mo naman ako about your girlfriend. Kelan mo siya ipapakilala sa akin?"

"Kapag hindi na siya busy."

"Meron nga pala akong kaibigan dito. Mamaya kasi may party siya sa bahay nila. Invited ako. Gusto mong sumama?"

"Hindi na. Hindi ako mahilig sa mga ganyan."

"Hay kahit kelan KJ ka talaga. Maraming girls doon for sure."

"So? Hindi naman ako interesado."

"Oh loyal ka pala sa syota mo. Maganda ba siya ha? Sexy kaya di mo ipagpapalit? Hahahaha."

Ano namang nakakatawa?

"Sige na may lakad pa ako."

Hindi na ako kumain. Nakakawalang gana naman kasi. Pupunta muna ako sa bahay nila Sam para gumawa ng paper works. Mas makakagawa ako ng.maayos doon kaysa dito sa bahay.

***

Maghapon ako sa bahay nila Sam. Mabuti at natapos ko lahat.

Pag uwi ko walang tao sa bahay. Mukhang umalis na yung mayabang kong pinsan.

Maaga akong natulog. Medyo nakakapagod kanina.

2 am

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Pagtingin ko sa screen unknown number naman kaya pinatay ko. Sino bang sira ang tatawag ng madaling araw. Panira ng tulog eh.

Pumikit uli ako para matulog pero nagring uli ang phone ko.

Aish. Sino ba kasi to?

"Hello?"

"Ah goodevening po. Yung girlfriend niyo po kasi nasobrahan po sa pag inom. Mukhang di na niya kayang umuwi mag isa kaya pakisundo nalang po siya."

Girlriend? Sinong girlfriend ko?

"T-Teka ano bang sinasabi mo diyan, wala akong girlfriend."

"Eh sir sabi po kasi nung babae tawagan ko daw po yung boyfriend niya. Eh ito pong number na binigay niya."

"Sino ba ya-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.Paano naman niya nakuha ang number ko.

"Asang bar siya?"

Inend ko na ang call at nagbihis.Sumakay sa motor at pinuntahan ang bar na sinabi nung tumawag kanina. Aish. Kahit kelan sakit sa ulo ang babaeng yun.

Bakit ba kababae niyang tao napaka lansingera. Ako nga bihira lang umiinom. Tinalo niya pa ako ah.

****

Pagdating ko sa bar ay medyo kakaunti na ang tao. Malamang madaling araw na.

"Ano bang problema mong babae ka." Nasabi ko pagkakita ko sa kanya na tulog na sa lamesa.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon