Chapter 15

94 8 0
                                    

CHAPTER 15.

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

*Kinabukasan*

Maaga akong pumasok sa school. Hindi naman ako schoolbukol no. Nag aaral din naman ako. Doon lang ako hindi nakikinig sa mataba kong teacher eh. Isang semester na lang gagraduate na ako. Ang una kong gagawin magdedesign ako ng bahay ko muna siyempre tapos babalik na lang ako sa Japan. Doon ko gustong tumira after college.

At kapag nga naman minamalas ka,Ngayon na nga lang ako maagang pumasok ngayon pa walang teacher dahil sa faculty meeting. Ayos eh no. (-_____-)

"Fire may naghahanap sayo sa labas." Sabi ng classmate ko na si... si... teka ano nga pangalan niya? Henry? Jerry? Perry?- the platipus? Aish ewan nakalimutan ko na.

Pumunta naman ako sa labas ng classroom para tignan kung sino yung naghahanap sakin.

"Kayo lang pala. Akala ko kung sino na."

Ang dalawa kong girlfriends.

"Tara nood tayo sa gym."sabi ni Juvia.

"Okey."

Pumunta na kami sa gym. Aba may laro ah.

"Tourism versus HRM taray." sabi naman ni Sheena.

"Tourism ako."sabi ni Juvia.

"Sa mga classmates ko ako. HRM ikaw Fire saan ka kampi matalo manlilibre."

Aba at gawin daw bang pustuhan ang basketball game.

"Fine. Sa tourism ako."

Siyempre naman support para sa nag iisa kong bestfriend na lalaki.

"Magsisimula na."

"Go Go HRM!"Makapagcheer si Sheena wagas ah.

"Go Tourism kaya niyo yan!" sigaw naman ni Juvia.

"Teka bakit nga pala may laro ngayon. Ano bang meron?"tanong ko.

"Nagkahamunan ata." sagot ni Juvia.

Si Kai kaya naglalaro rin ng basketball? Mahilig kaya siya sa sport? Teka bakit ko ba iniisip ang laaking yun eh may kasalanan pa sa akin yun kahapon.

Kanya kanyang cheer naman ang mga nanonood. Mas maraming cheer sa Tourism. Mga gwapo maglalaro eh. Kasama na doon si Best.

Hulaan niyo kung sinong nanalo.

Tentenenen!

Tourism!

"Talo ka ikaw manlilibre ngayon."I said to Sheena.

"Psh."

Pagkatapos naming manood ay pumunta na kami sa mall para mamili syempre susulitin namin ni Juvia to no.

Busy ako sa pagpili ng damit sa department store ng may mapansin ako.

(o__O)

Nakita ko ang damit na nakasuot sa manikin na nakadisplay. Isang kulay black na tube dress. Napangiti naman ako.

Nilapitan ko ang nakadisplay na damit para tignang mabuti.

"Miss I want this one."Biglang may isang babae ang lumapit at itinuturo ang damit sa sales lady.

Ano daw she want this dress? Ako nauna ah.

"Excuse me pero nauna akong nakakita ng damit na ito. Pumili ka na lang ng iba doon Miss."sabi ko na ikinataas naman ng kilay niya.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon