Chapter 21

84 8 0
                                    

CHAPTER 21.

~ FIRE'S POINT OF VIEW ~

Aish. Walang magawa. Makapag Fb na nga lang.

scroll. scroll.

Wala namang maganda dito sa FB eh. Nakakasawa.

Biglang nagring yung phone ko.

Si Juvia nagtext.

'Pupunta ka ba sa reunion mamaya?'

Reunion?

Nagreply ako.

'Anong reunion? Saan?'

After 3.minutes nagreply na siya.

'Highschool reunion daw mamaya ah. Di ka nainform? Sa bahay daw nung classmate natin. Yung si Sean. Siya ang nag organize ng party.'

Party? (^__^) Alam na! Kung nasan ang party syempre nandoon ako.

Tinext ko uli siya.

'Saan yung address niya?'

Tinext ko agad si Bestfriend. Isasama ko siya syempre para masaya kahit di naman namin siya classmate nung high school. Sinabihan ko soyang sunduin ako ng 9pm tapos sinabi ko na rin yung address na tinext ni Juvia.

*9 pm*

*beep beep*

Ayiee andiyan naa ang sundo.

Lumabas na ako ng bahay.

"On time lagi ah." sabi ko pagkapasok ko sa kotse niya.

Ngumiti lang naman siya at nagdrive na.

Pagdating namin sa bahay ni...ano nga pangalan nun? Nah. Bayaan mo na nga.

Marami ng tao. Malaki ang bahay.Ay pool at may garden. Waaahh. Magpapatayo nga ako ng baay na ganito. Ang ganda kasi ng structure ng bahay. Simple pero maganda.

Bati dito. Bati doon.

Smile dito. Smile doon.

Ayan puro kamustahan. Yung iba nga hindi ko na matandaan ang pangalan kaya puro Hi..Hello..kamusta.. lang ako.

Pansin ko parang OP na ang aking bestfriend kaya naman pumunta muna kaming garden. Hinayaan ko muna sila Sheena at Juvia makipag kwentuhan doon.

"Kamusta pala kayo ni Kai?" tanong niya pagkaupo namin swing sa garden.

Taray kasi ng garden dito eh. Ang ganda. Maraming flowers. May fountain sa gitna tapos may swing pa na napapaligiran ng mga flowers.

"Okey lang."

Naikwento ko kasi sa kanya yung tungkol sa amin ni Kai. Alam naman niya na kunwari lang naman kami.

"Alam mo nakakatawa pala siya pag naasar. Yung kilay niya nagsasalubong tapos yung mukha niya parang bulkang sasabog. Pero okey lang. Cute pa rin naman siya hahaha."

"May nunal nga siya doon sa may bandang kilay niya. Ang cute nun. Hahaha."

"Tapos may six pack abs din siya. Hihihi. Nakita ko nung natulog ako sa bahay nila."

"ANO? Natulog ka sa bahay nila?"

Uwaahhh. Makasigaw naman tong bestfriend ko wagas.

"Ah oo. Kasi nalasing nga ako. Sinundo niya ata ako.Aish. Ewan di ko maalala eh. Pero wag kang green diyan. Walang nangyari ah. Nakita ko lang kasi na bagong ligo. Doon ko rin nakilala yung pinsan niya."

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon