Chapter 16

96 7 0
                                    

CHAPTER 16.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

"Kumusta Insan."

"Okey lang."

Nakakaiis naman. Bakit ba kailangang dito tumira to.

"Tagal nating di nagkita ah. Aba tumangkad ka ata ngayon. Magkasing height na tayo oh. Dati mas matangkad ako sayo. At saka medyo nagkalaman laman ka na ah. Mag wowork out ka na ba?"

(-____-)

"So anong balita?Malapit ka na mag graduate. blah blah blah."

Ang dami niyang pinagsasabi.Hindi ko naman siya pinakikinggan. Nakakainis talaga siya.

"Nga pala you know what mas gumaling pa ako sa pagrerace. Ikaw nakikipag motor race ka pa ba?"

Tch. Paki ko kung magaling ka makipag race.

"Oh and may nag alok na pala agad saakin ng trabaho. Grabe. Di pa nga ako nakakagraduate kaliwa't kanan na ang mga company na kumukuha sa akin. Meron pa ngang nagoffer ng work sa Italy at Canada."

Sige yabang pa. Sabihin mo lahat ng ipinagyayabang mo.

"And also naifeature na pala ako na cover sa isang magazine. Nakita mo na ba yun? Nairelease lang yun last month."

O di ikaw na ang bida. Ikaw na ang magaling. Ikaw na lahat. Nagtataka ba kayo kung bakit ayoko sa pinsan kong ito? Obvious ba. Sobrang hangin eh.

"Ang tahimik mo naman diyan Kai. Magkwento ka naman ng tungkol sayo. Come on tell me. Oh teka love life na lang ang tatanungin ko. So who's your girlfriend now? Kayo na ba noong first love mo na Rachel ba yun? Don't tell me pare hindi pa. Ang hina mo naman. You know, I should teach you some moves and tips."

"No thanks.Hindi ko kailangan."

"Ano ka ba wag kang mahiya magpinsan tayo okey lang. Tutulungan kitang mapasagot yang babaeng gusto mo."

Akala mo naman concern siya. If I know sa loob loob niya pinagtatawanan na niya ako. Palibhasa alam niya kasi na inlove ako kay Rachel noong highschool.

"I dont need your help."

"Oh come on insan. 20 ka na oh. Tumatanda na tayo."

"Kami na."

"Say what?"

"Kami na ni Rachel so I dont need your help."

Hindi ko napigilang magsinungaling. Ang hirap naman kasi. Kapag hindi ko sinabi iyon panigurado iinsultuhin niya lang ako. Mabuti na lang at hindi niya naman kilala si Rachel sa personal.

"Kelan pa?"

Bakas sa mukha niya ang gulat. Parang di makapaniwala sa sinabi ko. Sanay kasi siyang na talunan ako lagi. Na mas magaling siya sa akin. Tch.

"Kai halika muna pakibigay naman to kay ganda."Sigaw ni mama na nasa kusina.

Great timing.

Pinahatid saakin niya saakin ang niluto niya. Bakit ba palagi niyang binibigyan ng pagkain ang Fire na yun?

Pagkatok ko sa bahay niya ay nagulat ako ng imbes na siya ang makita ko ay isang lalaki ang nagbukas ng pinto.

Pamilyar ang lalaking to. Siya yung kasama ni Fire noong birthday ni Rachel. Teka ano namang ginagawa niya dito? Live in na ba sila? Bestfriend lang naman daw sila diba? Pero teka Ex din siya ni Fire di ba.

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon