Chapter 22

83 5 0
                                    

CHAPTER 22.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

8 am na pero tinatamad pa akong bumangon. Aish. Hindi naman ako ganito ah.

Dahil ba to dun sa kagabi?

Sinundo ko kasi siya kagabi sa party na pinuntahan niya.

Tapos....

Tapos...

*flashback*

"Late ka ng five minutes."sabi niya pagdating ko.

"Sumakay ka na kaya."

"Che!"

Pumasok na siya sa loob ng taxi. Tinext niya kasi ako na sunduin ko daw siya pero wag ko daw gamitin yung motor dahil nakadress siya.

"Nandun sa party si Garry."

"Sinong Garry?" tanong ko.

"Yung pinsan mo."

"Anong Garry. Baka Si Harry ang tinutukoy mo."

"Ah Harry ba name niya? Hahahaha"

(-____-)

"Kanina nakita ko siya doon."

"Oh tapos?"

Siguro yun yung sinasabi ni Harry kahapon na pupuntahan niyang party.

"May sinabi siya sa akin kanina.Sabi niya, gusto niya ako. At gusto niyang lumabas kaming dalawa."

Hindi ako umimik. Inaantay ko ang susunod na sasabihin niya.

"Sabi niya di daw tayo bagay. Sabi niya boring ka daw. Sabi niya he's far way better than you.."

Nakakainis talaga ang Harry na yun.

"A-anong sinabi mo sa kanya?"

"Sabi ko so what. Feeling naman kasi yang pinsan mo.Mas gwapo daw siya sayo eh hindi naman. Mas gwapo ka kaya sa kanya."

Hindi ako nagsalita. Pinapakinggan ko lang ang sinasabi niya.

"Akala kasi ata niya nakikipaglandian ako sa bestfriend ko kanina kaya ayun sinabihan akong hindi niya daw ako isusumbong sayo if makikipagdate ako sa kanya."

"Hayy inaantok na ako. Pwede bang sumandal sa balikat mo?"

At bago pa ako makapagreact ay ihinilig na niya ang ulo niya sa balikat ko.

Bigla akong natigilan. Parang may kakaiba akong naramdaman.Aish. Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko.

Then she chuckled.

"Naririnig ko yung heartbeat mo? Bakit ang lakas? Para ka namang kinakabahan diyan."

Hindi na lang ako kumibo. Anong sasabihin ko? Kunwari deadma na lang ako.

"Nagkaroon ka na ba ng girlfriend?"

"Oo nung highschool."

"Talaga? Eh si Rachel close kayo nung high school di ba?"

"Oo. "

"Oh bakit di mo siya niligawan? Let me guess. Binasted ka niya?"

"Hindi ah. Hindi ko siya nilagawan dahil...dahil ...".Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Hindi niya rin naman maiintindihan. Kaibigan lang naman ang tingin sa akin ni Rachel at isa pa hindi naman kami bagay.

"Iniisip mo na hindi kayo bagay?" tanong niya.

"Siguro. Ewan."

"May first love siya dati.

Kaso yung first love niyang yun inagaw sa kanya.....inagaw ng.. ng.... isa sa dating malapit sa kanya."

Pareho kaming natahimik pagkatapos niyang sabihin yun. Bakit ba ang daming alam ng babaeng to tungkol kay Rachel?

Hinihintay kong magsalita uli siya kaso hindi na siya kumibo kaya sinilip ko ang mukha niya.

Nakatulog na naman pala siya.Noong makauwi kami sinabi na niya sakin kung saan niya tinatago yung susi ng bahay niya. Sa ilalim ng doormat. (-___-) Ano ba yan.

Pero bago siya pumasok sa loob, bigla na lang niya akong nginitian.

*end of flashback*

At hanggang ngayon hindi ko malimutan yun. Bakit gandang ganda ako sa kanya nung ngumiti siya? Aish. Napapraning na ata ako eh.

(~...~)

Tapos bigla ko na lang.din naalala yung yung hinalikan niya ako nung sinundo ko siya. Sh*t lang pero talagang feeling ko namula ako noon.

Fi...fir....first kiss ko kaya yun.Tapos sasabihin niya 'its just a kiss'. Parang wala lang sa kanya. Gaano karami na ba ang nahalikan niya?

Tapos naisip ko na naman yung lalaki sa amusement park. Hinalikan siya nun ah.

(*~___~) Bigla naman akong nainis.

Teka ano batong nangyayari sa akin?

"Aish." Sinabunutan ko ang sarili ko.

"Nababaliw na ata ako. Makaligo na nga."

Bumangon na ako sa higaan at naligo.

Bakit ba si Fire pa rin ang naiisip ko kahit naliligo ako?

Hanggang sa nakapagbihis at nakapag ayos ako siya pa rin ang naiisip ko.

Kailangan ko na ata magpacheck up. Nababaliw na talaga ako.

Ihahatid ko.ba siya ngayon? Eh bakit ko gagawin yun?

Kasi girlfriend ko siya.

Pero kunwari lang naman yun ah.

Pero...

"Aaaaaahhhhh."

Ano bang nangyayari sa akin?

*Bzzzzzzz bzzzzz*

Tinignan ko ang phone ko.

1 message recieve.

'Asan ka na? Ihahatid mo pa ako ah'

(~.~) Teka sino ba to.

Aish. Oo nga pala. Malamang si Fire to. Maisave nga ang number niya.

(~.~) Anong ilalagay kong name niya?

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon