Chapter 9

5 0 0
                                    

it's lunch time at sabi ko kay Blake since nandito na kami sa mall, kain narin kami dito.

pumasok kami sa isang restaurant na maraming salads para yun ang makain niya dahil bawal pa siya masyado sa mga prito.

nag-order kami at biglang may lumapit sa amin.

"OMG GALAXY'S BLAKE AND VIOLET PARK...PWEDE PO MAGPA-PICTURE?" sabi ng isang girl kasama ang bestfriend niya, pumayag naman kami.

ngumiti kami sa pic at tuwang tuwa yung babae, nakakatakot, akala mo aatakihin eh.

"sana kayo na po talaga hangang huli, go rainbow couple" sabi ng babae at nagtaas siya ng fist, representing  the korean expression 'fighting'.

agad ako tinignan ni Blake.

"ano yung rainbow couple?" pagtanong niya at agad lumaki mata ko.

oh shocks di niya pala alam yun, ang rainbow couple eh kami ni Blake, mga fans kasi sumusupport at tawag sa amin rainbow couple dahil pangalan ko 'Violet' at kay Blake ay may comparison sa 'Black' ewan ko nga eh, masyadong witty ang mga fans kaya ganun.

"ahhhm don't worry about it, it's nothing" sabi ko at biglang kumunot noo niya.

"violet please tell me" sabi niya at nagpout.

parang nung sinabi niya yung name ko, parang yung dati, para yung mga panahon na kami pa, yung naaalala pa niya ko.

"ahhhm it's a ship, they just ship people for fun" sabi ko at nag-'ah' siya.

you don't know that i'm dying here not to tell you the truth Blake.

dumating yung food namin at kumain na kaming dalawa.

habang kumakain ako pakunot kunot yung noo niya at tinitignan ako sabay pipikit. ako naman kinabahan kaya tinanong ko na siya anong problema.

"hey, ok ka lang?" tanong ko at bigla siya natulala sa akin.

"bakit? may dumi ba sa mukha ko?" tanong ko at nagpunas ako ng mukha ng bigla niyang hinawakan pisngi ko.

napatingin ako sa kamay niya at tinignan ko mukha niya.

"who are you?" mahina niyang tanong sa akin.

"i'm just, i'm nobody" mahina kong sagot at bigla niya nalang binaba yung kamay niya at biglang tumayo.

nagiwan ako ng pera sa bill at umalis narin.

sinundan ko siya at napakabilis niyang maglakad.

"Blake! Blake wait" sabi ko at tumakbo ako para habulin siya.

hindi niya ko pinansin at dire-diretso lang siyang naglakad.

"Blake may masakit ba sayo? kausapin mo naman ako baka may mangyari sayo" sabi ko.

"i'm fine alright! tumigil ka na" sabi niya at naglakad nalang kami, tahimik akong sumunod at nang may bigla ako nakita, hindi ako nagdalawang duda na kausapin siya.

"Jimin? uy hello" sabi ko at nakita niya ko kaya tumigil siya.

"wow Violet, ang ganda mo parin" sabi niya at ngumiti ako.

"so musta? nasaan si Blake?" tanong niya habang tinitignan ako, directly sa mata.

"ahhhm he's not like he was before ahhm" sabi ko ng biglang lumapit sa akin  si Blake.

"bakit ka tumigil? halika na" sabi ni Blake at hinawakan kamay ko.

"ahhm Blake, si Jimin kasi ahhhm---" sabi ko ng inunahan niya ko.

"Hi i'm Blake, and you are?" sabi niya habang nakalahad kamay niya para kay Jimin.

sinenyasan ko nalang si Jimin na kamayan si Blake.

"Hi dude, i'm Jimin" sabi ni Jimin at kinamayan si Blake.

tinignan ko si Blake at ang sama ng tingin niya kay Jimin.

"ahhhm so Violet, gusto mo bang magdinner tayo or something? to catch up with each other?" sabi ni Jimin at sumangayon ako at ngumiti ng biglang sumabat si Blake.

"I'm sorry pero Violet is busy being with me so, it was nice meeting you" sabi ni Blake kay Jimin at hinila ako agad ni Blake.

tumalikod ako at sinenyasan si Jimin na tawagan ako mamaya.

dumiretso kami sa parking lot at pumasok na kami sa loob, siya nakaupo sa driver seat, ako sa passenger seat.

tahimik kami at umandar na agad yung kotse at drinive niya na kami, pauwi na ata.

"so...balak mo magkita kayo?" sabi ni Blake at tinignan ko siya.

"siya ba yung fiance mo?" tanong ni Blake at napangiti ako ng maliit.

tinignan niya ko kaya napikon siya siguro.

"ano? sagutin mo ko?" sabi ni Blake kaya medyo natatawa na talaga ako.

naalala ko kasi yung nagalit talaga siya sa akin ng sobra dahil kay Jimin.

"ahhhm no he's not my fiance and baka magkita kami, i mean we're frien---" pagsabi ko ng inunahan niya ko.

"hindi ka na pwede makipagkita dun, he's giving me the creeps" sabi ni Blake.

"bakit? kaibigan ko siya at who are you to boss me around?" mukhang ako pa nasaktan sa sinabi ko dahil sa 'who are you' alam niya kasi na hindi ko naman talaga siya ka-ano ano.

"diba friend mo ko, as a friend nagaalala ako para sayo" sabi niya.

'as a friend', ang sakit pakinggan.

"ok" sabi ko at tumahimik nalang ako buong biyahe.

paguwi namin, natulog nalang ako sa mga naiisip ko. wow, as a friend.

―*―

*knock knock*

"VIOLET! VIOLET GISING KA!!" narinig ko na lamang yung sigaw ni Blake sa pinto kaya dali dali akong tumayo kasi baka napano siya.

"yes? bakit anong nangyari?" sabi ko at nakita ko yung stove eh umaapoy na sa sunog.

fck.

kinuha ko yung fire extinguisher at binuksan ko ito at ipinihit sa apoy.

onti onti ng tumigil ang apoy, puro nga lang foam dito sa kusina.

nang nawala na, umupo ako sa counter-top table sa sobrang pagod at stress ko, nakita ko si Blake na umupo sa tabi ko.

"paano nagkaroon  ng sunog?" pagtatanong ko ng medyo pasigaw.

i hate it kasi when somebody interrupts my sleep.

"i was planning on making us dinner but i failed...galit ka ba?" sabi ni Blake at tinignan ako sa mata.

no... how can i be mad at you my sunshine? i love you so much.

"no, nabigla lang ako sa nangyari" sabi ko at nagsimula ng maglinis.

"ahhhm ako nalang maglilinis since ako naman ang dahilan bakit nagkaroon ng apoy" sabi niya at kumuha na ng mop sa CR.

"i was planning on making us dinner..." balak niya magluto? i mean, para sa amin? and how cute na hangang ngayon di parin talaga siya marunong magluto.

oh Blake, i miss you please come back. lalo akong nahuhulog sayo kahit sa puntong ito eh hindi mo naman ako masasalo.

"ahhhm Blake, take out nalang tayo gusto mo?" tanong ko sakanya habang kumuha ng basahan para punasan yung stove.

"ok...as long na hindi ka aalis" sabi ni Blake at tinaas ko kilay ko.

"anong aalis?" tanong ko sakanya.

"as long na hindi ka kakain kasama yung lalake nayun" sabi niya at nagmop ulit.

i won't leave, i promise. i'm more afraid that you might will...

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon