Chapter 20

7 0 0
                                    

nakakainis talaga, ako talaga aalis! hindi ko na kinakaya. mahal na mahal ko si Blake.

parang lalo akong nalulungkot, kasi yung mga ginagawa ni Blake kay Tiffany. ganun ginagawa niya sa akin, pinagtatanggol niya ko sa mga taong kinaiinisan at kaaway ko, which is si Tiffany. tapos lagi siyang nagseselos kay Jimin, pagmagkasama kami lagi siyang nagagalit at naiinis. tapos minsan naiinis ako sakanya kasi pag gagala kami or pagmagsha-shopping ako at magpapasama ako sakanya, lahat ng nakikita ko na hindi pa ko nakaka-decide kung bibilhin ko na sabay biglang kukunin niya tapos babayaran niya para sa akin.

tapos minsan biglang pagkakain kami, gusto niya laging siya yung nagbabayad. minsan nga paunahan pa kami kasi lagi niya gusto na siya magbayad ng bibilhin ko.

since malapit narin ang pagbalik ng Galaxy, hihintayin ko nalang sila tapos tsaka na ko aalis at iiwan ko si Blake.

pero ang sakit.

ang sakit kasi sobrang mahal na mahal ko siya pero, ano nangyari? wala! ako yung taong nandito sa kanya sa mga panahon na kailangan niya ko pero wala siyang pake, mas may pake siya sa taong niloloko siya at sinaktan siya.

i remember, grabe pala si Tiffany. atleast ngayon may perfect evidence na ko na mapapakita kay Blake if things get rough.

bakit parin kaya pera ang habol niya kay Blake? sobrang sweet nila before. i know cause i was with them.

before, wala talaga akong gusto kay Blake as in, ang gwapo niya dati pero di namin siya type ni Avery pero wala rin dahil kinain ko rin sinabi ko at naging Boyfriend ko siya ngayon na sobrang pagkainlove ko sakanya. pero simula ng nagbreak sila ni Tiffany, a few months after that niligawan niya ko at umamin na may gusto siya sa akin. ayoko talaga pumayag sa totoosin dahil kaibigan ko si Tiffany at sobrang weird naman na boyfriend ko ex ng bestfriend ko.

but Blake open up a new world to me, a world which is much more happier and thrilling. at hindi ko na maiwasan na mahulog sakanya at sinabing 'kami na' dahil kung hindi ko yun nasabi. di ako sasaya for the last 5 years pero wala rin dahil sa sayang dulot niya dati, lungkot na natatanggap ko ngayon.

nagising ako kinabukasan and as always luto pagkain at linis.

dinala ko pagkain ni Blake at kumatok ako at nasa tray na ang food ni Blake, kasama ang gamot niya and everything.

pagpasok ko, magkasama sila ni Tiffany, nakatopless si Blake, at si Tiffany na naka spaghetti strap at nakayakap kay Blake.

di ko alam na dito pala natulog si evil shokoy.

"ahhhm Blake" pagsabi ko at onti onti silang nagasing.

WAIT! remember? diba kada gabi umaalis si Tiffany dahil parang daily routine niya na makipag hook-up sa ibang tao? pero what if Tiffany had sex, with Blake?

tinignan ko agad si Tiffany agad nung nagising siya bigla siyang ngumiti na parang evil grin at tumayo.

"Hi Blake! good morning" sabi niya at hahalikan sana si Blake pero umiwas agad si Blake at pumuntang CR.

"1 point" sabi ni Tiffany bago isuot yung coat niya para maka-alis.

naka-maong shorts siya at naka-coat at heels at tumakbo palabas.

where does she go during the day/night anyways?

why do i care? wala na sa akin yun, diba?

nilapag ko pagkain ni Blake sa lamesa at pinupulot ko mga kalat sa kwarto niya, mga damit niya na hindi masyado maayos sa cabinet.

mga basura na hindi nashu-shoot sa basurahan.

mga magugulong gamit sa mga side tables niya.

naramdaman kong pumasok si Blake at umupo sa kama niya.

"you don't have to clean my room too you know, kaya ko naman eh" sabi niya.

"kung kaya mo, bakit di mo ginawa?" sabi ko habang nagpupulot ng kalat malapit sa side table niya.

hindi niya pinansin at kumain nalang.

nang-nagpupulot ako ng kalat, may nakita ako sa may ilalim ng kama niya.

isang box ng gamot ni Blake, yung gamot niya na binibigay ko at onti palang bawas. at may nakita rin akong mga maliliit na bote, madaming bote, walang laman.

agad ko kinuha at tinanong kay Blake.

"Blake! saan dito yung iniinom mo?" tanong ko habang nanonood siya ng Coco ng Disney.

hindi niya ko pinansin kaya kinuha ko yung remote sa side table at pinatay yung TV.

tumingin siya sa akin at sinigawan ako.

"OY! BAKIT MO PINATAY! NANONOOD AKO" pinigilan kong tumawa kasi para siyang batang sumisigaw dahil inagawan ng candy.

"wanna know what happened sa story? si hector ang great great grandfather ni miguel at si ernesto yung antagonist, at nabalik yung photo ni hector sa ofrenda at nagsama sama sila nila mama coco at mama imelda, ok na?" sabi ko habang pamewang nakinekwento sakanya yung summary ng coco.

agad nangawa si Blake sa kama.

"Bakit mo kinwento! napaka spoiler mo, pinapanood ko pa nga lang eh!" sabi ni Blake at mas lalo ko talagang pinipigilan tumawa dahil ang cute niya. i remember dati na lagi ko siya kinekwentohan pagnanonood kami kasi mahilig ako sa movies at lagi ako nagkakaaccess sa mga movies na hindi pa nari-release.

"mamaya mo na intindihin yan! may tanong ako." sabi ko at bigla naman siya uminom at tumingin sa akin.

"saan dito yung iniinom mo?" sabi ko at nilahad sakanya, sa kaliwa yung mga bote at yung sa kanan yung gamot na ni-recommend ng doctor. 

"ayan" sabi niya at tinuro yung mga bote.

agad ko naman binasa ang mga bote at nakakita ako ng ingredients na hindi dapat naiinom ni Blake.

"Blake! listen to me, this contains caffeine and cocaine in it!" sabi ko at habang umiinom siya, bigla ba naman niya nadura sa akin yung iniinom niya. exactly pa sa mukha ko.

nyeta Blake!

"hala sorry" sabi ni Blake at pinigilan tumawa pero alam ko natatawa siya kaya kinuha ko yung hawak niyang tubig, ininom ko at bago pa siya makaalis eh hinila ko siya sa damit niya at binuga rin sa mukha niya yung tubig.

"now we're even" sabi ko at kumuha ng tissue sa side table.

tinignan ako ni Blake at bigla siyang tumawa, hindi ko narin napigilan at tumawa ako.

nagtawanan kami habang nagpupunas ng mukha namin.

bigla niya hinawakan mukha ko at parang may pinupunas siya sa mata ko.

"Bakit?" sabi ko at bigla na siyang tumigil.

"no make-up?" tanong niya at sumangayon ako.

naalala ko na ang pinaguusapan namin kaya binalik ko yung topic.

"Blake! who gave this to you?" sabi ko at pinakita yung Bote.

"si Tiffany, sabi niya mas mabilis yan para makaalala ako" sabi ni Blake at bigla ko napaisip.

ofcourse! cocaine and caffeine has chemicals that make you forget things even more longer. kaya to binigay ni Tiffany kay Blake, at kaya si Blake na-accuse na nagdrugs dahil iniinom niya ang supplement na ito para lalo siyang makalimot. para hindi niya maalala nakaraan niya, para di niya ko maalala. ofcourse!

"Blake, simula ngayon yung binibigay ko lang ang iinomin mo, ok?" sabi ko at sumangayon naman siya.

"pero ano gagawin ko sa binigay ni Tiffany?" tanong niya.

"bigay mo sa akin Blake huh?" sabi ko at patayo na ko ng bigla siya nagsalita.

"bakit? so? masama si Tiffany?" tanong niya at bigla ko ulit siya hinarap.

"hindi, Mabait si Tiffany. baka nagkamali lang siya ng bigay ng gamot kaya yan ang nabigay niya sayo" sabi ko at ngumiti kaya ngumiti rin si Blake.

fck. Tiffany you are so dead.

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon