TIFFANY POV
kinabukasan pumunta ako sa dorm ng Galaxy at pumunta ako agad sa kwarto ni Blake, hapon narin kasi at nasa kwarto nanaman ata si Violet, dun lang naman siya lagi.
pumasok ako sa kwarto ni Blake at nakita ko siyang natutulog at may hawak na beer sa kamay niya.
napapaluha ako sa mga nakikita ko, tinitigan ko siya at kinuha ang beer sa kamay niya at nilapag sa sahig.
naisipan ko ang bagay na di ko dapat gawin pero ginawa ko narin.
pumunta ako sa may safe niya at binuksan ulit.
0421
yan ang anniversary day nila ni Violet. April 21. hangang ngayon parin, hindi niya kinakalimutan ang babaeng yun.
binuksan ko at kumuha ulit ng isang wad ng pera at sinara.
nilagay ko agad sa purse ko at nang pagupo ko sa kama, agad may humila sa akin sa bewang.
pagtingin ko si Blake, nakangiti siya habang niyayakap ako.
"saan ka galing babe? miss na kita" sabi niya habang nilalapit niya yung mukha niya sa buhok ko at lalo akong niyakap.
paano ko to kakalimutan? paano ko siya hindi mamahalin? sa sweet niyang ugali na ganyan? lagi nalang ako yung nahihirapan mag-adjust. it's been 6 years, wala na kami sa totoosin pero hangang ngayon ayaw ko parin siya kalimutan.
at kasalanan yan ni Violet! dahil sa babaeng yan kaya nakipag-break sa akin si Blake, ang sabi ni Blake bago pa kami mag-break. may naiibig na daw siyang iba at alam kong si Violet yan.
mabait na tao si Violet pero sa loob looban niyan, masama yan, nagmumukha lang mabait at nagfi-feeling mabait kay Blake.
di ko nga alam bakit kailangan pa niya ipagsiksikan sarili niya kay Blake eh parehas naman sila mayaman tsaka may ari pa ng Kimchi factory ang papa ni Violet so bakit kailangan pa niya ipagpilit na mahalin siya ni Blake? diba? dami namang lalake diyan na mas gwapo kay Blake pero bakit kailangan niya pa agawin yung lalakeng mahal ng kaibigan niya?
"ahhhm may pinuntahan lang, pero nandito na ko" sabi ko at tumingin kay Blake.
nagkatitigan kami at kumonot mata niya habang tinititigan mata ko.
"bakit?" tanong ko.
"ahhhm wala, may mata lang talaga kong inaalala" sabi niya at napatingin nalang sa kisame ng kwarto niya.
si Violet yun, kakaiba talaga mata ni Violet. kahit mukha niya, pagwalang make-up. sobrang ganda niya, ang talino pa niyang tao at napaka-persistent, kaya nga selos na selos ako sa babaeng yun.
nasa kanya na lahat ng ugali ng babae na hinahanap.
umupo si Blake at balak manood ng tinignan niya yung frame na kung saan naka-pwesto yung safe niya.
napatingin siya at napansin na tabinge eto.
oh sh*t.
"babe? may napansin ka bang pumasok dito kanina?" tanong ni Blake habang inaayos yung frame.
"si Violet, nakita ko siya sinasara yung pinto ng kwarto mo kanina bago ako pumasok dito" sabi ko.
gusto ko na matapos to, at ang kailangan lang gawin dun eh dapat palayasin na ni Blake si Violet sa puso't buhay niya.
nainis si Blake at sinipa ang gamit na malapit sakanya.
agad siya lumabas na galit at ako ay sumunod.
kumatok siya ng napakalakas sa pinto ni Violet.
"VIOLET! VIOLET! BUKSAN MO TONG PINTO NA TO" sigaw ni Blake at maya-maya nabuksan na ni Violet.
bagong gising siya pero ang ganda niya parin talaga, hanga ako sa babaeng to.
te, penge ganda.
"DIBA SABI KO SAYO WAG KANG KUKUHA SA PERA KO? DI KA BA NADALA?" sigaw ni Blake kay Violet at si Violet naman, masama ang tingin kay Blake, sa mata mismo.
"GRABE KA NAMANG MAGNANAKAW KA! ANO BA GUSTO MO HUH?" sigaw ni Blake sakanya.
"are you done?" sabi ni Violet, kalmado lang siyang nagsalita.
"are you done, screaming at me?" tanong ulit ni Violet.
"FCK! PERA TO! BAKIT DI MO BA MAINTINDIHAN NA PINAGHIHIRAPAN KO TO! NA PINAGPUPUYATAN KO IPUNIN TO PARA SA FUTURE KO, SA FUTURE NG MAGIGING PAMILYA KO AT PARA SA MGA BAGAY NA GUSTO KONG GAWIN NA HINDI KO PA NAGAGAWA TAPOS ANO? NANAKAWIN MO LANG LAHAT YUN?" sigaw ni Blake ulit kay Violet.
nanahimik lang ako habang onti-onti lumapit kay Blake.
"why do you believe that i'm the one who's been stealing your money?" tanong ni Violet.
"UNA! KUNG IKAW ANG GIRLFRIEND KO, IKAW LANG MAKAKAALAM NG CODE NG SAFE KO, PANGALAWA! IKAW LANG PUMAPASOK SA KWARTO! IMPOSSIBLE NAMAN NA SI TIFFANY ANG KUMUHA DAHIL GIRLFRIEND KO SIYA AT LAGI KAMING MAGKASAMA SA KWARTO, AT PANGATLO! 3 LANG TAYO SA BAHAY, SINO PANG KUKUHA NUN? ISANG BABAENG KILALA KO OR ISANG BABAENG KINALIMUTAN KO NA PERO PALAGI PARIN NAGPAPAALALA?" sigaw ni Blake.
wow, di ko pa nakita si Blake, na ganito magalit, lagi yan kalmado at lagi siyang cute, masayahin, siya mood-maker ng Galaxy kung totoosin.
tinitigan siya ni Violet.
"i don't even know you anymore" mahinang sabi ni Violet.
"well i never did" sabi ni Blake.
"you once did" sabi ni Violet at napatingin siya sa akin.
"at paano mo naman nasisigurado na hindi si Tiffany ang taong nagnakaw sayo?" tanong ni Violet at napatingin sa akin.
"anong ibig mong sabihin? ina-accuse mo si Tiffany na siya kumuha ng pera?" sabi ni Blake at mas lalong napalapit kay Violet.
ako bigla naman kinabahan daling pinagdidiinan ako ni Violet.
"i would never---" pagsalita ko ng inunahan ni Violet.
"shut up with your dirty lies! you've been poisoning Blake's mind for too long" sabi ni Violet.
"talaga? sige nga, harapin mo si Blake at sabihin mo sakanya na hindi ikaw kumuha" sabi ni Violet.
tumingin ako sa mata ni Blake at nakatingin din si Blake sa akin, bago pa ko magsalita umiwas na si Blake at humarap kay Violet.
ang tagal ko kasi magsalita eh, kinakabahan ako sa mga nangyayari.
"wag mong dadamay girlfriend ko dito" sabi ni Blake.
"kung ayaw mong madamay girlfriend mo, bakit ako naman ang pinupuntiryahan niyo, kahit lagyan mo pa ng CCTV kwarto mo, kahit bantayan niyo pa ko sa kwarto ko! di ako kumuha ng pera mo" sabi ni Violet ng kalmado at napatingin sa akin.
nagbeep ang phone ko at may nag-text.
Unregistered Number:
hey? we're good tonight?
nagtext ang isang customer, fuck, late na ko sa trabaho ko.
"i gotta go Babe! may trabaho pa ko, bye Babe" sabi ko at hahalikan ko na sana si Blake sa lips pero umiwas siya at nahalikan ko nalang pisngi niya.
kahit dati ayaw niya sa lips kami nagki-kiss, hangang ngayon?
