Chapter 38

14 0 0
                                    

Umaga HAHAHAHA.

bakit ang weird na ang kwento ko magsisimula sa umaga at matatapos siya agad sa gabi, sorry ahhh di kasi ako malawak magkwento di gaya ni Violet.

anyways, umaga na nga at ngayon kumakain kami ni Violet ng breakfast at naguusap kaming dalawa about life and stuffs.

"wait so ang ibig mong sabihin nung hinahanap kita nandun ka kayla Avery?" sabi ko at tumawa siya.

"ginising nalang ako ni Avery na aalis na siya nung araw na yun, tapos nakita ko may isang piece of chicken sa lamesa, tinira niya para sa akin tapos yun" sabi niya.

"grabe! 8 pcs yun ah! kinain niya lahat?" sabi ko at natawa kaming dalawa.

"she loves kfc chicken" sabi niya at natawa kaming dalawa.

tumayo na siya dahil tapos na siya kumain.

ako binilisan ko at nilagay sa lababo, sinabi ko ng ako maghuhugas ng plato.

pumasok si Violet sa kwarto at sinara.

bigla kong nagtaka pero binilisan ko nalang maghugas at bago ako pumunta sa kwarto bumukas yung pinto at nakasuot siya ng robe.

"maliligo ka?" tanong ko sakanya.

"i wanna go swimming, wanna come?" sabi niya kaya ngumiti akong tumango at habang siya naghihintay sa sala, ako nagbihis sa kwarto saglit.

nang lumabas ako naka-cross legs siya naghihintay sa akin.

"takpan mo nga yan" sabi ko kasi kita yung legs niya, masyadong nae-expose para sa akin.

"huh?" sabi niya at hinila pa pababa yung robe niya.

"mamaya may maakit diyan eh" sabi ko.

tumayo siya at lumapit sa akin, onte nalang eh maghahalik na kami sa itsura namin pero hindi ako makalayo.

"you're the only one i'll seduce it with" sabi niya kaya lumaki mata ko at tinignan siya.

lumapit siya at akala ko hahalikan niya ko kaya napapikit ako.

pero buysit! paasa!

pagmulat ko ng mata, nandun na siya sa pinto na tumatawa.

bigla ako na-pissed off at kinuha yung maliit na bag na dadalhin namin at sumunod sa kanya.

bumababa na kami at pumunta sa may pool.

naka-shades siya at robe pero ako naka-shirt at swimming trunks lang.

naghanap kami ng spot at dun kami umupo.

medyo onte yung tao pero malaki yung pool.

inaayos ko palang yung twalya sa mga benches namin ng biglang tinanggal ni Violet yung robe niya.

naka-one piece siyang damit.

agad lumaki mata ko at nakatingin lang ako sakanya diretso.

bakit ba kasi ganyan kaganda girlfriend ko? girlfriend ko talaga ba to? bakit ang swerte ko naman sakanya? nasa kanya lahat at lagi ako nagiging masaya pag kasama ko siya.

"Blake!" medyo pasigaw na sabi ni Violet.

kanina pa pala niya ko tinatawag, kanina pa ko nakatungaga sa kanya.

"sabi ko paabot nung plastic bag na white sa loob ng bag" sabi ni Violet at agad ko kinuha.

napatingin ako sa mga ibang lalake at tinitignan nila si Violet.

NAIINIS TULOY AKO BIGLA.

sarap isigaw na  'she's mine' pero buysit! naiinis tuloy ako, alam kong lalake ako pero haynako! oo na nagseselos ako, sino ba naman hindi, kayo kaya? magkaroon ng Girlfriend kagaya ni Violet na medyo asian na half western din, di ba kayo magagandahan at maloloka sa kanya kada makikita mo siya. tapos ang hirap pa dahil halos lahat ng mga lalake sa mundo nagagandahan at naaakit sakanya?

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon