Chapter 27

6 0 0
                                    

TIFFANY POV

buti nalang gumana yung plano ko na paikutin si Blake, naniniwala na tuloy si Blake sa akin na nagnakaw si Violet sakanya.

ako talaga yung kumuha pero hindi ako ang masisisi niya kasi ako ang girlfriend niya at si Violet? wala lang siya sa buhay ni Blake.

besides, kung masabi man ni Violet na ako yun, wala siyang proweba at ako parin paniniwalaan ni Blake sa huli.

pero yung pera na kinuha ko ibibigay ko lang tapos babalik na ko kay Blake, magiging kaming dalawa lang ulit, wala ng Violet sa buhay namin.

umalis ako habang nagaaway si Blake at Violet, nagpaalam naman ako kay Blake ng pagpasok niya sa kwarto at pumayag naman siya.

umalis ako para puntahan siya.

pumunta ako  sa isang abandoned building at pumasok sa loob, grabe bakit kaya dito niya gusto kami magkita?

habang naglalakad ako biglang may humila sa akin at hinalikan ako ng todo, hinalikan ako ng madiin.

agad ko naman pinigilan at tinulak siya.

"bakit? ayaw mo ba?" pagsabi niya habang pinupunasan labi niya.

"eto, nakuha ko na. ok na?" pagsabi ko at binigay ang suitcase na puna ng pera.

"late ka na eh" sabi niya at nakita kong nasa sahig na ang magulang ko na may dugo.

bigla ko napaiyak na lumapit sa kanila.

"SABI MO HINDI MO SILA GAGALAWIN? BAKIT MO GINAWA TO?" sigaw ko. 

agad naman siya lumapit at parang pinahid yung baril sa mukha ko.

"it's simple, 6 years ko ng hinihingi ang gusto ko pero hangang ngayon hindi ko parin nakukuha" sabi niya.

"ayan na ang pera---" pagsabi ko ng bigla niya kong inunahan.

"di yan ang gusto ko" sabi niya.

"eh ano? tantanan mo na ko" sabi ko at bigla naluha.

tumawa siya ng nakakatakot at pinunasan yung luha ko.

"baby, alam mo naman kung anong gusto ko" sabi niya at hinawakan pisngi ko pero tumalikod ako.

"gusto ko na lumayo, gusto ko na kalimutan ka" sabi ko.

"bakit?" pagtanong niya at agad niya dinugtungan.

"dahil ba... mahal mo na siya?" tanong niya at agad ako humarap sakanya.

nagkatitigan kami at bigla niyang tinapon yung mga naka-kalat sa lamesa niya, agad siya nagdabog.

nanatili lang ako, umiiyak at agad siya lumapit at sinakal ako.

"TRY MO. AKIN KA LANG" sabi niya.

"hindi ako makahinga" sabi ko na nahihirapan magsalita.

"KUNG HINDI IKAW KUKUNIN KO, YUNG GIRLFRIEND NIYA ANG PU-PUNTIRYAHAN KO" sigaw niya at binaril ang kisame na ikinagulat ko.

umiiyak ako habang nagiisip, di ko na alam gagawin ko.

"ano bang gusto mo? binigay ko naman ang pera sayo, pinatay mo na nga magulang ko! ano pa gusto mo?" sabi ko at bigla niya ko tinitigan na nakakatakot.

"simple lang..." sabi niya.

"gusto ko lahat ng nakay Blake, mapunta sa akin" sabi niya.

na-shock ako, di naman yan yung pinagusapan namin.

"eh pagbumalik ako sayo? titigilan mo na sila?" sabi ko.

"oo pero bago yun, may gagawin muna ako sakanila" sabi niya at hinalikan ako ulit.

habang hinahalikan niya ko, umiiyak ako.

pagkatapos niya ko halikan, tsaka naman niya ko binato sa sahig at nabagsak ako.

maya-maya eh nagpaalam na ko sakanya at lumapit sa kotse ko, habang nagaayos ako, nakita ko sa kalsada si Avery, nakatingin sa akin at agad nag-drive ng kotse.

binilisan ko at sinundan siya.

para kaming nagda-drag racing at ng binilisan ko, hinarang ko kotse niya sa tapat ng akin kaya di na siya nakaalis.

pero nag-backward si Avery at nag-u turn, umikot siya at pumasok sa isang madilim na kalsada, di ko dinalawang isip na pumasok.

dire-diretso lang ako ng makita kung saan siya pupunta.

habang sinundan ko siya, bumaba siya at ako rin bumaba tsaka siya hinila.

ang dami naming inikutan, pumunta lang pala siya sa KFC para kumain, tangina.

"Avery" sabi ko at hinawakan braso niya.

nakahawak siya sa camera niya at nakatingin sa akin.

agad niya kinuha kamay niya at hinila ko siya papuntang gilid ng KFC para kausapin siya.

"Avery..." panimula ko.

"ano nanaman yun?" sabi ni Avery at mukhang galit siya sa pagtingin ko sakanya.

"anong ginagawa mo dun sa---" pagsabi ko ng inunahan niya.

"may narinig ako na mga tunog ng baril kaya napatigil ako, nung nakita kita. wala, di ko na pinansin at umalis. ikaw? bakit mo ko sinusundan ngayon?" sabi ni Avery.

pheeew, akala ko may nalaman siya.

"gusto sana kitang kausapin" sabi ko.

"tungkol nanaman kanino? kay Blake? kay Violet?" pagsabi niya at agad ako sumagot.

"kay Joonseok" sabi ko at bigla lumaki mata niya.

"diba? inagaw mo siya? problema mo na siya ngayon" pagsabi niya at iniwan ako, agad siya pumasok sa KFC.

si Joonseok, siya ang Ex-Boyfriend ni Avery, one of the reasons kaya ang laki ng galit ni Avery sa akin eh dahil mas pinili ako ng boyfriend niya kaysa sa kanya. kasi oo nung sila ni Avery, type ko na si Joonseok pero nung panahon na yun, kami narin ni Blake. sa aming tatlo, si Violet lang ang walang iniintinding lalake dahil wala siyang pake sa lalake. puro aral at kaibigan lang siya, aral, kaibigan, Kpop, books, movies, family, puro ganun lang ikot ng buhay niya.

habang naiwan ako dun na tulala, nagsimula na ko maglakad at pumunta sa kotse ko at simulang nag-drive.

di ko na alam gagawin ko, gusto ko na kasi makasama si Blake. oo ang gulo ko pero si Blake ang mahal ko at gusto sa akin lang siya kaya ginagawa ko lahat para masiraan si Violet kay Blake.

nakakainis lang kasi, nakaka-inggit si Violet.

nangako kaming tatlo na hindi kami magkakainggitan sa isa't isa pero tignan mo ko ngayon? ako lang walang trabaho sa amin, trabaho ko? call girl, bayarang babae. sila? si Violet successful Model/Actress yan, singer din yan kaya ang successful niya. si Avery? professional photographer, siya nagpipicture sa mga models ng mga known brands dito sa korea and internationally.

pero sa amin? ako ang inggit na inggit sa kanila, sa buhay nila ngayon

at lalo na kay Violet na nasa kanya niya ang puso ng lalakeng minamahal ko.

but i don't care, gagawin ko lahat mabalik si Blake sa akin, kagaya ng dati.

Blake, i'm sorry but i know you'll be more happy with me :( 

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon