Chapter 36

11 0 0
                                    

i woke up and i was tired kasi pagising gising ako, di ako makatulog ng maayos eh.

nandito ako sa sala natulog dahil ayoko ng istorbohin muna si Violet.

pero ng magising ako, nakabukas na ang pinto sa kwarto at nakitang nagluluto si Violet ng Pancakes.

napatayo ako at nag-CR para magmumog at lumabas agad.

basa kamay ko at hinawi ko sa buhok ko.

lumapit ako kay Violet at muntikan na kaming magbungoan, nagkatitigan kami habang hawak niya ang dalawang plato. sobrang lalim ng tingin niya sa akin.

bigla bumilis tibok ng puso ko.

tama ako, eto ang matang lagi kong tinititigan.

nawala pagkatitigan namin at ngumiti siya sa akin.

"goodmorning" sabi niya at nilapag sa lamesa yung pagkain namin.

kumuha siya ng mga syrups at nilapag sa lamesa.

ako naman kumuha ng kape dun sa may coffee maker, dalawa.

napatingin ako kay Violet na nakatingin sa ginawa ko, ngumiti siya.

napangiti narin ako.

umupo kami at magkatapat kami ng upuan.

kumain kami pero walang balak magsalita.

"Violet..." sabi ko.

"Blake..." sabi niya, sabay kami.

tumawa nalang kami at nagkatitigan.

"i'm sorry" sabi niya.

bigla ko naman ako nagulat kasi dapat ako nagso-sorry sa kanya pero siya pa talaga yung nagsorry sa akin.

"no, ako dapat magsorry sayo" sabi ko.

bigla siyang yumuko at tumayo ako at lumapit sa tabi niya.

umupo ako at hinawakan kamay niya.

"not just for following you here, for everything, sorry" sabi ko.

sa totoo lang napaka-tanga ko para saktan yung isang babaeng walang ginawa kung hindi alagaan ako, pasayahin ako, pahalagahan ako at mahalin ako.

"it's different" sabi niya at tumingin siya sa akin.

"it doesn't have to be" sabi ko at ngumiti.

"i know that you won't forgive me that easily, kasi kahit ako hindi ko mapatawad yung sarili ko sa mga ginawa ko sayo pero i wanna start over, and i wan't you to be with there with me" sabi ko.

biglang umiwas si Violet at kumuha ng chocolate syrup sa may pancake niya at nilagay sa mukha ko.

tumayo siya at tumawa.

nagulat ako dahil ginawa niya yun.

bigla bigla ako tumayo at kinuha yung chocolate syrup kaya eto siya tumatakbo at kumukuha ng gamit pag-cover sakanya.

hinahabol ko siya at nalagyan ko narin yung mukha niya hangang sa tumawa kaming dalawa sa mga mukha namin.

ang saya na ng moment ng biglang may nag-doorbell.

lumaki mata ni Violet at kumuha ng tissue para ipunas sa mukha niya.

pumunta siya sa may pinto at sumunod ako.

ang dungis namin dalawa pero hayaan na, wala naman kaming pake.

pagbukas, isang hotel staff may dalang package at nakatingin sa hawak niyang papel.

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon