Chapter 57

5 0 0
                                        

Red POV

"Joo Hee... " mahina kong sabi habang hinainan ko siya ng pagkain.

"Red, i told you, hindi mo na kailangan gawin to" sabi niya ng mahina.

I can see that she's tired, she's weak, she's lacking out of energy.

"Gusto ko to gawin" sabi ko at tumabi sakanya para masubuan siya ng pagkain niya.

Sinubuan ko siya at dahan dahan niyang sinubo ito.

"Red" sabi niya ng mahina at tumingin ako sakanya.

"Hindi ka ba nagalit sa akin?" Tanong niya na nakita kong may luha sa mata niya.

"Nagalit oo, nasaktan oo, nahirapan sobra, pero hindi ko nga alam paano ko ginawang bumangon ulit" sabi ko sakanya.

"Pero hindi ko yun pinagsisisihan, dahil sa nagawa mo. Natuto akong tumanggap ng mga bago sa buhay ko, naniwala na ko na hindi lahat ng bagay sa mundo hindi permanente pero I'm sure there's one thing permanent, at yun yung nararamdaman ko para sayo----" sabi ko pero inunahan niya ko.

"Red, I'm dying" sabi niya ng mahina, hinawakan ko kamay niya at hinalikan.

"I don't care, i wanna spend every second with you" sabi ko sakanya.

Nakita ko siyang umiiyak at hindi ko kayang hindi madala.

Kahit ang tagal na ng nangyari, mahal na mahal ko parin siya. It feels like na walang nagbago.

"Good, cause i think it's time" sabi niya at nabawi ngiti ko.

"Huh?" Sabi ko at lumapit sakanya.

Hinawakan niya mukha ko, at onti onti niya kong hinalikan.

I can feel my heart fluttering, i can still imagine her being the same girl i fell in love with.

Nung naghiwalay kami sa halik ngumiti siya ng mahinhin.

"I love you Red, eto ang isang bagay na hinding hindi ko pinagsisihan" sabi niya at onti onting sumandal pagilid.

Akala ko matutulog lang siya...

Hangang sa nakita ko yung monitor...

"NURSEEEEE!! DOC!! DOC! NURSEEEE PLEASE COME IN QUICK" sabi ko sa may nurse's telephone.

"Ano pong nangyayari?" Sabi ng nurse at nakita yung monitor ni Joo Hee.

"Doc!" Sigaw nito hangang sa dumating na yung doctor.

"Sir kaano ano niyo po siya?" Sabi ng doc sa akin.

Hindi ko sinagot dahil I'm perturbing sa nangyayari.

"Doc, wala na po talaga" sabi ng nurse.

"Hindi! Hindi siya pwedeng mawala" sabi ko habang naiiyak sa nangyayari.

"Doc... Hindi siya pwedeng mamatay, Doc please----" sabi ko sa doctor at umiiyak.

"DOC--- gawin mo lahat doc--- hindi siya pwede mawala----" sabi ko habang natumba sa sahig na umiiyak.

"Pakisulat to please" sabi ng Doctor.

Habang ako umiiyak, bakit ganito? Kung kailan akala ko ok na? Bakit ngayon pa? Bakit hindi kami pwede magsama? Bakit ngayon pa? Kung kailan huli na lahat.

"Choi Joo Hee, Time of Death 7:34 pm" sabi ng Doctor.

"HINDI! HINDI!! HINDI PA SIYA WALA DOC!! GISINGIN MO SIYA DOC" sigaw ko habang lumapit kay Joo Hee.

"Wag niyo siyang takpan! Gising pa siya buhay pa siya!" Sabi ko habang inaawatan ko yung mga nurses na takpan si Joo Hee.

pero natakpan nila at umiiyak ako at nagmumukmok dun.

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon