Chapter 25

10 0 0
                                    

last week na to ng pagaalaga ko kay Blake dahil uuwi daw si Chan, siya daw mauuna at sunod-sunod na ang ibang Galaxy.

as always, silang dalawa parin ni Tiffany ang laging magkasama at naglalambingan.

since last week na, titiisin ko nalang lahat bago ako makalayas na dito, permanently.

si Tiffany lalo ako pinagiinitan, lagi nalang ako ginagawang masama sa imahe ni Blake.

ngayon as always, laba day kaya nilabas ko mga damit ko at dahil si Blake at Tiffany ay nasa sala nanonood, kinuha ko na ang hamper ni Blake at lalabhan ko rin damit niya.

parang mamimiss ko to, na dapat kami ni Blake naglalambingan, nanonood, nagmamahalan pero anong nangyari? naikot ang sitwasyon at ako naman nahihirapan.

tama si Avery na ipaglaban ko eh paano kung pinaglalaban ko pero siya mismo sumuko? anong silbe ng paglalaban? diba? nalulungkot ako lalo sa mga pinagiisip ko.

pero mahal ko rin ang sarili ko kaya gagawin ko ang para sa akin ay tama, dahil ito ang makakapagpasaya sakanya. 

habang naglalaba ako eh may naririnig akong bagsakan at pinabayaan ko lang dahil baka si Tiffany at Blake lang yun nagaaway,ulit.

lagi na sila nagaaway, si Tiffany at Blake. puro nalang sila sigawan, sumabatan pero mamaya-maya bati nanaman silang dalawa, ang weirdo nga eh pero ano ba magagawa ko, di ko naman sila pinapansin pagnagaaway sila pero minsan sinasali nila ko pero di ko sila sinasagot, de-diretso lang ako sa kwarto kasi bakit ko ba kailangan sumali eh hindi naman talaga ako kasama in the first place, diba?

mamaya maya eh dina-dryer ko na ang mga damit namin ni Blake ng nagiisip ako ng pagkain na pwede lutuin, ano kayang masarap?

naisip ko magluto ng isang Filipino dish na lagi ko niluluto dahil favourite ni Blake yun or favourite ko HAHAHAHA actually favourite ko, naging favourite lang niya yun dahil sa akin.

nangsinasampay ko na ang mga damit, wala. tahimik na ang lugar, baka nagbalik na ulit sila sa lambingan. sa mga nakikita ko,si Blake laging unang nagsosorry sa mga away nila ni Tiffany. siguro hindi niya parin nawawala yung ugali niya na mababa ang pride.

kami? bihira lang kami magaway before at lagi kong sinasabi pagmagkaaway kami na 'tapos na yun nangyari na, wag na natin isipin ang problema. isipin natin ang solusyon' tapos magso-sorry kaming dalawa sa isa't isa.

tsaka ang napagaawayan lang naman namin ni Blake eh kung hindi si Jimin, si Tiffany o kaya pag masyado niya kong sino-spoiled. 

tapos na ko maglaba at  bago ako pumuntang kwarto ko, balak ko magluto ng may narinig akong maingay na nahulog, at yung tunog. galing talaga sa kwarto ko ang ingay kaya dali dali ako pumunta dun at nang bubuksan ko yung pinto.

hindi ko mabuksan, nabubukas pero hindi ko matulak. hangang sa natulak ko na completely. nakita ko yung kwarto ko na sira-sira, ang kalat. nabagsak mga gamit ko, nabasag salamin ko. nasira yung ibang gamit at mga damit ko nakakalat.

bigla ko nalang tinakpan yung bibig ko sa pagka-shock ng nangyari sa kwarto ko.

agad naman lumabas si Tiffany sa kwarto ni Blake dahil narinig ko ang pabebe niyang boses.

"TIFFANY! HOW DID YOU DO THIS TO ME?" sigaw ko sakanya at tsaka siya nag-cross arms.

"i don't know what you're talking about" sabi niya.

"this?" sabi ko habang tinuturo kwarto ko at nakatingin siya at biglang natawa.

"that suits you right for stealing my jewelry before" sabi niya at nainis na ko.

"talaga? what about you stealing from Blake? what me to 'suit you right' too? " sabi ko at bigla siyang naglaki ng mata.

"anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

agad ako napaisip, di dapat ngayon.

"yung dati? yung dahilan bakit kayo nagbreak?" sabi ko at bigla siyang tumawa.

TAWA KA DIYAN! KUNG AKO LANG SI MEDUSA, TAGAL KA NA TALAGANG NAGING BATO.

"and what? maaalala ba niya? ang nakalimutan niya, ikaw! kaya please? stop trying" sabi ni Tiffany at umalis.

naiiyak ako, fck hindi ko masara ang kwarto ko sa sobrang kalat kaya triny ko nalang ligpitin.

habang nagpupulot ako, nilalagay ko narin ang iba sa bag since 1 week nalang bago ako uuwi sa bahay ko, makakaalis narin ako dito sa empyernong to.

may narinig ako na pinto kaya agad ko pinunas luha ko at naramdaman ko na may tao sa likod ko pero di ko pinansin.

kinuha ko yung mga bubong sa salamin and as always, nasugatan ko yung kamay ko.

WHEN WILL I LEARN NOT TO HOLD BROKEN GLASSES!

dumugo siya at ang sakit kaya agad may yumuko at hinawakan kamay ko.

"ok ka lang?" pagtingin ko habang hinihipan ni Blake kamay ko.

agad ko kinuha at tumayo.

"ok lang ako, wag mo ko alalahanin" sabi ko ng walang emosyon at kinuha ang walis sa gilid at nagsimula ng walisan yung bubog.

napatingin ako sa damit ko sa kama, daming tutupiin hays.

"sino gumawa nito?" tanong ni Blake.

"tanong mo girlfriend mo" sabi ko.

"tinatanong ko naman ahh" mahina niyang sabi pero narinig ko.

"ano?" sabi ko at tumingin sakanya.

"wala, tulungan na kita" sabi niya at kukunin sana yung walis na hawak ko ng nilayo ko sakanya.

"wag na, di ko kailangan" sabi ko at nilagay sa gilid yung walis at nagligpit ulit ng ibang kalat.

habang naglilinis ako, napaisip ako. tinatabuyan ako lagi ni Blake pero bakit minsan nagbibiro siya na kami? nagbibiro siya na parang binibigyan niya ko ng pag-asa na meron pang kami sa puso niya?

alam mo tawag dito? KATANGAHAN.

oo kasi di porket binibigyan ka ng motibo aasa ka na agad, dapat may label, dapat may assurance para di ka aasa at madi-disappoint sa huli, para hindi ka masaktan sa huli.

ewan ko ba pero lalo ako naiiyak pero onting tiis nalang, babalik ko ulit yung sarili ko sa tama niyang pwesto.



Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon