Chapter 19

13 0 0
                                    

BLAKE POV

"babe...naisip ko, dinner kaya tayo? namimiss na kita eh" sabi ni Tiffany.

"sige, sama natin si Violet?" tanong ko at bigla siyang umirap.

"bakit? ikaw lang gusto ko kasama" sabi ni Tiffany habang nakapulupot sa braso ko.

"ahhh sige" sabi ko ng may tumawag sa cellphone ko.

agad ko naman ito kinuha at lumabas sa balcony para dun ko kausapin ang tumawag sa akin.

nakita ko si Violet na papuntang kwarto ko na may dalang basket pero di ko na siya pinansin.

―*―

VIOLET POV

naglaba nalang ako kaysa isipin pa yung mga stress sa buhay.

naisipan ko na labhan narin ang mga damit ni Blake, pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko si Tiffany na nanghahalungkat sa cabinet at drawers ni Blake.

kinuha ko ang cellphone ko at vini-videohan si Tiffany.

nakita niya ang isang safe sa gilid ng cabinet ni Blake na may picture frame.

malapit ako sakanya pero nahaharangan ako ng cabinet ni Blake kaya di niya ko kita.

"ano kaya password ni Blake?" tanong ni Tiffany sa sarili niya habang nakatingin sa taas.

napaisip siya at bigla siya nag-snap ng fingers.

"ofcourse!" sabi niya sa sarili niya at nakita ko inen-code ni Tiffany.

0421

04? 21? april 21? that's the day na naging kami ahh?

nabuksan ni Tiffany at ang daming pera nakaloob sa safe, ipon ni Blake.

"hangang ngayon, mahal niya parin si Violet..." sabi ni Tiffany sa sarili niya at kumuha siya ng pera at nilagay niya sa bag niya.

habang naglalagay siya naisipan ko ng tapusin ang video at ibulsa ang phone ko.

nagkunwari akong kakapasok lang, kaya kumatok ako at bigla siyang nagulat.

"jusmiyo naman nakakagulat ka" sabi ni Tiffany at sinara ang safe gamit ang paa niya at hinarangan ang bag niya ng kanyang katawan.

"kukunin ko lang labahan ni Blake" sabi ko at kinuha ko na ito.

"gusto mo ba labhan din akin?" pagtatanong niya at nakangiti pa ang hayop.

kapal din ng budhi mo, bakit ko naman lalabhan yung sayo? gago ka ba?

"gusto mo ba ikaw nalang maglaba lahat?" sabi ko at bigla siya nainis sa akin.

lumabas na ko sa kwarto at pumuntang CR.

grabe? hangang ngayon di parin nagbabago si Tiffany! pera parin ang habol niya kay Blake? pero---di naman siya ganyan dati.

pumunta na kong CR at naglaba. nawala na tuloy ako sa pagkanta ko, kumakanta ko ng rewrite the stars eh sayang. 

habang kinukuha ko ang labahan sa washing at babanlawan na biglang may sumigaw.

sumigaw kaya ako nataranta at pumunta kung saan galing yun at narinig ko na galing yun sa kwarto ni Blake kaya agad ako napunta dun at binuksan yung pinto.

pagpasok ko, nakita ko gamit ni Tiffany na nakakalat sa kama at tinignan nila ko dalawa.

"IKAW! KINUHA MO ALAHAS KO" sigaw ni Tiffany at bigla ko nagulat sa sinabi niya.

alahas na pinagsasabi na diyan? eh pumasok lang naman ako dito para kumuha ng labahan ni Blake?

"accusation ulit?" sabi ko habang nakataas kilay, kalmado akong kausap siya.

"PUMASOK KA DITO KANINA! IKAW LANG ANG TAONG PUMASOK DITO AT NANGHALUNGKAT!" sigaw niya at sinabunutan ako.

agad ko hinawakan kamay niya at nakita kong ina-awat siya ni Blake na sabunutan ako, hinawak ko kamay niya at inalis sa buhok ko at balak ikutin kamay niya pero---andito si Blake kaya binitawan ko nalang kamay niya.

"oo nanghalungkat ako...ng labahan ni Blake, i only came here once, you were here. tingin mo kung ako kumuha nun, hindi mo makikita?" sabi ko at bigla niya ko tinignan at lumapit sa akin.

ang lakas niya talaga makatingin eh ang liit lang naman niyang tao, kala mo napakatangkad eh sobrang pandak mong hayop ka! nasa baba ka lang ni Blake, nasa mata ako ni Blake! ang liit mo, sarap mo kurutin ng nail cutter.

ginigigil mo si ako.

"then you don't mind na halungkatin namin kwarto mo?" tanong ni Tiffany at yumuko ako kasi maliit siya, as a threat para sakanya.

"go for it" sabi ko at umalis na.

pumunta ako sa kwarto ko at pinapasok siya habang si Blake nasa labas lang ng kwarto ko.

hinalungkat ni Tiffany ang sa may side table ko at binuksan niya yung drawer, kinuha niya yung frame na may pic namin ni Blake.

"see anything you like?" sabi ko in sarcastic.

inanggat niya yung pic at binaksak sa sahig kaya nabasag yung frame.

tsaka na ko kumulo.

"how dare you" sabi ko at hinarap siya sa akin.

tinignan ko siya habang hawak dalawa niyang balikat at mukhang takot siya sa pagtingin ko sakanya.

"do you have any idea how valuable that photo is?" sabi ko at tinaboy siya kaya siya napa-bagsak sa kama at ako pinulot ko yung photo at nilagay sa side table. agad agad ko naman kinuha ang frame at nabubog ako pero di ko na pinansin yung dugo.

habang si Tiffany eh nanghahalungkat ng kabinet ko bigla siyang nagsalita.

"ETO! ETO YUNG NECKLACE! NA BINIGAY SA AKIN NI BLAKE!" sabi niya at tinignan ko yun, di ko namumukhaan yang necklace na yan.

"talaga? binigay ko to sayo?" tanong ni Blake at tinignan ang necklace.

"oo babe...dati pa yun, di mo lang ata naaalala" sabi ni Tiffany at tumingin pa siya sa mga jewelries ko at kumuha siya ng isang relo na halata talagang hindi fake at valuable.

"see! sabi ko na nga ikaw nagnakaw ng gamit ko!" sabi ni Tiffany at tinulak ako kaya lalong nasayad yung tuhod ko sa sahig kung saan nandun yung mga bubog.

oh sh*t, ang sakit! ang sakit.

pinipigilan ko umiyak pero ang sakit.

pinilit kong tumayo at tinignan si Tiffany.

"punong puno na ko sayo!" sabi ko at nagstep forward kaya nagstep backward siya pero nakataas parin kilay niya.

"i don't need to explain! ikaw ang naglagay niyan sa kwarto ko---" magsasalita sana ako ng inunahan ako ni Blake.

"paano mo nagagawa yan Violet? i'm so close to lose my trust to you" sabi ni Blake.

Blake, wag ka na makisali please, wag mo na pagtanggol si Tiffany. hindi ako ang nagnakaw Blake.

"then lose it! paano ko nagagawa? wow, di ko rin alam, kasi di nga ako ang gumawa" sabi ko pero agad siya sumagot.

"eh kung hindi ikaw, paano napunta sa kabinet mo? sige nga?" sabi ni Blake.

"i don't know! maybe it magically flew into my closet all by itself" sabi ko at sumabat naman si Tiffany.

"you're so ridiculous!" sabi ni Tiffany at agad ko silang tinignan dalawa, pero pansin ko si Blake nakatingin sa paa at kamay ko na dumudugo dahil sa bubog.

"kahit ibigay niyo pa yan sa pulis, you will never see my hand-print in there!" sabi ko at naglakad pa ko para mapalabas sila sa kwarto ko.

"tsaka... Tiffany? kung gusto mo kong siraan at magkunwaring ninakawan kita. make sure na hindi ka kagaya ng ina-accuse mo sa ibang tao" sabi ko at pumuntang CR.

fck this life, lagi nalang ako! Galaxy! dumating na talaga kayo at iiwanan ko na lahat, ayoko na hindi ko na kaya, alam ko ang dali ko naman sumuko pero di ko na matiis.

iiwanan ko na lahat, ayoko na. aalis na talaga ko at magkakalimot. aalis at iiwan lahat sa nakaraan.







pati si Blake .

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon