gabi na at kakatapos ko lang magligpit, di na kagaya ng dati yung kwarto ko. mukha siyang ewan, mukhang gago yung kwarto ko at since gabi na naisipan ko lumabas at magluto ng pagkain para sa amin sa bahay.
pero medyo dinamihan ko ang pagluluto dahil andito parin si Tiffany.
mamaya maya, habang nagsisimula na ko mag-gisa, may naririnig nanaman akong sigaw. si Tiffany at Blake nanaman. hays, kailan ba sila titigil sa pagaaway?
narinig ko ang pangalan ko, sabi na nga ba eh. lagi nalang di ko dinadamay sa away nilang dalawang 'mag-couple'.
kung away sila ng away, magbreak nalang sila. kahit wala naman talagang sila lol.
i should be more careful about what i say, especially naman na mas sangayon kayo sa akin bilang girlfriend ni Blake diba? ayoko naman siraan si Tiffany sa inyo, hehehe #TeamViolet
habang naghahalo na ko, biglang nagbukas yung pinto ni Blake at si Blake sobrang galit at si Tiffany galit din, at agad nila ko nilapitan.
here we go again, dinadamay nanaman ako.
"VIOLET! PAANO MO NAGAWA TO?" sigaw ni Blake kaya bigla ko nagulat, hininaan ko yung apoy ng niluluto ko at tsaka sila hinarap.
nakapamewang effect pa ko nito.
"what are you talking about?" sabi ko.
"wag ka na nga painosente! aminin mo na" sabi ni Tiffany.
"ok, hindi ako magiging inosente, at aaminin ko sana eh kaso di ko alam tinutukoy niyo" sabi ko.
"PAANO MO NAGAWA NA NAKAWAN AKO" sigaw ni Blake habang nagbato at naghampas ng pera sa table dito sa kusina (counter-top).
"ANO?" sigaw ko sa gulat ng sinasabi ni Blake sa akin.
"nakita kita kumukuha sa pera ni Blake! wag kang painosente" sabi ni Tiffany at nag-cross arms.
OMG! INA-ACCUSE BA SA AKIN NI TIFFANY ANG GINAWA NIYA? NAPAKA KAPAL NG FACE NIYA! LITERALLY KAPAL NG MUKHA NIYA, KUNG ANONG KINAPUTI NIYA YUN ANG KINAITIM NG UGALI'T BUDHI NIYA NAKAKAINIS!
"ano? that is absurd!" sabi ko.
"ikaw lang naman pumapasok sa kwarto ni Blake! di naman ako yun dahil hindi ko yun magagawa sa Boyfriend ko! hinding hindi ko magagawa kay Blake ang pagnakaw ng pera. tatlo lang naman tayo dito sa bahay! imposibleng ako naman yun?" sabi ni Tiffany at nagtaas ng kilay.
"mas lalo ako! bakit ako sinisisi niyo? unless you have proof na ako kumuha dapat----" pagsabi ko ng inunahan ako ni Blake.
"OH SHUT UP" pagsigaw ni Blake at napatingin kami ni Tiffany kay Blake.
"ANG GULO GULO NA NG BUHAY KO! TANGINA! AYAN! PERA! SAYO NA YAN! BAKA NAKAWAN MO PA KO" pagsigaw ni Blake habang tinuturo yung pera sa long bar table.
dfck? how can they accuse me of such thing?
"HINDI KO KAILANGAN NG PERA MO, I NEVER WANTED IT, I WON'T EVER NEED IT" pagsigaw ko at pagtanggal ng pot holder sa kamay ko.
"TALAGA? BAKIT? KAYA MO SIGURO AKO NINAKAWAN KASI ANG GINAGAWA MO LANG ANO? NAKIKIPAG-HOOK UP DIYAN SA MGA LALAKE! WALA KA NAMAN ATANG TRABAHO KAYA KA NANDITO! FEELING KO NGA SUNOD TARGET MO NA SI JIMIN OR BAKA NAGS---" pagsigaw ni Blake ng sasampalin ko sana siya pero pinigilan ko.
violence isn't always the answer.
"how incredible na nagkabaliktad ata nag storya" sabi ko at napatingin kay Tiffany.
"OO NAKIKIPAGHOOK UP AKO SA MGA BOYS, SOBRANG LANDI KO AT MAGNANAKAW AKO! AAKO-IN KO NA TUTAL YUN NAMAN ANG GUSTO NIYO MARINIG DIBA?" pagsigaw ko at nanahimik sila.
"BY THE WAY! BLAKE? ALAM MO KUNG BAKIT AKO NANDITO? KASI HINOLD KO YUNG TRABAHO KO PARA ALAGAAN KA! NANGAKO AKO SA MGA KAIBIGAN MO NA-AALAGAAN KITA" sabi ko at pinatay yung niluto ko at nagwalk out, pumunta ako sa kwarto ko.
as always, umiiyak ako dito sa kwarto.
mukhang di na talaga siya yung Blake na kilala ko, when will this nightmare ever end?
―*―
BLAKE POV
sumasakit ulo ko sa mga nangyayari. grabe talaga.
di ko alam na kaya pala gawin ni Violet yun, magnakaw ng pera.
sabi ni Tiffany, nakita daw niya si Violet na kumukuha ng pera ko ng ilang beses at lagi daw ni Violet pinagbabantaan si Tiffany na wag magsumbong tungkol dun.
sabi rin ni Tiffany na wala daw trabaho si Violet kaya siya lagi nandito, nakikipaghook-up lang daw si Violet sa ibang lalake, kaya ko pala siya nahuhuli na laging kasama or kausap si Jimin.
dati naiinis lang ako kay Jimin, di ko alam pero kada kasama ni Jimin si Violet, naiinis ako at ayoko sila magkasama, di ko maexplain basta naiinis ako.
pero ngayon naiinis ako, lagi ko siyang pagiinitan ngayon dahil sa nalaman ko, at ang kapal ng mukha niya. ang ganda niyang tao pero ang panget pala ng ugali.
ninakawan pa ko ng pera, ok lang sana manghiram eh pero yung ganito? yung bigla biglang kukuha.
tsaka kaya ko naniniwala kay Tiffany eh dahil diba 'girlfriend' ko si Violet? siya lang makaka-alam ng code ng safe ko.
biglang sumakit ulo ko at napapikit.
bigla nalang may nag-flash sa utak ko.
sunod sunod na events, sobrang bilis.
naalala ko yung araw na pumunta kaming amusement park.
sumakay kami sa rollercoaster at sumisigaw ako ng siya sumisigaw sa saya, ako sa takot. tinitignan ko siya pero ang labo ng mukha, sobrang labo.
gusto ko malaman, ano ba talagang totoo?
bigla nalang luminaw yung mukha at si...
Violet?
pero? bakit siya? bakit siya ang kasama ko? dapat si Tiffany! kasi si Tiffany ang girlfriend ko, si Tiffany ang babaeng gusto ko para sa akin, siya nagalaga at nagmahal sa akin ng totoo. impossible tong naiisip ko, masyado na ko nadadala ng galit ko kaya si Violet ang nakikita ko.
tumayo ako at pumunta sa kabinet ko para magpalit ng damit dahil sa sobrang pagiisip ko, pinagpapawisan na ko.
agad ako kumuha ng white t-shirt sa dulo at paghila ko, may biglang nahulog.
pinulot ko ito at tinignan.
picture namin ni Violet, mukhang galing to sa photobooth ahh? at mukhang matagal na to dahil ang luma na niya tinignan.
tinitigan ko at naalala ko yung araw nayun, yung araw na nagpicture kami ni Violet sa booth tapos hinatid namin siya pagkatapos pero...
di ko na alam anong nangyari.
hindi ko na pinansin at kri-nomple ko yung picture at tinapon sa basurahan.
nagbihis ako at nahiga sa kama.
ayoko muna isipin yang mga ganyang bagay, lalo lang ako nadadala sa inis ko.
