Chapter 35

15 0 0
                                    

VIOLET POV

nagising ako na ang sakit ng ulo ko, ano bang nangyari kagabi?

paggising ko, walang tao sa kwarto kungdi ako lang.

biglang may pumasok sa kwarto.

nakatalikod si Blake na pumasok at may hawak na tray ng pagkain, nilapag niya sa kama habang nakatingin lang ako sakanya.

nyeta Blake! bakit ka pa gumagawa ng paraan para lalo ako mahirapan? nyeta naman eh!

"kain ka na" sabi niya at umupo sa tapat ko, nakangiti.

"did you cook this?" sabi ko at nagaanlinlangang kumain.

"wow huh! hindi, inorder ko yan sa baba!" sabi niya at tumawa ako.

nagsimula na kong kumain at nakatingin siya sa akin kaya naiilang ako.

"bakit?" tanong ko sakanya.

"wala kang naalala kagabi?" sabi niya at biglang lumaki mata ko.

napansin ko rin na iba na damit ko, wtf?

"we didn't?" sabi ko ng inunahan ako ni Blake.

tumawa siya ng mahina at umiling sabay ngiti.

"i changed your clothes kasi sumuka ka, mostly directly sa akin" sabi niya kaya nahiya ako.

"omygosh! sorry" sabi ko at kinuha yung toast.

"ok lang, wag na magpapakalasing ng ganun ahh?" sabi niya at kumagat sa toast ko at lumabas.

what was that?

ano fifty shades lang? nagbar ako, binihisan niya ko, kinagatan niya tinapay ko? OY HAHAHAHAHAHAHAHA i would go for it basta wag lang dun sa sex scenarios.

kumain ako at naligo, i still have the same undergarments, so he was telling the truth. amoy alak ako kaya todo kuskus talaga ko, makaligo lang sobra.

lumabas ako sa cr at nakita ko si Blake nasa balcony, may kausap sa phone at mukhang tuwang-tuwa siya makausap yun.

ano ba Violet? bakit ka nagse-second thoughts about kay Blake? ang hirap kasi umasa pag ganito eh.

sabi nila 'actions speak louder than words' pero paano naman yung puro actions lang? walang confirmation or assurance about sa certain thing? edi ang gulo kasi di mo ba alam kung aasa ka at kukunin mong motibo yun o hindi.

nawala ngiti ko at bigla nalang ako na-lungkot. 

tangina? bakit ba siya nandito?

logical thinking, naiisip ko na kaya siya nandito kasi naa-awa siya sa akin dahil sa mga ginawa nila ni Tiffany dati, pero fck! di naman niya ko kailangan sundan all the way to paris!

naiinis tuloy ako, pumasok ako sa kwarto at slinam yung pinto, padabog. nainis kasi ako bigla sa mga naiisip ko.

kasi bakit ganun? magpapakatanga ka nanaman Violet? tingin mo magiging ok na kayo ni Blake? bakit minahal ka ba niya? tangina! wag kang aasa at magsasayang nang-oras, nakakainis.

humiga ako at tinaklob yung sarili ko sa kumot.

tangina ang sarap umiyak!

namimiss ko na siya pero...bakit nasasaktan ako lalo?

BLAKE. BAKIT MO BA KO PINAPAHIRAPAN?

sana ako nalang nagka-amnesia, para ako na hindi mahirapan, hindi mahirapan na kalimutan ka.

bigla ko tumayo at kinuha phone ko at wallet, tinignan ko si Blake na busy sa kausap niya, rinig ko nga tawa niya eh.

dahan dahan akong lumabas sa pinto at tumakbo. umalis ako sa room namin at tumakbo. di ko alam saan ako pupunta pero tangina ang sarap magkalimot.

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon