TIFFANY POV
"ano bang ginagawa mo?" sabi ni Blake na pasigaw sa akin kaya nagtaka ko.
"excuse me pero ako yung---" pagexplain ko sana pero inunahan niya ko.
"nakita ko yung ginawa mo Tiffany! bakit mo ba siya ginaganun? alam mong tinutulungan na nga tayo ng tao! bakit mo ba kasi kailangan awayin si Violet!" pagsigaw niya kaya nashock ako.
nakalimutan nga niya si Violet pero yung puso naman niya, pinaglalaban parin siya.
"Blake, gumaganti lang ako sa lahat ng mga ginawa niya sa akin" sabi ko pero umupo nalang si Blake at nag-cellphone.
kinuha ko yung gamot niya at lumapit kay Blake.
"Blake, mahal mo pa ba ko?" tanong ko sakanya, napatigil siya sa ginagawa niya at di ako sinagot.
alam ko yung sagot, pero bakit ayaw niya nalang sabihin sa akin ng diretso.
"oo naman, wag ka lang kasing mangaaway ng ibang tao" sabi ni Blake at lumapit sa akin.
"may nagsabi sa akin, 'wag mo pansinin ang ibang tao, pansinin mo ang sarili mo at magpasalamat ka sa mga taong gusto ka pabagsakin dahil sakanila, lalo kang aangat' " sabi ni Blake at ngumiti.
bigla nalang ako kumuha nung gamot niya at binigay sakanya,
"di ka pa nakainom diba? inom ka para gumaling ka" sabi ko at kinuha naman niya at iininom niya.
kinuha ko yung bag ko at kinuha ko yung syringe ko sa bag. onti onti akong lumapit kay Blake at tinurok sakanya yung syringe.
agad naman siya napatulog.
sorry Blake, kailangan ko kasi talaga to gawin eh. para makuha kita ulit.
―*―
nagising si Blake na parang walang nangyari.
"Blake? hey how are you feeling?" sabi ko habang nagkukusot siya ng mata niya.
"i'm fine...i guess" sabi ni Blake at lumabas ng kwarto.
habang umalis siya eh inikot-ikot ko yung kwarto niya.
tumingin ako sa cabinet niya at nakita ko ang isang picture.
nakita ko ang picture nila, ni Violet sa isang photobooth. ang sweet nila, bagay talaga sila sa isa't isa.
bakit ba ko ganito? bakit ko ba gusto masira ang relasyon ng dalawa kong kaibigan?
di naman kami ganito dati eh.
―flashback―
"uy sige kayo nalang muna diyan sa photobooth" sabi ko at pumasok silang dalawa, si Violet at Blake sa photobooth.
ako nakatingin lang sa kanila at nakikita ko na may iba talagang ngiting pinapakita si Blake kay Violet.
alam ko sa mga titig niya na mahal niya si Violet.
pero bakit ako ang girlfriend niya?
ang parents ko ay in-debts at wala na talaga kaming incomes at ang paraan para matapos to lahat eh pakasalan ako ni Blake para makakuha ako ng pera sa Mama niya. ayoko gawin to pero eto lang paraan na naisip ko.
"uy Babe! medyo nahihilo daw si Violet, hatid natin siya tapos tayo naman magsolo" sabi ni Blake at ngumiti.
"nako ayan huh! pag nalaman ko sa articles bukas na buntis si Tiffany! lagot ka sa amin ni Avery" sabi ni Violet at tumawa nalang kaming dalawa ni Blake.
habang hinahatid namin si Violet sa bahay niya, may natanggap akong text.
Unregistered number:
