ikaapat

3 1 0
                                    

"Anong ibig sabihin ng narinig ko, Julianna?" Nagtitimping tanong ni Rebecca sa anak. Habang isinasara ang mga bintana at pinto.

"Mama," ninenerbyos na tawag ng dalaga sa ina.

"Bilisan mo ang pagpapaliwanag." Sigaw nito sa anak.

Bihira itong magtaas ng boses dahil madali mataranta ang kanyang anak. Ngunit nakakabigla, hindi niya matanggap na ang kanyang anak na hinubog nya sa pangaral ay mapapariwara din pala.

"Mama, patawarin nyo po ako." Iyak ng dalaga saka lumuhod at yumakap sa hita ng ina. "Hindi po ako nakinig sa mga pangaral ninyo. Mahal ko lang po talaga si Joel kaya ako nagtiwala sa kanya. Hindi ko po inisip na makakaya niyang balewalain ang pinagsamahan namin. Patawarin nyo po ako." Hagulgol ng dalaga. "Mama, tatanggapin ko po ang parusang ibibigay ninyo, patawarin nyo lang po ako." Patuloy na iyak ng dalaga.

Tila naman nabagbag ang damdamin ng ina. Maaatim nga ba naman niyang tikisin ang anak. Pero hindi iyon ganoon kadaling tanggapin.

"Tumayo ka riyan! Gusto kong marinig ang buong kwento. At kung bakit wari ko ba'y sangkot ang anak ni Ka Rosing sa gulong ito. Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo, Julianna? Saan ba ako nagkulang sa iyong bata ka?" Asik ni Rebecca sa anak saka umupo sa kanilang sofa habang lumuluha na rin. "Kailan mo pa ako sinuway sa utos ko sa iyo? Akala ko ba'y nagkaintindihan na tayong dalawa na ibibigay mo lang ang sarili mo kapag sigurado na kayo sa isa't-isa. Paanong nangyari ...? Saan ... ?"

"Mama, maniwala po kayong minsan lamang iyon nangyari. S-sa condo po ni Joel."

"Sinong lolokohin mo ... ? Anong condo?"

"Maniwala po kayo, Mama. Pagkatapos po noon, hindi na po kami nagawi sa condo niya, ... regalo po iyon ng ate niya noong graduation namin. Kailan ko rin lang po iyon nalaman."

"Linawin mo nga, niloloko mo ba ako?"

"Kasi po, ... kasi po sabi ni Joel ... hindi na ako virgin. Kasi po hindi ako nasaktan at hindi ako nagbleed." Sumbong ng dalagang tila bata, saka humahagulgol na yumapos sa ina. "Mama maniwala po kayo, si Joel lang po talaga. Sabi po niya mahal niya ako pero, iyon pala may iba pa siyang idinidate. Sabi nya po, iyon daw pong babaeng iyon ang gusto ng mommy niya para sa kanya at ipinamukha po niya sa aking mas pipiliin na niya ang babaeng iyon kesa sa akin dahil ... dahil virgin raw po ito." Nanginginig na ang dalaga sa pag-iyak.

Marahil ay nagkasama-sama na ang lahat ng nararamdaman ng dalaga ...  takot sa ina, disappointment sa nangyayari at sama ng loob kay Joel.

Parang hinipan ng hangin ang galit ng ina. Naawa siya sa anak. Gaano katagal na ba nitong ipinaglalaban ang pagmamahal niya para sa binata ukol sa pamilya nito. Masama ang loob ni Rebecca sa binata. Aayawan din lang pala nito anak, bakit kailangan pa nitong sirain ang dalaga. Kailangan pang paasahin. Halos sampung taon, na sa binata lang umikot ang mundo ng anak niya.

"Tumigil ka na. Hayaan mo sila. Kung ayaw nila sa iyo, eh di huwag! Pilitin mong huwag magpaapekto sa kanila. Makakatagpo ka rin ng tatanggap sa iyo. Iyung tunay na magmamahal sa iyo ng tapat. Iyung hindi titingin sa kakulangan mo. Tatandaan mo ang lahat nang nangyari sa iyo. Magsilbing aral sa iyo ang lahat ng ito. Tumahan ka na! Hindi maibabalik ng pag-iyak mo ang anumang nawala at mawawala sa iyo."

"Mama, galit pa rin po ba kayo sa akin?"

"Hindi ako galit. Nagtatampo lang ako. Siguro kung hindi ko pa inabot ang gulo kanina, hindi mo pa sasabihin sa akin ang lahat nang ito. Itong tatandaan mo," muling pangaral ng ina, "kahit anong mangyari, ako lang ang laging iintindi sa iyo. Kaya, talikuran ka man nilang lahat, nandito pa rin ako mamahalin at uunawain ka, naiintindihan mo ba iyon?" turan ng inang lumuluha habang hinahagod ang ulo at buhok ng dalaga.

She's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon