ikalabing siyam

4 1 0
                                        


"Mama, uwi na po tayo." Mahinang ungot ni Julie sa ina. Agad nagtaas ng ulo si Gideon mula sa pagkakayuko sa gilid ng kama ng asawa.

"Liana, My love ... " usal ni Gideon habang hawak pa rin ang palad ng asawa.

"Anak hintayin lang muna natin ang resulta ng huling test sa iyo ha."

Hindi pumayag si Gideon kung hindi muling igeneral check up ang asawa kaya tumigil pa sila ng ilang araw sa ospital upang makasigurong maayos na ang kalusugan ni Julie.

"Saan mo ba gustong umuwi Julie? Sasama ka ba sa Mama mo sa probinsya o sa apartment, sa asawa mo?" Nananantyang tanong ng biyenan.

Mula ng magising si Julie, pilit ipinaunawa ng dalawang ina ang magiging konsekwensya kung ano ang mga dapat at hindi dapat. Kung ang ina ni Julie ang tatanungin, gusto nitong mag-usap silang mag-asawa ng maayos. Ipinaunawa ni Rebecca na gusto niyang makasama ang anak pero hindi sa ganitong dahilan na masama ang loob nito sa asawa. Ang biyenan nama'y inuulukan si Julie na bigyan ng leksyon ang anak. Sinabi nitong hindi siya pabor sa hiwalayan pero kung iyon ang magtuturo ng aral sa anak, hindi siya magdadalawang isip na umayon. Wala kahit isa sa dalawang ina ang nagbigay ng desisyon. Ipinabahala nila sa mag-asawa ang lahat. Ang hiling lang ng dalawang ina, natuto silang igalang ang desisyon ng bawat isa. At maging aral sa kanilang dalawa ang lahat ng pinagdadaanan nila. Napalunok si Julie bago yumuko. Hindi pa sila nagkakausap ng masinsinang mag-asawa. Hindi alam ni Julie kung anong mararamdaman niya ng malaman ang buong pangyayari.

"Gusto nyo bang mag-usap muna kayong dalawa? Lalabas muna kami ni Balaeng Rebecca. Julie? Atom?"

"Na kay Liana po ang desisyon. Sa ngayon po, wala ako sa lugar para magdesisyon para sa aming dalawa. Nakadepende po kasi ang lahat sa kung anong gustong mangyari ng my love ko." Tila may bikig na sagot ni Gideon.

Napahikbi naman si Julie. Nagkatinginan ang magbalae saka parehong humanda sa paglabas ng kwarto.

"My love," panimula ni Gideon ng makitang sumara ang pinto. Hinalikan ang mga palad ng asawa saka nagpatuloy. "Kahit anong katwiran o dahilan pa ang sabihin ko, mananatiling niloko pa rin kita. Pero sana, huwag mo namang ialis sa akin na ipakita sa iyong nagsisisi ako sa nagawa ko, at hindi ko talaga sinadya o intensyon na saktan ka. Ang makitang nahihirapan at nasasaktan ka dahil sa nagawa ko ay dobleng sakit ang nararamdaman ko, kung hindi mo ako mapatawad agad sa ngayon, mauunawaan ko. Pero huwag mong tagalan, my love ko. Hindi ko kayang malayo sa iyo. Ngayon pang napansin mo na ako ng matagal. Ngayon pang akin ka na. Sana mapatawad mo agad ako. Sorry kung nasaktan kita. Hindi ko dedepensahan ang kasalanan ko dahil kahit na anong katwiran pa ang sabihin ko, kahit saang anggulo pa tingnan, nagkamali ako, mananatiling malaki ang naging parte ko kaya nasaktan kita." Lumuluha pareho ang mag-asawa ng matapos si Gideon sa sinasabi. Hinalikan niyang muli ang mga palad ni Julie saka tumayo. Lalabas na sana si Gideon, nang magtaas ng tingin si Julie at nagtanong sa asawa.

"Saan ka pupunta? Susundan mo na ba ang mag-ina mo? Iiwan mo na ba talaga ako? Talaga bang sila ang pipiliin mo? Hindi ba ako karapat dapat piliin?" Halos bulong ni Julie. Agad tinakpan ng mga palad ang mukha saka humagulgol. Para namang nabunutan ng tinik si Gideon sa sinabi ng asawa. Iisa lang ang ibig sabihin noon.

Sukat sa narinig, pumihit pabalik si Gideon sa asawa at niyakap ito ng mahigpit. "Maraming salamat, my love ko. Wala akong gustong makasama hanggang sa pagtanda ko kundi ikaw lang. Kung totoo mang akin nga ang batang iyon, kikilalanin ko siya. Sabihin man nilang masama ako wala akong pakialam pero hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Ikaw ang buhay ko. Mahal na mahal kita, my love ko. Hindi ako magsasawang ulit-ulitin sa iyo iyan." Sa isip nya, may pag-asa pa. Mahal siya talaga ng asawa dahil kahit malaki ang naging pagkakasala niya, bibigyan pa rin siya nito ng panibagong pagkakataon. Pareho silang umiiyak na magkayakap.

She's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon