ikalabing lima

8 1 0
                                    


"Bakit ngayon lang kayo? Nandyan na silang lahat sa loob, kayong dalawa na lang ang wala." Bungad ni Olive sa kanilang mag-asawa. Ngiti lang ang isinagot ni Julie sa tanong ng hipag. Tila naman nakahalata ito sa sitwasyon ng mag-asawa, kaya nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Gideon. "Warla kayo?" Pakenkoy na tanong nito. Hindi pa rin kumibo si Julie. Si Gideon ang nagreact, "pakialamera," tanging sagot nito bago hinila si Julie papasok sa loob ng bahay. Agad naman silang namataan ni Krizzie, kaya agad sila nitong nilapitan, saka bumulong sa kaibigan.

"Akala ko, hindi ka pupunta?" Pasimpleng tanong nito.

"Ayaw pumayag ni Asher eh. Ayaw akong iwan mag-isa sa bahay, huwag mo akong iwan. Baka makahalata sila ... " hindi na natapos ni Julie ang sinasabi ng tawagin siya ng biyenan.

"Julie, bakit ngayon lang kayo?" Tanong nito. Agad namang lumapit si Julie dito bago humalik ng kamay.

"Happy Birthday po Inay! Pasensya na po. May inasikaso lang po si Asher, kaya kami natagalan." Katwiran ni Julie sa biyenan, na di sumusulyap sa asawa.

"Ganoon ba?" Palipat-lipat ang tingin nito sa mag-asawa na tila ba nagdududa. "O, sya .... sa likod-bahay na kayo tumuloy at nandoon ang mga pagkain." Wika nitong tila ba may pinag-iisipan. Agad namang sumunod si Julie sa utos ng biyenan habang hila ang kamay ni Krizzie, nang hindi man lang inaaya ang asawa. Iiling-iling na tinitigan ng matanda ang anak na napakamot sa batok.

"Mag-uusap tayo mamaya Gideon Asher," mahinahon ngunit may pagbabantang bulong ng ina.

Sa loob-loob ni Gideon, lagot talaga siya mamaya. Wala siyang nagawa kundi sumunod sa asawang kasama na ni Krizzie, papunta sa likod-bahay.

"My love," tawag ni Gideon sa asawa habang humahabol sa mga ito. Nang maabutan ito, agad niyang ginagap ang palad nito. "My love, sorry na please, ... wala naman talaga iyon."

"Manahimik ka, kung ayaw mong gumawa ako ng eksena dito," pabulong na banta ni Julie.

Tila naman ikinaalarma ni Gideon ang sinabi nito kaya tumigil na ito sa pangungulit. Natapos naman ng matiwasay ang selebrasyon sa kaarawan ng ina. Hindi mapakali si Gideon. Alam niyang makakatikim siya ng sermon sa ina kapag nalaman nito ang ikinasama ng loob ng asawa sa kanya. Hanggang sa nagpaalam na nga ang kahuli-hulihang bisita. Hindi humihiwalay ang asawa kay Krizzie. Kung hindi kay Krizzie, ang iba niyang kapatid o mga pamangkin ang kausap nito. Hanggang sa ipatawag sila ng ina sa opisina nito. Magkasabay na pumunta ng mag-asawa sa tanggapan nito. Kumatok si Gideon bago unti-unting pinihit ang seradura ng pintuan nang marinig ang tinig ng ina buhat sa loob.

"Inay," tawag ni Gideon sa ina.

"Julie, Atom ... halikayo pasok! Hindi ko na kayo naharap kanina. Bunso ko, kamusta na kayo ni Julie?" Masiglang bungad nito sa kanila.

"Ayos lang po," simpleng tugon ni Julie.

"Okay lang po Inay!" Tugon naman ni Gideon sa ina.

"Dito kayo," aya nito sa mag-asawa.

Bagaman maganda ang mood ng ina, alam ni Gideon na may nagbabantang mangyari sa pagpapatawag nito sa kanila. Kilalang-kilala ni Gideon ang ina at kahit ika nga eh bunso siya ng pamilya, hinding-hindi siya nakakaligtas sa galit nito kapag may nagawa siyang mali. Kaya naman, disiplinado silang magkakapatid kahit pa nga maaga silang naulila sa ama.

"Kamusta ka, Julie? Wala pa ba akong apo?" Usisa nito kay Julie.

"Wala pa po, Inay." Kiming tugon nito.

"Ayos lang po kami, Inay ... "

"Manahimik ka, Gideon Asher! Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Asik nito sa anak.

She's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon