Sadya nga yatang lahat ng bagay ay may kapalit. Kapag sobra ang kasiyahan mo, patitikimin ka ng kalungkutan. Kapag sobrang sagana mo, pagdurusahin ka sa kakulangan. Kailan nga ba ng huling subukin ng pagkakataon si Julie.Sobrang busy ng mag-asawa ng araw na iyon. Si Gideon, sa bagong tayong negosyo na pinagsosyohan nila ng kanyang mga pamangkin. Siya ang in charge dito habang si Marco, ang syang nakatutok sa puj nilang magtiyo. Ang ibang pamangkin naman ay may kani-kanya ring pinagkakaabalahan. Habang si Julie, ay aligaga sa kanyang umuunlad na online business.
Tulad ng pangkaraniwang araw ng mag-asawa, para na naman silang nasa honeymoon stage.
"My love, pa kiss muna ako. Mamaya mo na gawin iyan. Halika muna dito, dali!" Tawag na nang-aakit ni Gideon sa asawang natatawa sa gustong mangyari nito.
"Asher, tanghali na. Akala ko ba may kakausapin ka ng ten a.m, past 8 na, bibyahe ka pa. Tumigil ka nga. Ikaw pa nga, parang pa lagi na lang tinitipid. Kakatapos lang natin kanina, di ba?"
"Siguro nagsasawa ka na sa akin?" Nakayukong bulong ni Gideon na hindi nakaligtas sa pandinig ni Julie.
"A sus, ang aking baby nagtatampo na naman. Promise, mamayang gabi uli ... " hindi na natapos ni Julie ang sasabihin dahil agad nagreact si Gideon.
"Promise, My Love ha! Tatandaan ko iyan. Yes!!" Parang batang wika nito.
Hindi naman napigil ni Julie ang mapahalakhak.
"Oo na po. Sige na, kain ka na. Inumin mo itong vitamins mo pagkakain, ha?" Alagang-alaga ni Julie ang asawa.
"Halika na sabay na tayo." Aya ni Gideon.
Ipinaglagay siya nito ng pagkain sa plato habang idinulot naman ni Julie ang kape nito.
"Okay, let's eat baby ko." Lambing ni Julie.
Marahil kaya hindi pa sila binibiyayaan ng supling ay sa dahilang para na rin siyang may anak na alagain sa katauhan ng asawa. Asikaso nya ito sa lahat ng bagay. Sa pananamit, sa pagtulog, sa pagkain pati na nga ang pag-inom ng bitamina, sa pagpaligo at marami pang iba. Mahal na mahal ni Julie ang asawa. Ngayon niya naiisip na hindi pala niya minahal ng lubos si Joel sa tunay na kahulugan nito. Marahil nga'y pagmamahal sa isang kaibigan o kapatid ang naramdaman niya ukol dito. Siguro'y isusumpa siya ng mga feminist group, dahilan sa pagtrato niya sa asawa pero anong magagawa niya, ganoon niya kamahal si Gideon.
"Nakahanda na ang bihisan mo sa ibabaw ng kama natin, ha? Iyong spare shirt mo, nakahanger na sa strada. Huwag kang magpapatuyo ng pawis. Tatlong pamalit ang naroon." Bilin ni Julie habang kumakain sila.
"Opo, My Love ko. Sabay tayo maligo, my love." Ungot nito.
Nang mag-angat si Julie ng tingin sa asawa, nang-aakit na naman ang ngiti nito.
"Okay. Ligo lang, ha?"
Nakangusong tumango ito. Hindi maiwasan ni Julie ang humalakhak sa itsura nito. Gaya nga ng dapat mangyari, sabay naligo ang dalawa. Nagbibihis na ang mag-asawa ng magring ang cellphone ni Gideon. Hindi naman kumibo si Julie dahil natural na rin naman ang ganoong mga pangyayari sa pang-araw-araw nilang buhay.
Tumingin pa muna si Gideon sa asawa bago nito sinagot ang tawag, "hello, Tati?" Napaangat ang katawan ni Julie buhat sa ginagawang pag-aayos ng isusuot na damit ng asawa. Nagtaka siya. Bakit si Asher ang tatawagan nito? Bakit ... ?" Hindi natapos ni Julie ang pagtatanong sa isip ng tapusin ng asawa ang tawag saka pamuling may tinawagan.
"Hello Kriz, si Marco? Kausapin ko nga sandali. Okay salamat."
"Marco, may meeting ako ng ten a.m. baka pwedeng ikaw muna o kahit sino sa inyo ang pwedeng pumalit sa akin ... "
"May ... " hindi matapos ni Gideon ang sasabihin. Tumingin pa muna ito sa asawang naghihintay ng kanyang sasabihin. Kita niya sa mukha ng asawa ang kaba at takot. "May importante lang kaming pupuntahan ni my love ... " hindi na narinig o nalaman ni Julie ang nangyari dahil nawalan na siya ng malay.
"Fuck, Marco take charge please. Saka na ako magpapaliwanag. Nawalan ng malay si Liana," bigay abiso nito sa pamangkin.
Hindi na naioff ni Gideon ang cp nya. Basta na lang niya ito binitawan upang asikasuhin ang asawa. Mabuti na lang at carpeted ang kanilang sahig sa kwarto. Nang maiayos ng higa si Julie, agad kinontak ni Gideon ang ina habang pinupunasan ng basang bimpo ang mukha ng asawa. Ninenerbyos siya. Wala ngang kalahating oras, magkakasunod na dumating ang ina at mga kapatid ni Gideon.
"Anong nangyari, Atom?" Tanong ni Ka Rosing sa anak habang sinusuri si Julie ng doktor.
"Tumawag po si Tati. Pinauuwi kami dahil ... " lumunok pa muna si Gideon bago, "malubha daw si Mama," umiiling na tugon nito sa ina.
"A-ano?!" Tanging nasabi ng matanda.
"Hindi ko pa nga po nasabi ng deretsahan kay Liana. Marahil napagtagni lang niya base sa usapan namin ni Tati at Marco. Inay, ano pong gagawin ko? Paano ko po sasabihin ... " hindi na natapos ni Gideon ang sinasabi sa ina dahil unti-unti nang nagkamalay ang asawa.
"A-asher,"
"Narito ako, My love."
"Ang Mama ko. Uuwi tayo sa Mama ko ... " kagat labing usal nito saka humagulgol.
"Hush, my love. That's enough. Umayos ka, kasi kung ganyan ka ng ganyan, dito lang tayong dalawa ... "
"No, no, no, ... I'm good. Please, baby ko ... "
"Rod, itawag mo ako ng drayber sa motorpool. Sasama ako sa kapatid mo sa probinsya."
"Opo Inay ... " tanging tugon ng anak.
Agad namang dumating ang ipinatawag ng matanda. Pagkatapos nitong magbilin sa anak, halos magkakasabay silang lumulan sa sasakyang ipinatawag nito.
Nang nasa byahe na ang mag-asawa kasama si Ka Rosing, Marco at Krizzie, binalingan ng matanda si Julie na sa simula pa ng magising ay wala ng tigil sa pag-iyak.
"Julie, alam kong masakit sa iyo ang balitang ito pero husayin mo ang loob mo, anong malay natin kung hindi lang nagkaintindihan sina Trining at ang doktor na tumingin kay Rebecca. Magdasal ka anak, may awa ang Diyos. Hindi Niya pababayaan ang Mama mo."
"Salamat po Inay. Pero hindi ko po maintindihan ang lahat ng ito. Nakausap ko pa po si Mama noong isang gabi. Kahit nga po noong dumalaw kami ni Asher sa kanila, tingin ko naman po ay maayos si Mama. Bakit naman po parang biglang-bigla?" Lumuluhang salaysay ni Julie.
Sa tahimik na pagluha ni Julie, saka niya naisip isa-isa ang mga pangyayari mula ng makapagtrabaho siya. Ang mangilan-ngilang pangyayari na nagigisnan niyang dumadaing ang ina, na sa tuwing uusisain niya, sa tuwina'y itinatanggi nito. Sasabihing, nagkaringganan lang sila ng anak o di kaya'y, nananaginip ito. Ang unti-unting pagkabawas ng timbang ng ina, na ang wika nito'y nahihirapan itong kumilos, kaya nagrereduce. Napakawalang kwenta niyang anak. Bakit hindi niya binigyan ng atensyon ang nag-iisang magulang. Naisip tuloy ni Julie na, baka kaya mas ginusto ng inang sa probinsya mamalagi upang hindi niya mapansin ang patuloy na paglala ng kalagayan nito. Habang patuloy na lumuluha, taimtim na nagdadasal si Julie na sana nga'y tama ang sinabi ng biyenan na nagkaringganan lang si Tati at ang doktor.

BINABASA MO ANG
She's Gone
Romancea love so true that has to be ditch in the end ??? Will there be a happy ending or just .... a simple betrayal ...