ikalabing anim

2 1 0
                                        


Mula nga ng araw na iyon, mas naging close sa isa't-isa ang magbiyenan. Mas naging open din sa isa't-isa ang mag-asawa. Ika nga, ngayon pa lang nila mas nakikilala ng lubos ang isa't-isa. Ngayon lang nila nalalaman ang kahinaan at kagustuhan ng bawat isa. Tunay ngang nasa adjustment period pa silang dalawa. Napakaikli naman kasi ng kanilang girlfriend-boyfriend period. Mas naging demanding si Gideon sa atensyon ni Julie at naging mas malambing at spoiled si Julie kay Gideon.

Kasalukuyang nag-aayos ng mga ipapadeliver na orders si Julie. Online business ang napiling negosyo ni Julie. May mga suppliers siya ng mga quality at authenticated na klase ng produktong itinitinda niya sa kanyang online shopping business. Nagulat siya ng maupo ang asawa sa kanyang tabi sabay halik nito sa kanyang labi.

"Anong ginagawa mo, my love?"

"Inaayos ko lang ang lists of orders. Kukunin na ito ng courier service, any moment now." Sagot ni Julie habang busy sa pagtse check ng listahan ng mga orders ng kanyang mga buyers.

"Looks like your enjoying your little business. Baka naman maungusan mo nang lahat ang online selling business dito sa pinas nyan," biro ni Gideon sa asawa na ginanti nito ng matamis na ngiti at halik sa kanyang pisngi bago sa labi.

"I really enjoy this, Asher. And besides, malayo pa ako doon. But I'm looking forward, ... "

"Looking forward for what, na maovercome mo ang lahat ng courier services thru your business?"

"Well, sana .. " tila hiling nito habang magkakrus ang mga daliri. "Bakit nga pala ang aga mo ngayon?" Pag-iiba ni Julie ng paksa. Sinalat nito ang leeg at noo ng asawa, "wala ka namang sakit ah."

"Sinong may sabing may sakit ako? Na miss lang kita kaya ako umuwi, ... "

"Ihh, kinikilig naman ako Asher," wika ni Julie habang namumula ang buong mukha. "Hindi nga?"

"Bakit, masama bang mamiss kita?"

"Hindi naman. Eh bakit nga?"

"Kailangan ba may rason para mamiss kita? Basta namiss kita, tapos!"

"Oh, okay. Kasi naman ilang oras ka pa lang nakakaalis, nandito ka na agad. Anyway, gusto mo na bang kumain? Mabuti na lang nakapagluto na ako nang para sa lunch."

"Hhmm, parang iba ang gusto kong kainin, ... " namimilyong sagot ni Gideon sa asawa, habang pinagagapang ang mga daliri sa braso ng asawa. Natawa naman si Julie sa sagot nito.

"Ikaw pa nga, kanina lang bago ka umalis ... "

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganoon, kaya lang baka magsawa ka na sa akin tapos maghanap ka nang iba. Di ba nga sabi nila, nakakasawa kapag laging adobo, ,.. "

"Naku misis, paborito ko po ang adobo. Lalo na ang adobo mo," patuloy na biro nito saka binuhat ang asawa na ikinatili nito.

Nang marating ang kanilang kwarto, dahan-dahang ibinaba ni Gideon ang asawa sa kama. Hindi naman bumitiw ng yakap si Julie dito.

"Mahal na mahal kita Gideon Asher!" Madamdaming usal ni Julie.

"Mahal na mahal din kita, my love sobra!" Saka nito kinudlitan ng halik sa labi ang asawa.

They made love again and again as if there's no tomorrow. Wala ng mahihiling pa si Julie sa kanyang buhay. At dahil nga bago sila maghiwalay kaninang umaga'y nag-agahan sila ng kakaibang almusal at muling naglunch ng kakaiba ring lunch, knockout si Julie. Naalimpungatan lang siya ng maramdamang muli siyang hinahalik-halikan ni Gideon na tila ba ginigising siya. Bahagya ng maimulat ni Julie ang mga mata sa pagod.

She's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon