ikalabing-isa

6 1 0
                                        


Iba talaga ang buhay-probinsya. Hindi tulad sa kamaynilaan, na lahat ng bagay ay binibili at bawat kilos ay binabayaran. Dito sa San Simon, buhay na buhay ang bayanihan. At syempre pa, buhay na buhay din ang mga pamahiin. Pagkababa ng mga bagong kasal sa sasakyan, sinalubong sila ng mga kamag-anakan nina Gideon sa magkabilang angkan. Iyong isa may dalang matamis na panghimagas, sinubuan sila para daw matamis ang maging pagsasama nila. Iyong isa naman balabal/shawl, para daw lagi sila magstick together. At kung anu-ano pang kaugalian para sa mga bagong kasal.

Pagpasok nila sa pagdarausan ng handaan, sinalubong ang mga ito ng mga well wishers. Palibhasa'y parehong taal na taga San Simon si Nay Rosing at ang kanyang namayapang asawa, kaya naman halos puro kamag-anak yata ang bisita nila, immediate and distant relatives. Kung sabagay, batay sa kwento ng biyenan kay Julie, ang mga ninuno nila ang unang tao rito sa San Simon. Kaya maaaring tama ang sapantaha ni Julie na parang pag-aari ng angkan nila, itong buong San Simon. San Simon nga pala ang maiden name ni Nay Rosing.

Amazed na amazed si Julie sa mga kung anu-anong kaugalian at pamahiin ng mga ito. At dahil, sa partido ng bride ay ang ina, si Trining at si Krizzie lang, puro kamag-anak ng groom ang nagparticipate sa kung anu-anong kaugalian. Pagkatapos magsikain ng lahat, sinimulan ang unang sayaw ng ikinasal. Tuwang-tuwa ang Tati ni Julie dahil punungpuno ng pera ang wedding gown nito. Halos bahagya mo ng masisilip ang tela ng saya. Nang matapos ang sayaw, pinagtulungan ng mga ina ng ikinasal ang pagtatanggal ng pera sa damit ng mga ito. Pabalik na ang bagong kasal sa kanilang pinasadyang pwesto ng iabot ng pinsan ni Nay Rosing ang isang bagay na nakabalot sa tela. Agad naman itong iniabot ng biyenan kay Julie.

"Julie, anak hawakan mo ito. Hangga't maaari, gagamitin ninyo ito sa ikabubuti ng pagsasama ninyo." Inabot naman ito ni Julie bago nagtanong,

"Ano po ba ito, Inay?"

"Nakaugalian na dito ang magpasayaw kapag bisperas ng kasal. Habang inihahanda ang mga lulutuin para sa araw ng kasal. At iyan ang nalikom nilang pera. Parang regalo. Pwede nyo iyang gamitin sa hanapbuhay. Basta may koneksyon sa buhay may-asawa ninyo." Paliwanag ng matanda sa manugang.

"Ah, marami pong salamat," tumatangong pasasalamat ni Julie.

Nang matapos ang pinakaprograma ng kasal, inilibot ni Gideon ang asawa sa bawat lamesa para ipakilala sa mga kamag-anak. Biruan at kantyawan ang sumalubong sa bagong kasal. May nagtanong pang halos kaedaran ni Gideon.

"Pinsan, si Julie ba iyung sinasabi mo sa amin dati na hihintayin mo?" Malokong biro nito.

"Oo, nakita mo naman di ba? Sabi ko sa iyo, kapag napasagot ko ang mahal ko, kasalan agad." Nakangiting sagot nito. Namumula naman ang mukha ni Julie sa mga may kulay pang biruan ng mga magpipinsan.

Nang matapos ipakilala ang bagong miyembro ng pamilya, nagkani-kanya na ng umpukan. Ano pa nga ba, kundi inuman. Bawat lamesang lapitan ni Gideon ay napapatagay ito. Iniwan muna ni Gideon ang asawa sa isang lamesa, kaumpok nina Krizzie.

"Huwag nyong lasingin si Atom, baka tulugan niyan ang asawa mamaya. Unang gabi pa naman." Sigaw ng isang tiyahin sa partido ng ina.

"Walang Andradang mahina. Itayo mo ang bantayog ng lolo mo, Gideon!" Ganting biro sa angkan ng Andrada.

"Nakow, tantanan nyo ... kayong mga matatanda ang pagkahihilig sa inuman. Tigilan nyo si Atom."

"Julie, anak ... gusto mo bang magpalit ng damit?" Tanong ni Rebecca. Marahil ay naramdaman ang pagiging asiwa ng anak sa mga biruan ng magkabilang angkan.

"Opo 'Ma. Pero itanong po muna natin kina Inay. Marami po silang mga pamahiin. Baka po may ritwal din sila pati sa pagpapalit ng damit." Birong totoo ni Julie sa ina.

She's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon