Inalalayan ni Gideon ang asawa sa pagbaba ng sasakyan. Hindi pa man pumapasok ang mag-asawa sa bahay, pinagpapawisan na si Julie. Paano'y nasa kanilang dalawa ni Gideon ang atensyon ng lahat."Asher, ... ." Pigil niya sa asawa. "Saglit lang ... " pag-aatubili ni Julie.
"Hey, it's okay! Come on! Na meet mo na silang lahat noong kasal nina Marco, di ba? And yesterday, sa wedding natin." Anas nito sa asawa.
"Nakakahiya, ... nahihiya ako." namumulang wika ni Julie.
"Why? You're so beautiful ... " hindi na natapos ni Gideon ang sinasabi dahil tinampal ito ni Julie sa braso.
"Anong koneksyon?" Nagkatawanan silang mag-asawa.
"They would loved you, come on. They're waiting ... " hikayat nito.
"Hoy! Ano, magbubulungan na lang ba kayo diyan? Gutom na kami." Tawag pansin ng kuya ni Gideon.
"Sus, para kayong hindi nanggaling sa ganyan. Halina nga kayong dalawa. Bunso, Julie ... parine na kayo! Kundi ko pa alam, bibiruin nyo na naman itong dalawa," salo ni Nay Rosing sa bagong kasal.
"O sya, tara na sa loob! May kakampi na naman si Atom. May nanalo na besh!" Pakengkoy na sabat ng isa pang kuya nito. Patuloy sa tudyuhan ang mga ito, na akala mo, mga bata.
Marahan lang ang ginagawang hakbang nina Gideon at Julie. Si Gideon, dahil inaalalayan ang asawa. Si Julie, dahil marikot ang gitnang bahagi ng hita niya sa bawat paghakbang. Patuloy sila sa marahang paghakbang ng may magsalita sa kanilang likuran na ikinatili ni Julie sa gulat.
"Fuck, Ate ano ba naman? Kanina ka pa. Para kang multong bigla na lang susulpot at magsasalita," nabiglang sigaw ni Gideon sa kapatid.
"Napaka magugulating ninyong dalawa. Bawas-bawasan nyo ang kape ha." Natatawang komento nito.
"Buhatin mo na kasi si Julie, Atom."
"Oo nga, Atom. Pinandalas mo naman yata si Julie eh."
"Masakit ba talaga, Julie?" Magkakasunod na tanong ng tatlong hipag ni Gideon. Saka sabay sabay na naghagikgikan, na akala mo mga teenager.
"Tumigil na kayo ha! Tigilan nyo na ang asawa ko. Nakakainis na kayo. Inayy! Tingnan nyo nga sina ate, o!" Naiinis na turan ni Gideon bagaman hindi maiwasang mangiti.
"Aba'y bakit ba?" Nakangiting tanong ni Olive.
"Tsk," tanging sagot ni Gideon sa kapatid saka binuhat ang asawa.
"A-asher," impit na napatili ni Julie dahil sa ginawang pagbuhat ng asawa sa kanya.
Hindi naman kumibo si Gideon na itinuloy ang asawa sa loob ng bahay.
"O bakit ... ?" Nagtatakang tanong ng mga pinsan ni Gideon ng makitang buhat nito ang asawa.
Hindi ito sumagot. Namula naman lalo si Julie, kaya isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng asawa. Hanggang sa maibaba siya nito sa couch sa salas ng bahay. Sa halip sagutin ang mga kamag-anak, tumalungko si Gideon sa harapan ni Julie.
"Dito ka lang ha, ikukuha kita ng food."
"Sama na lang ako, ... " habol ni Julie. "Doon na lang tayo kumain sa komedor," anas ni Julie.
"Okay," sagot ni Gideon bago akmang muling bubuhatin ang asawa ng tumanggi ito,
"huwag na, Asher. Alalayan mo na lang ako," bulong nito.
"Are you sure?" sunud-sunod na tango ang isinagot ni Julie sa asawa.
"Ano kayang sikreto nitong dalawang ito, panay ang bulungan eh?"

BINABASA MO ANG
She's Gone
Romancea love so true that has to be ditch in the end ??? Will there be a happy ending or just .... a simple betrayal ...