Ikatlo

10 1 0
                                    

"Jo-elll, hu-huwag naman. S-sa iyo rin naman iyan kapag naikasal na tayo eh." Awat ng dalaga sa nobyo.

Nandito uli sila sa condo ng binata. Ayaw na nga sana ng dalagang dito sila magkita, dahil aaminin ng dalagang lumiliit ang tsansang hindi siya bibigay sa mga advances ng nobyo. Aaminin din niyang unti-unti na siyang nadadarang sa mga panunukso nito. Natanggal na ng binata ang pang-itaas na saplot ng dalaga. Pilit namang tinatakpan ng dalaga ang kahubdan sa harap ng nobyo.

"Julie, please. I just want to kiss you. Please don't deprive me of these. Matagal na natin dapat itong ginawa pero dahil sabi mo, gusto mong makatapos muna tayo kaya pinagbigyan kita. Nine years na tayo, wala ka pa rin bang tiwala sa akin." Tampong bulong ng binata na patuloy sa paghalik sa hubad na katawan ng nobya.

"Paano kung pagkatapos mong gawin ang gusto mo sa akin, magbago ka? Paano naman ako? Joel naman ehh!" Konting pilit na lang bibigay na ang dalaga. Tila naman naramdaman ng binatang konting-konti na lang at mapapapayag na niya ang nobya kaya pinagbuti ng binata ang pagkumbinsi sa dalaga, sa pamamagitan ng pagpapainit dito. Kalokohan, pero mahal talaga ni Julie ang nobyo kaya pumayag siya, hindi dahil pinilit siya nito.

Kahit paano'y hindi naman nagdamot ang binata. Pinalasap niya ang dalaga ng bagay na ni sa hinagap nito'y hindi niya inisip na pwedeng ipadama ng nobyo sa kanya. Pero hindi masaya ang binata. Napuna ito ng dalaga, kaya nagtanong siya kung anong problema.

"Joe, ... may problema ba?" Tanong ng dalaga. Habang dahan-dahang binabalot ang hubad na katawan ng kumot.

"Sinong nakauna sa iyo, Julianna?" Deretsong tanong ng binata.

"Anong .. ano bang sinasabi mo? Alam mong walang iba kundi ikaw. Paano mo naisip na magagawa ko sa iyo ang ibinibintang mo? Ni sa isip hindi ko magagawang lokohin ka." Masama ang loob na balik tanong ng dalaga sa binata.

"Julianna, hindi ka nagbleed. Ni hindi ka man lang yata nakaramdam ng discomfort. Nasaktan ka ba ng angkinin kita? Hindi di ba? Kabaliktaran ang naramdaman mo, so, paano mo ipaliliwanag iyon. Paano mo masasabing malinis ka, kung ang mga senyales na iyon ay walang lahat sa iyo."

Sa isip ng dalaga, bakit nga ba? Pero, kahit kanino makakaharap siya ng taas noong wala pang nakagalaw sa kanya kundi ito lamang. Nine years. Nine years silang magnobyo. Paano siya naakusahan nito ng ganoon?

"So, hindi mo ako matatanggap kung totoong hindi ikaw ang nakauna sa akin, ganoon ba Joel? Napakalaking issue sa inyong mga lalaki ang virginity naming mga babae, pero kayo ... ilan na lang ba ang virgin sa inyo." Nagdaramdam na balik sumbat ng dalaga.

"Julie, wala namang bale sa akin iyon eh. Pero sana, tinapat mo ako. Para naman hindi ako umasa. Alam mong kahit ano ka pa, mahal na mahal kita." Doon bumigay ang mga luha ng dalaga, niyakap naman siya ng nobyo.

Ano nga ba ang pwedeng gawin ng dalaga para mapatunayan niyang ito ang una at wala siyang bahid dungis. Kahit siya'y naguguluhan sa nangyari. Nang mga sumunod na paglabas nila, hindi na nagtangkang dalhin ng binata ang dalaga sa condo niya. Karaniwang kakain lang sila at konting pasyal tapos ihahatid na ng binata ang dalaga. Idadahilan nitong marami pang tatapusing trabaho. O kaya'y may iniuutos ang magulang na hindi naman binibigyan ng dalaga ng masamang ibig sabihin. Bakit nga ba ngayon lang naisip ng dalagang mula ng pangyayaring iyo'y, tila nag-iba ang pakikitungo ng binata sa kanya.

Ngayon naiisip ng dalaga ang lahat. Mula ng may mangyari sa kanila ng nobyo, ilang beses nga lang ba sila lumabas. Maraming beses na sila'y nagbalak, pero karaniwang napopostpone dahil sa kung anu-anong dahilan ng binata. Nanghihinayang man sa siyam na taon, hindi na iyon ang iniisip ng dalaga kundi, paano pa siya haharap sa kung sinumang magiging asawa niya. Hindi na siya malinis. Sukat sa naisip, humagulgol na naman ang dalaga. Hindi na namalayan ng dalagang kanina pa siya tinitingnan ni Gideon.

She's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon