ikalabing apat

4 1 0
                                    


"My love. Uy, My love ko, pansinin mo naman ako. Ano ba naman iyan? Wala pa tayong isang buwang naikakasal, nagagalit ka na sa akin." Samo ni Gideon sa asawa.

"Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganyan, ... na tila ba kasalanan ko pa kung bakit tayo nagkakaganitong dalawa." Bagama't galit, hindi pa rin makuhang sumigaw ni Julie.

Ganito na yata talaga ang pagkatao niya, kahit sukdulan na ang galit niya'y iiiyak na lang niya o di kaya'y magsasawalang kibo na lang. Kahit noong sila pang dalawa ni Joel, madalas na idadaan na lang niya sa pananahimik ang lahat. Katwiran kasi ni Julie, hindi bale ng siya na lang ang masaktan, huwag lang siyang makasakit.

Nanginginig si Julie sa inis. Nang hindi makatiis, napabulalas siya ng iyak. Lalo namang hindi mapakali si Gideon sa inasal ng asawa. Agad niya itong niyakap kahit pa nga panay ang iwas at pagtulak nito sa kanya.

"My love, tama na iyan. Sorry na. May itinatanong lang naman iyong babae. Please naman, tahan na. Baka magkasakit ka pa sa kakaiyak mo eh. Mahal na mahal naman talaga kita. Tama na iyan, please!" Patuloy si Gideon sa pagcomfort kay Julie.

Hindi naman kumikibo si Julie. Nagtataka din siya sa sarili niya. Hindi naman siya ganito kaselosa kay Joel noon. Rational naman siyang tao, hindi nya inisip na may ganito siyang pag-uugali. Gusto na tuloy maniwala ni Julie na totoo ang sinabi ng ina, na ngayon pa lang siya nagmamahal ng tunay at iyung naramdaman niya para kay Joel noon ay pagmamahal para sa kaibigan lamang.

"Kung sa akin ba may magtanong na pahaplos-haplos at nakaukyabit sa braso ko, hindi ka magrereact? "

"My love, iba naman iyon, ...?" Katwiran nito.

"Anong iba? Nakakagago ang katwiran mo ha?" Sabat ni Julie sa pangangatwiran ng asawa.

"Ako lang ang may karapatang humawak sa iyo. Subukan lang nilang hawakan kahit dulo ng daliri mo at magkakalintikan kami."

Inirapan lang ito ni Julie habang patuloy sa pagdaloy ang luha.

"My love, ... "

"Lumayo ka sa akin. Ayaw kita kausap, ... " hindi na natapos ni Julie ang sinasabi dahil may tumatawag buhat sa labas ng bahay.

"My love naman, paano natin maiaayos ang gulo natin kung hindi mo ako kakausapin?" Samo nito habang patuloy sa pagkatok ang kung sinong nasa labas ng apartment. Saglit namang tumayo si Gideon para pagbuksan ng pinto ang kumakatok.

Dito na sila nakatira ngayon sa dati nilang tinirahang mag-ina. Iyong apartment nina Gideon na malapit sa palengke. Paminsan-minsan na lang kung umuwi sila sa condo ni Gideon. Iyon ang napagkasunduan nilang mag-asawa, pagkakasal nila. Kung tutuusin, kalilipat lang nila dito, dahil ipinaayos ito ni Inay Rosing. Naalala pa ni Julie ang usapan nilang mag-asawa nang gabing bago sila matulog, pagkagaling ng San Simon.

"Asher, tulog na tayo. Maaga akong papasok bukas. Baka naman masesante na ako. Ubos na ang vacation leave ko para sa taong ito."

"Akala ko ba, napag-usapan na nating dito ka na lang sa bahay?"

"Asher naman, ano naman ang gagawin ko dito sa bahay. Saka na lang ako magreresign, kapag may baby na tayo."

"Isa pa iyan. Gustung-gusto mo na ba talagang magkaanak tayo?"

"Huh, bakit, ayaw mo pa ba?" Tanong ni Julie sa asawa, bago ... "Asher, sabik ako sa kapatid. Alam mo naman na nag-iisang anak lang ako. Wala akong kilalang kamag-anak nina mama. Gusto ko, marami tayong maging baby, let say, tatlo, apat ... hindi, lima kaya? Tulad ninyo. Kaya naman natin silang buhayin, di ba?" Titig na titig si Gideon sa asawa habang nagsasalita itong akala mo ba'y nangangarap. Maya-maya'y hinila ito sa palapulsuhan saka iniupo sa kandungan niya,

She's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon