"Alam ba ni Nay Rosing na sa condo ka uuwi?""Ahm, hindi. Ang alam niya, doon ako uuwi sa bahay namin."
"Ha? Ang mabuti pa, tawagan mo siya. Baka nag-aalala na siya."
"Hindi, baka tulog na si Inay. Maagang matulog si Inay eh. Huwag na, bukas na lang."
"Kahit sa mga kuya mo o kay Marco kaya. Sige na, ... " pilit ng dalaga.
"Huwag na nga kasi ... "
"Tsk, ako nga." Inis na inagaw ng dalaga ang cellphone ng binata. Hinanap ang posibleng numero ng ina nito o kapatid o ni Marco.
"Huwag na nga kasi. Baka tulog na ang mga iyo'y maabala pa." Tanggi nito. Tiyak na kakantyawan siya ng mga kapatid kapag nalaman na "naiwan" niya ang susi niya. Napakamot pa sa ulo ang binata habang pilit inaagaw sa dalaga ang cellphone nya. Hindi tuloy maiwasang mayakap ng binata ang dalaga. Syempre pa'y kinikilig ng lihim ang binata. Hindi naman iyon pansin ng dalagang abala sa pagtitext. Manhid nga yata ito.
Hindi naman kasi totoong naiwan niya ang susi niya, kundi sinadya niyang iwan. Ayaw pa kasi ng binatang mapalayo sa dalaga. Ayaw na niyang maulit muli ang dati na, lagi lang siyang nakatanaw buhat sa malayo. Ngayong nagkaroon siya ng pagkakataon, sasamantalahin na niya, sukdulang bakuran niya ang dalaga ... wala siyang pakialam, ganoon niya kagusto ang dalaga ... hindi, .... ganoon niya ito kamahal na sabi nga niya, kahit mabuntis ito ng iba at iwan, buong puso niya iyong aakuin ... mapasakanya lang ang dalaga.
"Hindi ako tatawag, mag-iiwan lang ako ng message sa kahit kanino sa kanila, upang hindi sila mag-alala ... kung nasaan ka ba o kung bakit hindi ka nakauwi. Huwag mo ngang ugaliin ang ganyan." Tila mas matanda, kung pagsabihan ng dalaga si Gideon. "Ayokong isipin ng pamilya mong masama akong impluwensya sa iyo."
"Hindi nila iisipin iyon. Bakit mo naman nasabing iisipin nila ang ganoong bagay tungkol sa iyo?"
"Wala! Basta! Sige na, magpahinga na tayo." Iniabot nang dalaga pabalik sa binata ang cellphone nito pagkamessage kung kaninuman. Bago itinaboy at iniwan ng dalaga papasok sa kwartong ipagagamit niya dito.
________________________
Bagama't pagod ng nagdaang araw, maaga pa ring nagising ang dalaga. Dahan-dahan siyang bumangon upang ipaghanda ng agahan ang ina at si Gideon. Patapos na siya sa paghahain ng bumaba ang ina.
"'Ma, kain na po. Magtitinda po kayo?"
"Oo, madali lang naman umuwi. Ngayon pa bang konting lakad lang eh madali na para sa akin ang sumaglit dito sa bahay. Bakit mo naitanong? Kailangan mo ba ng katuwang sa mga ligpitin?"
"Ah hindi naman po 'Ma. Kaya ko na po. Sasaglit po ako mamaya sa pwesto nyo para kunin ang ilulutong ulam." Sagot ng dalaga habang ipinagtitimpla ng kape ang ina. Dahil nagsisimula na itong kumain.
"Si Gideon, anong oras nakauwi?"
"Ahm, 'Ma ... nasa kabilang kwarto po. Naiwan daw po niya ang susi ng condo sa bahay nila. Ahm, masyado na po kasing gabi kung bibyahe pa siya pauwi, kaya doon ko na lang po siya pinagpahinga. Ayaw nga po niya noong una, dahil baka daw po kung anong isipin ninyo. Pero ako na po ang pumilit sa kanya. Ang balak po niya'y sa pick up siya magpapahinga. Naisip ko po agad na, paano na lang kung nalaman ni Nay Rosing iyon? Baka kung ano pong isipin niya sa atin." mahabang paliwanag ng dalaga.
"Ganoon ba? Kaya ba doon ka nahiga sa tabi ko? Naku eh ano bang inaalmusal ng batang iyon?" Parang sagot sa kanila, siyang pasok ng binata sa komedor.
"Magandang umaga po, Tita, Liana. Pasensya na po, nakitulog na agad ako sa inyo." Nahihiyang wika ng binata.
"Naku, wala iyon. Ano ka bang bata ka? Sa dami ng naitulong mo sa aming mag-ina at sa utang na loob namin sa pamilya nyo, ano na ba iyong nagawa namin? Julie, asikasuhin mo si Gideon at ako'y lalakad na. Eh Anak, kaya mo na ba talaga ang mga gawain dito? Asikasuhin mo si Gideon ha?" Abut-abot na bilin nito.

BINABASA MO ANG
She's Gone
Romancea love so true that has to be ditch in the end ??? Will there be a happy ending or just .... a simple betrayal ...