ika dalawampu't dalawa

12 0 0
                                        


Kulang na lang tumalon ng sasakyan si Julianna ng sapitin nila ang ospital na pinagdalhan sa ina. Hindi pa ma'y nagsisikip na ang dibdib nito. Lakad takbo silang mag-asawa. Naitawag na ng Tati ni Julie ang kwarto ng ina. Halos hindi makahinga si Julie ng makita ang kalagayan ng nag-iisang magulang. Habang siya'y nagpapakaligaya, ang kanyang ina ay narito at nakikipaglaban para sa sariling buhay.

Napakawalang kwenta niya anak. Ni hindi niya binigyang pansin ang kalusugan ng nag-iisang magulang. Puro sarili lamang niya ang kanyang iniisip. Ni hindi niya nabigyan ng magandang buhay ang ina.

Si Gideon na ang nagkusang alamin sa doktor ang detalye ng pagkakaconfine ng biyenan.

"Dok., kamusta na po Mama namin?"

"Ah, tatapatin ko na kayo, hindi maganda ang pagtanggap ng katawan ng pasyente sa mga gamot na ibinibigay namin ..."

"Doktor, wala po bang pwedeng gawin? Theraphy? Operation?"

Umiling muna ang Doktor bago, "hindi ko iminumungkahi ang operasyon. Lalo lang nitong palulubhain ang lagay ng pasyente. Ahm, sa ngayon milagro lang ang pwede nating asahan. Kung sana'y naagapan natin. Base sa nakatala dito sa chart niya, five years ago pa niya unang naramdaman ang mga sintomas, na binalewala niya sa pag-aakalang simpleng migraine lang ang lahat."

"Doktor tapatin nyo po kami ... Gaano po katagal?" si Julie na ang nagtanong.

"Sa intindi ko, three to six months the most. Pero sino ako, tao lang ako. Kaya nga ang sabi ko sa inyo, magdasal kayo. Ang milagro ay nangyayari sa mga pagkakataong hindi natin inaasahan. Siya pa rin ang magtatakda ng lahat. Iiwan ko muna kayo. Pindutin nyo lang po ang buzzer kung may kailangan kayo. Sige po ... " paalam nito saka lumabas ng kwaeto ni Rebecca.

Hindi na napigil ni Julie ang paghagulgol. Agad naman siyang niyakap ng asawa.

"My love, lakasan mo ang loob mo. Huwag mong ipakita kay Mama na mahina ka. Lalo siyang mahihirapan kapag ganyan ka." bulong ni Gideon.

"Babe, paano ako kapag umalis si Mama? Hindi ko pa siya napaglilingkuran. Wala akong kwentang anak. Dapat inobliga ko siyang magpagamot noon pang una ko siyang mapunang may dinaramdam, ..."

"Julie, walang may gusto ng lahat. Ang masasabi ko lang lakasan mo ang loob mo. Narito lang kami. Kung anoman ang kakailanganin mo, asahan mong karamay mo kami." wika ni Ka Rosing.

"Salamat po, Inay." anas ni Julie. Bago binalingan ang kaibigan ng ina. "Tati, bakit po ngayon nyo lang sinabi?" nagdaramdam na wika ni Julie.

"Pagpasensyahan mo na ako Julie. Nahahati ako sa pangako ko sa Mama mo na wala kang malalaman at sa kagustuhan ko itong ipaalam sa iyo. Patawarin mo ako." lumuluha ding wika nito.

Ano pa nga ba ang magagawa ni Julie? Alam niyang kapag ito'y nagbitaw ng pangako, kailangan ng matibay na dahilan upang sumira ito. Niyakap ito ni Julie. Alam niyang masakit din dito ang kinasapitan ng ina.

"Inay baka po gusto nyo ng umuwi, okay lang po ako dito. Babe, ihatid mo si Inay ..."

"My love, hindi kita pwedeng iwan, ano ka ba naman?" sagot ni Gideon habang yakap ang asawa.

"Sya nga naman, Julie. Saka huwag mo akong alalahanin. Pwede akong sumabay kina Marco. Hayaan mong samahan ka ng asawa mo dito. Ngayon nyo kailangan ang isa't-isa."

"Salamat po, Inay. Salamat sa inyo." baling ni Julie sa mga in laws niya.

Parang lutang ang pakiramdam ni Julie. Marahil ay dahil sa pagod at stress, nakatulog siya habang nakasandig sa dibdib ni Gideon.

"My love," anas ni Gideon habang tinatapik ang asawa sa pisngi.

"Huh," gulat na piksi ni Julie.

"Gising na si Mama. Umuwi saglit si Tati, hindi ka na niya ginising." bulong ni Gideon.

Lalapitan sana ni Julie ang ina, kaya lang ay kausap nito si Nay Rosing. Hindi pa ma'y naluluha na si Julie. Agad nga niyang nilapitan ang ina ng kambatan siyang lumapit ng biyenan.

"mama" usal ni Julie. "bakit naman po ganito?" napasigok si Julie. Nagsama-sama ang pag-aalala sa ina at hinanakit sa paglilihim nito.

"anak ko," halos bulong nito. "Pasensya na anak ko kung sa ganitong pagkakataon tayo muling nagkita. Marami ka nang tiniis na sakit ng loob kaya ayoko na sanang dagdagan ngunit hindi ko pala kang umalis ng hindi tayo nagkakausap ng masinsinan. Mahal na mahal kita anak ko,..." lumuluhang wika ni Rebecca. Gayon din naman si Julie, hindi niya mahanap ang mga salitang dapat niyang sabihin sa ina. Walang nakatining sa isipan nya kundi kung ilang oras, araw na lang niya makakapiling ang pinakamamahal na ina.

"Ma, please huwag na po kayong magsalita. Mahal na mahal kita, Mama ko," panaghoy ni Julie.

Walang magawa si Gideon sa mga pangyayari. Gustuhin man niyang patigilin sa pag-iyak ang asawa, alam niyang wala siya sa posisyon na gawin iyon. Alam niya kung gaano kamahal ng asawa ang kanyang biyenan. Nagkasya na lamang ito sa paghagod sa likod ni Julie habang manaka-nakang inaalo ito.

"Julie, anak ... Maaari bang iwan mo muna kami ng asawa mo. Gusto ko lamang siyang makausap ng sarilinan." pakiusap ni Rebecca sa anak.

Ngunit hindi pa ma'y tutol na itong mapalayo sa ina kahit saglit.

"Ma,?!" tila ba daing ni Julie.

"Sige na anak, kahit saglit lang ..." samo ni Rebecca.

"My love, sige na, saglit lang ito. Pagbigyan mo na si Mama..." pakiusap na rin ni Gideon.

Kahit labag sa loob, inut-inot na tumayo si Julie para lumabas ng kwarto ng ina. Hindi naman siya lumayo, pagkasara ng pinto ng kwarto doon na rin naupo si Julie sa bukana. Tila ba wala siyang lakas na lumakad pa ng mas malayo. Sinisisi niya ang sarili. Masyado siyang nagfocus sa kanyang kasalukuyang buhay. Nakalimutan niya ang kanyang kaisa-isang magulang na maraming isinakripisyo para sa kanya.

Patuloy sa pag-iyak si Julie hanggang maramdaman niyang may naupo sa kanyang tabi. Nang mag-angat sita ng mukha buhat sa pagkakasubsob sa mga tuhod, ang malungkot na mukha ng asawa ang nabungaran nya,

"kamusta ba si Mama, baby ko?" paos na tanong ni Julie.

"nagpapahinga siya. Lakasan mo ang loob mo, my love. Narito lang ako, hindi kita pababayaan." tugon ni Gideon saka niyakap ng mahigpit ang asawa. Sukat sa narinig at humagulgol na naman si Julie.

"Baby ko, hindi ko matanggap na iiwan na ako ni Mama. Hindi ko yata kakayanin," anas ni Julie habang nakasubsob sa dibdib ng asawa.

"kakayanin mo, my love. Para sa ating dalawa. Narito lang ako, hindi kita iiwan." tugon ni Gideon habang yakap ng mahigpit ang asawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon