Hindi nagustuhan ni Gideon ang unang pinagdalhang private room sa asawa, kaya sa isang suite ito naroon ngayon. Mula ng ipasok si Julie doon, hindi na ito hiniwalayan ni Gideon. Puno rin ang buong suite ng iba't-ibang klaseng bulaklak at mga lobong korteng puso. Gusto ni Gideon na kapag nagising ang asawa, makita nitong ayos na ang paligid para sa kabilang anibersaryo bukas. Tinawagan na niya ang biyenan. Ayaw na niyang maglihim. Kung anuman ang maging kaparusan sa mga nagawa niya, tatanggapin niya ng maluwag sa dibdib. Maliban sa asawa, gusto ni Gideon na makahingi ng tawad dito. Malayung- malayo ang itsura niya sa Gideon na laging nakikita ng lahat na laging nakangiti at fresh na fresh. Ang Gideon na makikita mo ngayo'y, hindi nag-aahit ni hindi siya kumakain, naliligo o kahit ang matulog ng matagal ay hindi niya magawa. Gusto niya munang makausap ang asawa para makahingi ng patawad. Hindi nila alam kung bakit halos dalawang araw na itong walang malay."Ah Miss," tawag pansin ni Gideon sa nurse na nakatoka sa asawa. "Kamusta na ang asawa ko? Anong findings nyo sa mga tests na ginawa nyo sa kanya?" Tanong nitong napatayo sa pagkakahilig sa kama ng asawa.
"So far po, okay naman po lahat ng test sa kanya. Ang mabuti pa po ay si Doc na lang ang tanungin nyo. Pupuntahan po niya mamaya si Ma'am." Nagpapacute na sagot nito.
Kung katulad ng dati, bibiru-biruin ito ni Gideon. But he learned his lessons the hard way. Hindi niya isusugal ang pagsasama at pagmamahalan nilang mag-asawa para sa mga tulad nito. Nagulat pa sila ng may magsalita sa gawing likuran nila.
"Okay na ba ang pasyente? Pwede ka ng lumabas, Miss." Mataray na atas ni Krizzie sabay irap kay Gideon bago ibinalik ang matalim na tingin sa nurse. "Bitch!" Wika nito ng mapatapat sa nahintakutang nurse.
"Anong sabi ng maharot na iyon?" Usisa ni Krizzie sa tonong akala mo hindi nito tiyuhin ang kausap.
"Hintayin daw si Doc.,"
"Kumain ka na. May ipinadalang pagkain si Lola. Saka maligo ka daw at mag-ahit. Baka daw kaya hindi magising si Julie dahil ang baho mo na," mataray pa ring litanya nito, na akala mo kabarkada ang kausap.
Syempre hindi naman totoong mabaho ang tiyuhin. Sabi lang ni Krizzie iyon, naiinis kasi siya dito. Infairness naman kasi, hindi rin niya masisi ang mga makikiring babaeng nahuhumaling sa amain. Siya nga eh, kundi lang siya head over heels sa kanyang asawa, baka isa rin siya sa nagsuswoon dito. Gideon Asher is the epitome of perfection. Mula physical feature hanggang attitude, pak na pak. But she knew in her heart of hearts na, Gideon Asher have his heart, only for his wife. Ika nga eh, hindi lang isang palaso ni kupido ang tumama dito, kundi paulit-ulit itong nabullseye. Iyon nga lang may pagkamakati rin ang tumbong nito kaya nasuong sa ganitong sitwasyon. Hindi naman ito kumibo at muling naupo sa tabi ng kama at hinalikan ang kamay ng asawa nitong hindi binibitawan.
Maya-maya nga lang ay dumating na ang doktor na in- charge kay Julie. Naidlip si Gideon kaya pupungas-pungas ng kausapin niya ito. Maging si Krizzie ay hindi mapakali sa pwedeng sabihin nito.
"D-doc., ano pong ... bakit po hindi pa nagigising ang asawa ko? Wala na naman po siyang lagnat pero bakit po ganoon?" Kabadong tanong ni Gideon.
"Hmm, okay naman ang mga test sa kanya. Normal lang lahat. Even her vitals were all normal. It's as if psychologically, ... "
"A-ano pong ... "
"What I mean is, parang ang pasyente mismo ang ayaw makicooperate. Try to talk to her. Convince her to come back. Sa tagal ng pagpapractise ko ng propesyon ko, may mga case na akong nahawakang ganito, I mean ... baka may tinatakasan siya kaya nag-aatubili siyang bumalik. Talk to her every now and then. And pray, Mr. Andrada." Pagtatapos nito. "Magraround muna ako." Paalam nito saka tinapik si Gideon sa balikat.
BINABASA MO ANG
She's Gone
Romancea love so true that has to be ditch in the end ??? Will there be a happy ending or just .... a simple betrayal ...