Lagi nang inspirado ang dalaga. Lagi nang may nakahandang ngiti sa kanyang mga labi para sa lahat. Kaya naman kinagigiliwan siya ng mga kamag-anak ng nobyo. Lagi din siyang isinasama ng kahit sino sa mga kapatid at pamangkin nito, sa kung saan man pupunta ang mga ito.Minsa'y ikinaiinis iyon ni Gideon dahil kahit oras ng pag-uusap nila sa skype o di kaya'y pagbivideo call ay naipagpapaliban dahil mas pinapaboran ng dalaga ang mga kaanak ng binata. Wika ng dalaga'y, pagpasensyahan na siya paminsan-minsan, kung tutuusi'y lagi naman silang magkatext at nagkakausap, nakikiusap lang ang mga kamag-anak nitong samahan ang kung sinuman sa mga ito paminsan-minsan.
Sa parte ng dalaga, gusto niyang makuha ng buo ang tiwala ng mga ito. Gusto ng dalagang matanggap siya ng buo ng buong angkan ng magiging asawa. Buong buhay niya kasi'y ang ina at kaibigan lang nito ang inikutan ng buhay niya, syempre maliban sa dating nobyo, kaya sabik siya sa malaki at masayang pamilya.
Nakapanganak na rin si Krizzie. Kambal, dalawang pagkalulusog na lalaki. Kaya pala ganoon na lang kalaki ang tiyan nito. Walang pinagsabihan ang kaibigan sa kanila. Tanging ang mother-in-law nito ang nakakaalam dahil ito ang laging kasama ng kaibigan sa mga check ups nito. Nasa lahi daw nila iyon, ayon kay Nay Rosing. Noon din lang nalaman ni Julianna na may kakambal ang nobyo, hindi nga lang pinalad na mabuhay ng matagal dahil naging sakitin ito mula ng ipanganak.
Habang tumatagal, mas lalong tumitibay ang relasyong ng magnobyo. Araw-araw silang magkatext at gabi-gabi pa rin silang nagbivideocall. May nagiging away sila at konting samaan ng loob, pero naaayos rin naman agad. Natural lang naman yata ang ganoon sa isang normal na relasyon.
Parang kailan lang noong ihatid nila sa airport ang binata para balikan ang trabaho nito sa UK. Ngayo'y susunduin na nila ito para dito na permanenteng manahan. Very excited ang dalaga. Si Nay Rosing, si Marco at ang dalaga lang ang susundo sa binata. Dahil finished contract na ang binata, marami itong iuuwing gamit, maliban pa ang mga naunang ipinapackage. Nang inanunsyo ang paglapag ng flight ng binata, aligaga ang ina ng binata sa paghihintay. Gayon din naman ang dalaga. Iniisa-isa ng dalaga ang mga palabas ng arrival area ng ...
"Atom!" Malakas na tawag ni Marco sa tiyuhin, sabay kaway dito.
Agad din naman silang nakita nito. Halos takbuhin sila ng binata. Nilapitan muna ng binata ang ina.
"Inay, na miss ko kayo!" Sabi ng binata saka ito niyakap ng mahigpit.
Julianna feels elated at the moment. She still can't believe that Asher is now right in front of her.
"Mabuti at nakarating ka ng ligtas, bunso ko." Maluha-luhang wika ng matanda.
Natatawang bumitaw sa ina ang binata saka bumaling sa pamangkin at tinapik ito sa balikat. Saka palang nito hinarap ang dalaga, bago ito niyakap ng sobrang higpit.
"I miss you so much my love! I love you very much!" Paulit-ulit iyong ibinubulong ng binata sa nobya.
"And I so love you too, Asher!" Tugon naman ng dalaga.
"Excuse me," tawag pansin ng isang tinig. Nang lingunin nila ito'y tumambad sa kanila ang isang babaeng parang modelo ang itsura. Halos manliit ang pakiramdam ni Julianna. Ngiting ngiti ito saka hinalikan si Gideon, malapit sa labi. Napansin ng dalagang parang bahagyang natense ang nobyo. Pero ng tingnan niya ito'y normal lang naman ang itsura nito. "I just want to thank you for the good company sa airplane. You're a good companion. Hindi naging kabagut-bagot ang byahe ko. So, ... you're the lucky fiancee! Congratulations and best wishes sa inyong dalawa." Malanding pakikipag-usap nito bago tinapik ang binata sa pisngi saka sila tinalikuran..

BINABASA MO ANG
She's Gone
Romancea love so true that has to be ditch in the end ??? Will there be a happy ending or just .... a simple betrayal ...