ikalabing pito

4 1 0
                                    


"Asher? May problema ba tayo?" Hindi napigilang itanong ni Julie sa asawa, matapos ang isang mainit na tagpo nilang mag-asawa. Gumuguhit siya ng imaginary circle sa dibdib nito. Ni hindi pa nga sila nakakapagbihis man lang. Nakaunan si Julie sa dibdib ng asawa habang yakap siya nito ng mahigpit at humahaplos ang isang kamay sa kanyang buhok hanggang sa hubad nyang likuran.

"Huh!" Tila nabiglang tugon nito. "What made you ask that silly question, my love?" Tanong nito sa tila eksaheradong tono.

"Lately kasi napupuna kong lagi kang tahimik. Parang may iniisip kang malalim na bagay. Parang may gumugulo sa isipan mo. Baka lang nakakalimutan mo, nandito lang ako.  Pwede mong ishare sa akin,"

"Wala naman. Madalas lang akong pagod. Ang hirap kasi kapag kulang ang mga drayber natin. Ayokong may mabakanteng jeep na hindi pumapasada." Katwiran nito.

Hindi na lang kumibo si Julie. Kung anuman ang ipinaglilihim ng asawa, tutuklasin nya iyon sa sarili niyang pamamaraan. Mula nang kanilang huling matinding away, wala na silang naging di pagkakaunawaan. Nagloosen up si Gideon. Mas naging attached naman lalo si Julie dito. Kaya hindi niya alam kung ano ang pwedeng magpagulo sa isipan nito. Nabanggit na niya ito sa kaibigan. Wala daw namang nababanggit na problem si Marco ng tiyuhin sa kanya.

"My love, ... malapit na ang second year anniversary natin. Anong gusto mong regalo?" Pag-iiba ni Gideon sa usapan.

Ito pa ang isang gumugulo sa isipan ni Julie sa tuwing pupunahin niya ang pananahimik nito. Lagi nitong iniiba ang takbo ng usapan nila. Ayaw naman niya itong kulitin. Ayaw na niyang maulit ang di nila pagkakaunawaang mag-asawa. Tiningala niya ito saka,

"Gusto ko nang magkababy tayo, ... " at dahil magkayakap sila kaya naramdaman ni Julie ang pagpiksi nito. Hindi niya ito pinansin saka nagpatuloy sa sinasabi. "Sabi mo noong bagong kasal tayo, two to three years. Kaya, baka pwede na, Asher. Gusto ko nang magkaroon ng aalagaang bata dito sa bahay. Ayoko nang manghiram lang kina Krizzie o sa iba mo pang  pamangkin. I want to take care my own flesh and blood. Gusto ko anak na natin ang aalagaan ko. Please, please Asher. Pumayag ka na ha. Hindi na ako magpapainject kay doktora next month. Pleaseee!" Daop kamay na lambing ni Julie sa asawa. At upang lalo niya itong mapapayag, siya na ang nag-initiate ng panibagong pagniniig.

"S-sa-an mo ba natututunan ang mga it-to?" Tukoy nito sa ginagawang pagpapainit ni Julie dito.

"Nagriresearch ako. Aba mahirap na, baka makatagpo ka ng eksperto, iwan mo pa ako ... " at dahil nakaupo si Julie sa kandungan ng asawa paharap dito, kitang kita nya nang matigilan ito.

"T-that, ... that would never hap-pen my love, ever! Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba. I'd rather die than be with another .... " hindi na nito natapos ang sasabihin dahil siniil siya ng halik ni Julie.

"Ayoko ng ganyang mga salita, Gideon Asher!" Pagkastigo ni Julie dito.

Para matigil na ang ganoong usapan nila, ginawa niya sa asawa ang bagay na ilang beses na niyang binalak gawin dito, ngunit hindi siya magkalakas ng loob .. kundi ngayon lang. Unti unti niyang pinagapang ang mga labi sa buong mukha ng asawa. Paulit-ulit. Pabalik-balik sa labi nito, sa leeg, buong mukha pababa sa balikat at dibdib.

"M-my love ... " tawag nito na wari ba'y daing sa pandinig ni Julie. Ipinagpatuloy niya ang ginagawang paghalik, hanggang umabot ang kanyang labi sa puson ni Gideon. Mukhang nahulaan nito ang gagawin ng asawa kaya agad itong umupo at inawat ito. "My love, hindi mo naman kailangang gawin iyan," awat nito sa boses na tila ba hinihingal.

"I insist, Gideon Asher!"  Madiing protesta ni Julie. "Lagi na lang ikaw ang gumagawa ng ikasisiya ko. I want to return the favor, Asher ... please?!? Then you can tell kung tama ba ang ginagawa ko, guide me ... okay?" Saka itinuloy ang balak gawin. Unti-unti niyang ibinaba ang paghalik habang naglulumikot ang kanyang mga kamay. Humahagod pataas pababa ang isa habang nakaalalay ang isa sa kaangkinan ng asawa at saka niya ito isinubo. Halos maduwal si Julie ng umabot sa lalamunan niya ang halos kalahati ng kaangkinan nito. Tulad ng napanood at turo ni pareng google, maingat at swabe iniurong sulong ni Julie ang kanyang bibig. Taas baba. Urong sulong. Naroong bahagyang higupin bago may bahagyang paghihip sa pinakadulo.  Ganoon pala iyon. Kahit ikaw ang kumikilos para sa ikasisiya ng kapareha mo, may kasiyahan ka rin nararamdaman. Lalo na't makikita mo ang nasisiyahang reaksyon ng iyong kapareha.

She's GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon