"Ehem!" Papansin ni Rebecca nang mapasukang magkayakap ang anak at ang binata sa kanilang sala. Agad sanang lalayo ang dalaga, pero hindi sya pinahintulutan ng binata."'Ma," nahihiyang wika ng dalaga.
"Good evening po Mama!" Ganadong bati ng binata.
"Huh, hala ... Mama?" Puna ng dalaga.
"Oo bakit? Kung ako'ng masusunod, kahit ngayong gabi'y gusto kitang pakasalan. Pero siguradong maghihisterikal si Inay kaya, sa pagbabalik ko na lang muli, saka ko iyon tutuparin. Ikiclear ko lang ang contract ko bago ako magresign for good. Ayaw ko naman ng LDR tayo, ano?" Todo paliwanag ng binata, na hindi mapuknat ang ngiti sa labi.
Nabigla rin ang ina ng dalaga sa itinawag ng binata kaya, "Naku eh, bahala na kayong mag-usap na dalawa. Kami ni Ka Rosing eh nakaalalay at nakasuporta lang sa magiging desisyon ninyong dalawa. Kayo nama'y parehong nasa hustong gulang na."
"Nasaan si Nay Rosing? Umuwi na ba ng San Simon?" Pag-iibang paksa ng dalaga.
"Nasa condo, at ipinapasundo kayo. May nakasanayan kasi sa pamilya namin na pagkatapos ng kasal, may munting salu-salo ang immediate family. Dapat sana'y sa San Simon iyon gaganapin, ang kaso, mahirap na para kay Krizzie ang bumiyahe."
"Hindi ba pwedeng kayo na lang? Ako'y hinahapo eh." Katwiran ni Rebecca.
Nalungkot man ang magnobyo sa pagtanggi ng ina ng dalaga, inunawa na lang nila ito. Naging abala din kasi ito sa kasal ng kaibigan. Dahil nga anak na rin ang turing nito kay Krizzie.
"Eh, Mama pwede ko po bang isama si Julianna sa baguio?" Nagulat pareho ang mag-ina sa gustong mangyari ng binata. "Ahm, gusto ko lang po siyang makasama habang nandito pa ako. May aasikasuhin po akong problema ng kumpanya na sa bagiuo nakabase. Ayoko naman pong maubos ang isang linggong bakasyon ko na hindi ko nakakasama ang anak ninyo. Please po, sana po'y magtiwala kayo sa akin." Tila pakiusap ng binata.
"Aba eh bukas ang, ... " hindi natapos ni Rebecca ang sasabihin dahil sumenyas si Julianna sa ina'ng huwag nitong ituloy ang sasabihin. "Ah eh sige. Tulad ng nasabi ko'y nasa wastong gulang at pag-iisip na kayo, hindi ko na kayo dapat pang pagsabihan ng nararapat gawin." Sabi na lang nito.
"Salamat po 'Ma." Wika ng binata saka bumaling sa dalagang nakayuko. "Pack your things. Just for two to three days, sige na." Taboy dito ng binata. Agad namang kumilos ang dalaga ng pagtingin sa ina'y ngumiti ito saka tumango.
"Kailan ba ang alis nyo?"
Iyon ang huling narinig ng dalaga bago niya sapitin ang ikalawang palapag ng bahay. Kung ano pa'ng napag-usapan ng ina at ng binata'y, wala ng ideya ang dalaga. Madali lang naman natapos ang dalaga sa pag-eempake.
Pagbaba ng dalaga, inabutan niyang seryosong nag-uusap ang dalawang importanteng tao sa buhay niya.
"Ayos na ako," sabi ng dalaga.
Tila nagulat pa ang mga ito ng magsalita ang dalaga at makitang palapit na ito sa kanila. Agad tumayo ang mga ito. Lumapit si Gideon sa dalaga at inabot ang dala nitong backpack.
"'Ma, aalis na po kami. Mag-iingat po kayo dito, ha?" Paalam ng dalaga saka niyakap ang ina, bago bumulong "mahal na mahal ko po kayo!"
"Naku, ang anak ko, naglalambing na naman," tumatawa itong gumanti ng yakap sa anak. Humalik naman ng kamay ang binata saka,
"Malulungkot po si Inay kapag hindi kayo nakita. Ibinilin pa naman na isama namin kayo ngayon."
"Naku, pakisabi na lang kay Ka Rosing na marami pa namang pagkakataon. Hala, sige na kayo at maya-maya lang ay nandito na si Trining." Sabi nito kaya napatingin dito ang dalaga. "Tinawagan na ni Gideon ang Tati mo. Pinakiusapang samahan ako dito. Alam ni Gideon kung anong makakabawas sa kasiyahan mo," nakangiting paliwanag ng ina sa dalaga.

BINABASA MO ANG
She's Gone
Romancea love so true that has to be ditch in the end ??? Will there be a happy ending or just .... a simple betrayal ...